bc

YUNIMINI

book_age16+
108
FOLLOW
1K
READ
adventure
drama
bisexual
serious
magical world
gay
like
intro-logo
Blurb

May tradisyon ang kaharian ng mga engkanto sa lugar na iyon. Isang tradisyon na sinusunod nila ilang siglo na ang nakaraan. Ang tradisyon na ito ay nagsimula sa mga kanunu-nunuan ng mga engkanto. Ito ay ang pagiging marespeto nila sa mga mortal na nanirahan sa paligid ng yungib na isang aharian ng mga engkanto na. Noong unang panahon ang ang kaharian nilang iyon ay nilusob ng mga kaaway. Napatay nila ang hari at ang kanilang reyna kasama ang sanggol na anak ay tumakas at sumanib sa mga taong mortal. Sila ay kinanlong at binabantayan ng isang pamilya ng albularyo. Nakaligtas ang reyna at ang kanynag munting prinsipe. Nang lumaki na ang prinsipe, naghiganti siya sa mga pumatay sa kanyang amang hari at nabawi niya ang kanilang kaharian, ang yungib na pinaligiran ng mga tao sa maliit na pook na iyon. Dahil sa pagtanggol ng mga mortal sa kanilang reyna at prinsipe, naging magkaibigan ang mga engkanto at mortal sa panahon na iyon. At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang magandang pakikitungon ng mga engkanto sa mga mortal bagamat hindi ni nila nakikita ang mga ito. Hindi nila pinapakialaman ang mga tao, bagkus ay tinutulungan nila ito sa panahong ng pangangailangan kagaya ng kapag dumating ang bagyo, o tagtuyot, o baha.

Subalit, sa bagong henerasyon ng mga engkanto, isang prinsipe ang tila nakalimot sa tradisyon nilang ito. Isang araw, habang nagkayayaan ang isang football team na pasukin ang yungib na kaharian ng mga engkanto, pinaglaruan sila ng isang prinsipe. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ma-trap sa baha ang buong team...

chap-preview
Free preview
Prologue
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- May tradisyon ang kaharian ng mga engkanto sa lugar na iyon. Isang tradisyon na sinusunod nila ilang siglo na ang nakaraan. Ang tradisyon na ito ay nagsimula sa mga kanunu-nunuan ng mga engkanto. Ito ay ang pagiging marespeto nila sa mga mortal na nanirahan sa paligid ng yungib na isang aharian ng mga engkanto na. Noong unang panahon ang ang kaharian nilang iyon ay nilusob ng mga kaaway. Napatay nila ang hari at ang kanilang reyna kasama ang sanggol na anak ay tumakas at sumanib sa mga taong mortal. Sila ay kinanlong at binabantayan ng isang pamilya ng albularyo. Nakaligtas ang reyna at ang kanynag munting prinsipe. Nang lumaki na ang prinsipe, naghiganti siya sa mga pumatay sa kanyang amang hari at nabawi niya ang kanilang kaharian, ang yungib na pinaligiran ng mga tao sa maliit na pook na iyon. Dahil sa pagtanggol ng mga mortal sa kanilang reyna at prinsipe, naging magkaibigan ang mga engkanto at mortal sa panahon na iyon. At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang magandang pakikitungon ng mga engkanto sa mga mortal bagamat hindi ni nila nakikita ang mga ito. Hindi nila pinapakialaman ang mga tao, bagkus ay tinutulungan nila ito sa panahong ng pangangailangan kagaya ng kapag dumating ang bagyo, o tagtuyot, o baha. Subalit, sa bagong henerasyon ng mga engkanto, isang prinsipe ang tila nakalimot sa tradisyon nilang ito. Isang araw, habang nagkayayaan ang isang football team na pasukin ang yungib na kaharian ng mga engkanto, pinaglaruan sila ng isang prinsipe. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ma-trap sa baha ang buong team. Wala nama siyang intensyon na patayin ang mga mortal. Gusto lang niyang tingnan kung paano sila matakot, kung ano ang kanilang magiging reaksyon. Subalit ang hindi alam ng prinsipe, may isang masamang engkantada mula sa ibang kaharaian na galit sa prinsipe dahil hindi niya pinansin ang pagmamahal nito. Si Ganida. Lihim na pinataas pa niya ang tubig at nang naghanap ang coach nang mga lagusan na maaari nilang daanan palabas, sinadya niyang lunurin ito. Nagalit ang amang hari ng prinsipe sa pag-aakalang siya ang dahilan sa pagkamatay ng coach. Dahil sa pagmamakaawa ng prinsipe na patawarin siya, binigyan siya ng pagsubok ng hari. Babalik siya isang taon sa nakaraan at doon ay tulungan niya ang coach sa kanyang pinakamahirap na suliranin sa buhay. Alamin niya kung ano ito at resolbahin sa loob ng isang buwan. Kung magtagumpay siya, mabubuhay ang coach sa yungib, sa eksaktong tiyempo na masagip sila ng mga divers. Ngunit may babala ang hari. "Una, huwag umibig sa isang mortal kung gusto mong makababalik pa sa kaharian ng mga engkanto. Ang pag-ibig ng taga-lupa ay puno ng panlilinlang bagamat kung tunay ito ay may kapangyarihan ding sumalungat sa kahit anong klaseng panununtunan. Pangalawa, wala kang kapangyarihan habang gingagampanan mo ang pagsubok. Pangatlo, walang ni isang mortal ang dapat makaalam sa misyon mo dahil kapag nangyri ito, magiging mortal ka rin. Kapag nagtagumpay ka sa pagsubok na ito, hindi mo na mako-contact pa ang kahit sino sa mga batang pinaglalaruan mo sa yungib, kasama na ang coach." Nalaman ni Ganida ang misyon na ito. At dahil galit siya sa prinsipe, hahadlangan niya ang prinsipe upang hindi ito magtagumpay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook