Tuloy na tuloy na nga ang kasal ni Ralph at Luz. Namahagi pa si Ralph ng invitation sa mga empleyado sa Dela Vega Corp. kabilang na sila Joaquin at Glory. Hindi naman natutuwa si Joaquin dito kung kaya’t hindi niya man lang pinag aasksayahang buklatin ang card na nasa desk niya ngunit si Glory ay dinampot niya ang invitation na binigay ni Addy at binuklat.
Tumambad sa kanya ang litrato ng dalawa na masayang magkasama. Naroon din ang listahan ng mga pangalan ng mga iniimbitahan at mga ninong at ninang. Nagtaka siya sapagkat nahagip ng mata niya ang pangalan ng kambal ni Joaquin na si Nerri at Noreen sa flowergirl kung kaya’t pinuntahan niya si Joaquin sa opisina nito.
“Yes, Glory?” tanong nito habang busy siya sa pagtipa sa computer.
“Flowergirl pala yung kambal mo eh, nakalagay sa invitation, kinausap ka ba ni Ralph tungkol dito?” tanong ni Glory.
“Oo nung nakaraan, alangan tanggihan ko, eh inaanak ni Renzo at Ralph si Noreen at Nerri,” saad ni Joaquin.
“Bakit? Tinatanong ko lang naman eh, sungit mo naman,” saad ni Glory.
“Ewan ko sayo, ikaw dapat ang mas naiinis eh, ano? Payag ka dyan? Ikakasal sa iba yung tatay ng mga anak mo?” saad ni Joaquin na dismayado.
“Come on Joaquin, may mga bagay na minsan mahirap ipaglaban… lalo na pag alam mong talo ka na,” saad ni Glory.
“Hindi ka talo Glory, kung tutuusin mas may laban ka dyan, ayaw mo lang,” saad ni Joaquin.
“Anong gusto mong gawin ko? Ipilit ko sarili ko doon sa tao? Ipaalala ko sa kanya lahat ng pasakit na ginawa ko sa kanya? Pagkatapos ano? Mabubuhay siyang miserable? Joaquin, ayoko nun,” saad ni Glory.
“Bakit mo naman hahayaan na maging miserable siya? At bakit ba takot na takot kang malaman niya ang totoo? Yes, normal lang naman iyon eh, masasaktan talaga siya pero eventually, matatanggap niya din yan,” saad ni Joaquin.
“Joaquin, hindi ko alam, iba magalit ang mga Romualdez. Si Renzo pa nga lang noon eh, sakit na ng ulo, ngayon na lang tumino tino,” saad ni Glory na kilalang kilala ang kaibigan.
“Hindi naman siguro ganon si Ralph, parang nakikita ko naman na mas mabait siya kay Renzo, basta kung pipigilan mo ang kasal, may oras ka pa,” saad ni Joaquin.
“Loko! Hindi ko gagawin iyon, buntis na si Luz, magkaka baby na sila ni Ralph. Deserve nila maging masaya,” saad ni Glory at saka umalis, nilubayan na niya si Joaquin dahil alam niyang paulit ulit lang siyang hihikayatin nito na agawin si Ralph kay Luz.
Samantala, habang naglalakad si Glory sa may lobby ay nakasalubong niya ang isang babae, nabangga siya nito at kapwa sila napasalampak sa sahig. Sa tantya niya ay schoolgirl pa ang babaeng nakabangga dahil halata sa suot nito at dalaginding pa. Ngayon niya lamang ito nakita sa office ngunit katakataka dahil nakapasok ang dalaga ng walang kahirap hirap. Siguro ay anak siya ng isa sa mga empleyado nila, iyon ang naisip ni Glory.
“I’m so sorry, Miss! Sorry po, hindi ko po sinasadya,” saad ng babae na tinulungan siyang tumayo.
“May sugat ho ba kayo somewhere? dalhin ko po kayo sa clinic,” saad nito na alalang alala pa.
“No, I’m fine, I’m fine. Don’t worry, uhm, ngayon lang kita nakita dito, are you a visitor?” tanong ni Glory dito dahil interesado siyang malaman.
“Uhm yes po, I’m looking for my dad, balak kasi namin mag dinner after ng work niya, eh ayoko po maghintay sa resto kaya pinuntahan ko na lang siya dito,” paliwanag ng babae.
“Oh talaga? Sinong daddy mo?” tanong ni Glory.
“Si Mr. Ralph Romualdez po, by the way, I’m Danice, Danice Romualdez,” pakilala ng babae na siyang kinagulat ni Glory.
“Oh, Ralph has a daughter, I’m Glory, Glory San Juan, ka trabaho niya ako,” saad ni Glory.
“Nice to accidentally meet you Ms. Glory,” saad nito na napangiti dahil sa nangyari kanina.
“Yeah, nice to meet you too. I didn't know that Ralph has a lovely daughter, by the way, his office is on the 2nd floor, on the left,” saad ni Glory na ngumiti at itinuro ang office ni Ralph.
“Thank You so much Ms. Glory,” saad ni Danice at saka dumiretso na sa elevator.
Hindi maalis ang paghanga ni Glory sa dalagang si Danice ng mga oras na iyon. Napakaganda nito at girl version talaga ni Ralph, napapangiti siya dahil mabait pa ito at mukhang napalaki ni Ralph ng maayos ang anak. Sumagi sa isip niya na kung alam kaya ni Ralph na anak niya si Cole at Cale ay aalagaan niya rin kaya ito at papalakihin ng maayos katulad ng ginawa nito kay Danice?
Maya maya ay nakita niya na papasok si Luz sa may entrance kung kaya’t tumalikod na lamang siya, ayaw niya ng makasalamuha or makipag usap pa rito.
Samantala, nasa elevator na si Luz nang biglang pumasok ang asawa ni Renzo na si Rossy.
“Oh, look who’s here, ang babaeng pumikot kay Renzo Romualdez, the one and only,” mataray na saad ni Luz.
Ngumiti naman sa kanya si Rossy at sarkastikong nagsalita, “Oh excuse me, wala akong pinipikot, baka ikaw iyon?”
“Actually, hindi ko na kailangan pang pikutin dahil buo na ang desisyon niyang magpakasal sa akin. I see you received the invitation,” saad pa ni Luz na taas noong sinabi iyon kay Rossy.
“Kaya nga ako nandito eh, I need a word with my brother in law, baka kasi magpakasal siya sa babeng huwad na kagaya mo,” saad ni Rossy.
Doon na nagpantig ang tainga ni Luz at pinaghinalaan si Rossy na may alam ito, “Anong binabalak mo?! Don’t you dare mess with me, Rossy, hindi mo ako kilala!”
“Hindi mo rin ako kilala Luz, how dare you do this to Ralph? Napakabait nung tao tapos noong nalaman mong nawalan ng alaala ay sinamantala mo pa, at ano ‘yang pinalalabas mong buntis ka? Totoo ba yan? O isa lang yan sa mga paraan mo para hawakan si Ralph sa leeg? Talaga bang kanya ang batang ‘yan?” sunod sunod na tanong ni Rossy na naniningkit pa ang mga mata.
“Kahit anong gawin niyong lahat. This child I’m carrying is Ralph’s child,” saad ni Luz na naninindigan sa sinasabi niya.
“We’ll see about that, b***h!” saad ni Rossy at saka lumabas ng elevator noong bumukas iyon, nasu suffocate na siya, ayaw niya ng makasama pa ang babaeng huwad na iyon sa elevator.