Chapter 27

1069 Words
Buong lakas na hinawakan ni Ralph si Glory sa braso at iniharap sa kanya at pagharap ay kaagad niya itong sinunggaban ng halik, tila wala namang magawa si Glory dahil bihag na siya ng mga bisig ni Ralph. Nakapikit pa ito at dinadama ang init ng kanyang labi habang si Glory naman ay nakadilat at tila nagugulat sa ginagawa nito. Nalalasahan niya ang alak sa bunganga nito na pilit nilalapastangan ang kanyang labi. Nang makabawi ay tinulak niya ito palayo sa kanya. “That’s it! I’m calling the police and I’m gonna report this harassment!” singhal ni Glory. “Fine! But I’m not gonna stop until you don’t refuse anymore!” singhal din ni Ralph na mas galit pa sa kanya. “You wanna know the truth?! Fine! It’s all my fault Ralph, kasalanan ko kung bakit ka naaksidente, we broke up, and you drunk drive!” pagtatapat ni Glory, hindi niya akalaing iiyak siya sa harapan ni Ralph ng mga oras na iyon. Nasapo naman ni Ralph ang noo nang sabihin iyon ni Glory. “Okay, just tell me you love me and your willing to start again. I will forgive you,” saad ni Ralph na hinawakan ang magkabilang braso ni Glory ngunit hinawi iyon ni Glory. “Hindi kita maintindihan, why you keep on taking chances on me? Ikakasal ka na, Ralph, bakit parang wala lang sayo? hindi mo ba alam na buntis si Luz?” tanong ni Glory. “Ano?!” gulat na tanong ni Ralph. “Yes, you’re going to be a father, Ralph,” (again, pero hindi ng mga anak ko kundi ng anak ni Luz) “Wala siyang sinasabi sa akin, paano mo nalaman ‘yan?” tanong pa ni Ralph. “She talked to me. Natatakot siya na baka iwan mo siya ng dahil sa akin, nalaman niyang may nakaraan tayo bago ka naaksidente kung kaya’t kinausap niya ako at ipinagtapat niya sa akin na buntis siya,” paglalahad ni Glory. Hindi naman alam ni Ralph ang gagawin, galit na galit siya sa sarili, kay Glory, kay Luz at sa sitwasyon. “Siguro mas mabuti pang mag usap kayong dalawa tungkol dyan,” saad ni Glory at saka muling bumalik sa mga kasamahan nila. Hirap na hirap ang puso ni Glory, pilit niyang pinapahid ng marahas ang bawat luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Iyon lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon, wala siyang lakas ng loob upang ipagtapat ang naiwang mga anak ni Ralph sa kanya. “Patawarin mo ako, Ralph, sana ay makalaya ka na sa sakit na naidulot ko dahil malaya ka na ngayon, kung anuman ang hindi na natin magagawa ay tapos na, pinapalaya na kita. Dumiretso siya sa loob ng Villa at pinagmasdan sa kwarto ang kanyang dalawang mahimbing na natutulog na mga anak. “Patawarin ninyo ako, mga anak, wala akong lakas ng loob sa ngayon. Alam kong sobrang duwag ko pero wala akong magagawa, para akong pinagkaisahan ng pagkakataon at ako ang talo ngayon. Sana balang araw mapatawad niyo ako,” Napahagulgol ng iyak si Glory sa harap ng kambal niya habang pinagmamasdan niya ang mga ito. *** Nang makauwi sila galing sa Team Building ay kaagad na nag empake si Glory ng mga gamit nila. Binabalak niya ng umalis sila sa Hacienda Dela Vega. “Sandali naman, Glory, wag ka namang padalos dalos,” saad ni Joaquin. “Oh really?! Sana naisip mo ‘yan noong tinutukso mo ako Ralph, nananahimik na kaming dalawa eh pero anong ginawa mo?!” singhal ni Glory kay Joaquin habang patuloy na nag iimpake. “I’m sorry, hindi ko naman alam na magiging ganon eh,” saad ni Joaquin na napakamot ng ulo. “The truth is you don’t trust me enough Joaquin, kilala mo naman ako eh kaya ko ang sarili ko!” singhal niya pa habang tumutulo na naman ang mga luha. “Sure Glory, ikaw iyon, kaya mo ang sarili mo pero yung mga bata, hindi eh.. Wag mong pilitin. They do really need a father. They’re real father,” saad naman ni Joaquin. “I told you it won’t happen Joaquin, paano ang anak ni Ralph kay Luz? Sige nga, kung magiging makasarili ako ngayon at hindi ako magpaparaya, anong mangyayari?” “Isa lang iyon, kayang kayang buhayin iyon ni Luz, yung sayo dalawa,” saad ni Joaquin. “Joaquin, I can’t. Hindi ako ganon ka selfish,” saad ni Glory. “Nag aalala ka doon, sa sarili mo hindi ka nag aalala, tsk! Tsk!” singhal ni Joaquin. Napatigil bigla sa pag eempake si Glory dahil napahagulgol na siya ng iyak. “Halika nga dito,” saad ni Joaquin at saka niyakap si Glory. “This is giving me a hard time everytime, minsan gusto ko na lang maglaho eh, kinakaya ko lang para sa mga anak ko,” saad ni Glory na tila naghihinagpis dahil alam niyang kasalanan niya ang lahat at kung meron mang dapat sisihin iyon ay siya lamang at wala ng iba. *** Samantala, habang nasa byahe ay hindi maalis alis sa isip ni Ralph ang mga salitang binitiwan ni Glory. Nasasaktan siya at mas doble pa ang sakit ngayon na nalaman niyang buntis ang kasintahang si Luz. He fell out of love with the woman at si Glory na ang tinitibok ng puso niya ngunit wala na siyang magagawa pa ngayon dahil alam niyang kailangan niyang panagutan ang batang nasa sinapupunan ni Luz. Ayaw niyang lumaki ito na walang kinikilalang ama kung kaya’t hindi na siya nagsayang pa ng oras at pinuntahan si Luz sa bahay nito. “Ralph, anong ginagawa mo dito? It’s late, are you alright?” tanong ni Luz dito ngunit niyakap lang siya ng binata. “Yeah, I’m fine, how about you? Care to share with me what's happening?” tanong ni Ralph dito. “What is it, Honey? I don’t understand you,” saad ni Luz. “That your pregnant,” saad ni Ralph na tumingin sa tiyan nito. Nagulat si Luz dahil wala pa naman siyang pinagsasabihan non, maliban kay Glory. Ibig sabihin ba ay nakapag usap ang dalawa? “I’m sorry, Honey, I know that you’ve had a hard time talking to me because I’m busy all the time. Hindi na mauulit, pangako yan. I will do my best to be a good father and Let’s get married.” saad ni Ralph at saka hinalikan ang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD