Lola o Apo?

1003 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ Nahimasmasan si Iyke sa pagkabasa niya sa sulat ng lola. "'Di ka ba nag-alala sa kanya?" ang tanong ni Yuni. "Ok lang. Matagal na niyang hindi nadalaw ang kaibigan niyang iyon. Medyo nakaaangat kasi sila sa buhay. May mga anak na nakapag-abroad, may magandang trabaho ang mga apo. Dumating siguro ang isang anak niya na Canadian citizen. Kapag may reunion kasi sila, hindi puwedeng hindi nila imbitahan ang lola. Kaya okay lang. Masaya ang lola sa ganyan. Kaya nga gusto ko talagang i-tour siya sa ibang lugar sana kung may pera lang ako, eh. Mahilig siyang magtravel." Agad na bumaba si Iyke upang pakainin ang mga alagang hayop ng lola niya. Tinulungan siya ng prinsipe. Pinuntahan din nila ang mga pananim. Nang napansin ni Iyke ang umumbok na lupa sa paanan ng puno ng kamoteng kahoy, natuwa siya. Dali-dali niyang hinatak ang nasabing puno. "Bakit mo sinira?" ang tanong ng prinsipe. "Ito ang kakainin natin sa hapunan. Ang ugat niyan ay lumalaki at nakakain kapag niluluto. Masarap iyan," ang sagot ni Iyke. Nang nabunot na ang puno at ang mga malalaking ugat ng kamoteng kahoy, may nakita pa silang umusling kulay-kape na bilog na bagay. Pinagtulungan nilang hukayin iyon. Tumambad sa kanilang mga mata ang isang palayok na antigo. At hindi lang isa kundi sampung antigong palayok ang kanilang nahukay. Pati ang prinsipe ay nagulat. Doon na napagtanto ng prinsipe na iyon na marahil ang naisipan na paraan ni Waganda upang magkapera ang coach. "Aabot sa kalahating milyon ang halaga niyan!" ang sambit ng prinsipe. Nanlaki ang mga mata ng coach. "T-talaga?" Oo. Kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Iyke. "M-matupad na ang pangarap ko para sa lola ko?" Isang matipid na ngiti lang ang binitiwan ng prinsipe. Kinabukasan ay nagpaalam ang coach na hindi muna papasok sa eskuwelahan. Pinuntahan nila ang isang antique shop sa karatig-syudad. Dinala nila ang isang sample ng palayok. Nagkakahalaga raw ang mga ito ng halos limampung libo bawat isa. Tuwang-tuwa si Iyke sa nalaman. Agad silang bumalik upang dalhin sa buyer ang kanilang mga antigo. Ngunit nang nakarating na sila ng bahay ay laking gulat nila nang ang mga palayok ay nagkabasag-basag na. Halos maiyak si Iyke sa nakitang basag na mga antigo. Lihim na tinungo ni Yuni ang masukal na talahiban at nagkunyaring umiihi. Ngunit ang totoo, gusto niyan makausap si Waganda. Ngunit biglang may narinig siyang mala-demonyong halakhak ng babae na bigla ring naglaho. Doon niya napagtanto na si Ganida ang may kagagawan ng pagkasira ng mga antigong palayok. "Bakit ba kasi sa lahat ng kayamanan na puwede mong ipahukay sa amin, mga palayok pa ang naisipan mo! Puwede namang ginto, diamante, higanteng perlas, o kahit pera na lang na tig-iisang libo! Pinahirapan mo pa kami tapos ganito lang? Hindi mo ba ginamit iyang utak mong maliit?" ang bulyaw ng prinsipe kay Waganda. "Kung makamaliit naman 'to,” turo niya sa ulo niya, “Kung maliit man ang laman nito, at least ito ay dahil maliit ang bungo ko. E, ikaw, malaki nga ang bungo mo pero maliit naman ang utak!" ang pabulong na pagmamaktol ni Waganda. "Anong binulong-bulong mo riyan?" "Wala. Ang sabi ko ay 'di ba ang gusto mo naman ay adventure?" "Adventure nga pero hindi sa palayok!" ang bulyaw ng prinsipe na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Waganda. "Bakit puwede mo namang itago ang gonto o dymante kahit sa tuktok ng bukid at doon namin huhukayin. O di kaya ay sa dagat, iyang higanteng perlas, sisirin namin… Ewan ko ba sa iyon. Ang sarap mo talagang tirising duwende ka. Grrrr!" ang galit na sambit ng prinsipe. Wala nang nagawa pa si Waganda kundi ang magkamot sa kanyang ulo sabay lipad palayo. ----- Nagkapera pa rin naman si Iyke dahil sample nai-save nila dahil dala-dala nila ito sa prospective buyer. Ang mga basag na kaya pang ipagtagpi-tagpi ay binili pa rin naman ng buyer bagamat mura lang. Nakalikom pa rin sila ng walumpung libong piso. Masayang-masaya si Iyke. Nanghingi naman si Yuni ng limang daan. "Para saan?" ang tanong ni Iyke. "Huwag ka nang magtanong..." Kinahapunan ay may ibinigay si Yuni kay Iyke. Iyon iyong bagay na bininili sa 500 na hiningi niya. Natawa si Iyke habang tinanggap niya ang ibinigay ni Yuni. Simple lang ito ngunit naappreciate niya. Isang stuffed toy ng batang lalaki. Nasa tatlong talampakan ang taas. "Di ba gusto mo ng kapatid? Iyan lang ang maibibigay ko, ang pangalan niya ay Yunimini," sabay bulong ng, "Hindi na kasi dinatnan ang lola mo. Hindi na puwedeng magkaanak." Tawanan. ----- Lumipas pa ang tatlong aray at hindi pa rin bumalik ang lola ni Iyke. Nakadama na siya ng pagkabahala. Dali-daling pinuntahan nila ang bahay ng nasabing kaibigan ng lola niya. Ngunit laking gulat nila nang malamang may isang taon na palang patay ang nasabing kaibigan. Doon na natakot ang coach. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang lola niya at kung ano ang dahilan kung bakit nagsinungaling ito sa kanya. Kinahapunan ay may isang lalaking nagpunta sa bahay nila. Ipinaalam niya kay coach na ang lola niya raw ay nasa pangangalaga ng kanyang itay na isang albularyo. Matagal na raw palang pabalik-balik sa kanila ang kanyang lola dahil sa iniindang sakit. Ngunit sa pagkakataong iyon ay malubhang-malubha na siya at hindi na niya kayang umuwi pa. Nagmamadali silang tumungo sa bahay ng nasabing albularyo. Ngunit naghihingalo na ang lola ni Iyke nang datnan nila ito. Dahil sa pagkaawa ng prinsipe kay Iyke ay lihim na inutusan niya si Waganda na tumungo sa kanilang kaharian at magsumamo sa kanyang amang hari na sagipin ang buhay ng lola ni Iyke. “Mahal na prinsipe, nalimutan mo na ba? Mawawalan ng saysay ang iyong misyon kung manghingi ka ng tulong sa kapangyarihan ng iyong kaharian! Kung maligtas man sa kapahamankan ang lola ni Iyke, papaya ka ba na si Iyke naman at ang mga estudynte niya ang tuluyan nang mabaon sa yungib at hindi na mailigtas? Sino ang pipiliin mo? Ang lola? O ang apo?” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD