Ang Pangako

1031 Words
By Michael Juhagetmybox@hotmail.com ------ "Lola... lumaban po kayo. Huwag niyo po akong iwan, Lola. Paano na lang ako kung wala po kayo... Nag-iisa na lang po ako," ang pagsusumamo ni Iyke. "P-patawad a-apo. Hindi ko sinabi sa iyo. Ayaw kong mamroblema ka sa akin. Ayaw kong mag-alala ka, masaktan, malungkot na mawala ako." "Lola... naintindihan ko po kayo. Pero huwag mo po akong iwan, maawa ka po, lola..." Napansin ni Iyke na pilit pa ring magsalita ng lola niya. "Huwag na po kayong magsalita upang hindi kayo tuluyang manghihina. lola..." Ngunit hindi nagpaawat ang lola ni Iyke. "M-may i-isa pa akong inilihim sa iyo, apo." "Huwag na nga kayong magsalita, lola. Naintindihan naman kita, eh." Ngunit nagsalita pa rin ang kanyang lola. "A-ampon lang kita." Mistulang nakarinig siya ng napakalakas at nakabibinging pagsabog sa pagkarinig niya sa sinabing iyon ng kanyang lola. Tila ang lahat ng dugo sa katawan niya ay dumaloy patungo sa kanyang puso at hindi siya makahinga. Sa matinding pagkalito ay hindi na siya nakapagsalita pa. Nanatiling nakatitig na lang siya sa kanyang lola. "I-iniwan ka ng iyong inay na nakalagay sa isang karton sa harap ng aking kubo, kasama ang isang kuwintas, iyong ibinigay ko sa iyo, at isang sulat na nagsasabing alagaan kita at ang ipapangalan ko sa iyo ay Michael... at palayaw na Iyke." Kasabay sa huling binitiwan niyang salita ay naputol din ang kanyang hininga. "Lola Gretaaaaaaaaaaaa!!!" Nakakabingi ang panaghoy na pinakawalan ni Iyke. "Bakit mo ako iniwan Lola Greta! Ang sabi mo ay matagal pa tayong magsasama, bakit bigla mo akong iniwan? Paano na lang ako Lola? Nag-iisa na lang ako sa mundo! Isama niyo na rin ako Lolaaaaaaaaaaaa ko!!!" Halos hindi makayanang pagmasdan ni Yuni ang matinding sakit na naramdaman ni Iyke. Maya-maya lang ay lumabas din siya ng bahay. "Anong nangyari, Waganda?" ang tanong ng prinsipe kay Waganda. "Ayaw pumayag ng mahal na hari na pakialaman o manghimasok sa buhay ng mga mortal, lalo na kung naitadhana na ang pagwawakas nito. Kapag ginawa raw ito, may ibang buhay ang maaaring maisasakripisyo, at mawawalan ng saysay ang iyong misyon. Sinabi rin niya na kasali ito sa iyong pagsubok." Dalawang gabi lang ang lamay ni Lola Greta at full-force na nakiramay ang eskuwelahan at lalo na ang ang mga miyembro ng football team ng coach. "Kung hindi dahil sa pakikialam niya sa relasyon natin, sana ay ikinasal na tayo. Sana ay may karamay ka na sa iyong pagdadalamhati sa pagkamatay niya. Ngayong wala na siya, wala nang sagabal sa pagmamahal natin, Iyke," ang sambit ni Hilda nang dumalaw ito sa lamay. May itim na bulaklak siyang naka-pin sa kanyang dibdib ngunit matingkad na pula naman ang kanyang damit na ternong-terno sa kanyang lipstick. Ang postura niya ay tila dadalo sa isang Velentines party. "Huwag mong iparatang sa lola ko ang mga kasalanan mo! Walang kinalaman ang lola ko sa paghihiwalay natin!" "Totoo naman ang sinabi ko, ‘di ba? Siya ang nag-udyok sa iyo na layuan ako!" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Hilda. "Umalis ka rito kung ayaw mong kaladkarin kita! Alisss!!!" ang bulyaw ni Iyke. Umalis si Hilda ngunit nag-iwan siya ng banta. "Magbabayad ka sa pagpapahiya at p*******t mo sa akin. Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin, Iyke! Pagsisisihan mo ito!" Sa pagkasabing iyon ni Hilda ay bigla na namang narinig ng prinsipe ang halakhak ni Ganida. "Lola, kahit ampon lang po ninyo ako, kayo pa rin po ang kinikilalang tunay kong inay. Kayo rin po ang kinikilala kong tunay na itay. Kayo rin po ang aking lola. Kayo lang po ang nag-iisang taong bumuo ng pamilya at pagkatao ko... Mahal na mahal ko po kayo, lola. Sa iyo ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya. Ang sakit po… Ang sakit po!!!” HInayan lang ni Yuni na iiyak si Iyke. Alam niyang napakahirap ng kalagayan ng coach. “Hayaan niyo po, pipilitin ko pa rin pong itaguyod ang buhay para po sa inyo. Mahal na mahal po kita, lola... Huwag po kayong mag-alala sa akin," ang ibinulong ni Iyke sa sa harap ng puntod ng kanyang lola nang tuluyan na itong ibinaon sa lupa. --- Simula nang namatay ang lola ni Iyke ay palagi na siyang nakatunganga, nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding. Minsan ay nakamulat ang mga mata ngunit napakalayo o ‘di kaya ay napakalalim ng tingin. Minsan ay bigla na lang dadaloy ang mga luha mula sa kanyang mga mata kahit nakatunganga lang at nakatingin sa kawalan. Dito ay naramdaman ng prinsipe ang tindi ng pinagdaanan ni Iyke. Dito rin niya napagtanto kung gaano kahalaga para sa isang tao ang kanyang pamilya, kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Nanumbalik sa kanyang alaala ang paglalaro niya sa mga bata sa yungib na ikinamatay ng kanilang coach. Sumiksik sa kanyang isip kung gaano pala kasakit para sa mga nagmamahal sa kanila ang ginawa niyang paglalaro sa mga buhay nila. "Tama nga ang aking ama. Hindi biro ang buhay na pinagdaanan ng mga mortal. Kung ako na nakasaksi sa isang pangyayari lang kung saan ay nilisan ng isang lola ang kanyang mahal na apo ay tila tinadtad na ang puso, ano pa kaya ang mga mismong pamilyang nawalan ng mahal sa buhay," ang bulong ng prinsipe sa kanyang sarili. Iyon na ang simula nang labis na pagkaawa ng prinsipe kay Iyke. At dahil tulala pa rin ang coach, si Yuni na ang gumawa sa mga karaniwang gawaing-bahay kagaya ng paghahanda ng pagkain, pagpapakain sa mga alagang manok. Pinipilit rin niya na kumain si Iyke. At palagi niya itong kinakausap at pinapayuhan. Kahit sa pagtulog ay inaalalayan din ni Yuni si Iyke. "Ngayon ko lang naintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya, brad. Ngayon ko lang naramdaman na hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay. Naaawa ako sa iyo. Kaya pangako ko sa iyo na kahit nabigo ako sa misyon ko sa iyo dahil namatay ang lola mo, hihilingin ko sa aking amang hari na dito na ako sa iyo, upang samahan ka, gabayan, at alagaan. Pangako..." ang bulong ng prinsipe habang pinagmasdan niya ang natutulog na coach. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD