Sa Panaginip Mo!

1002 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ---------------------- "Pasensya na mahal na prinsipe, may masamang nangyari sa aking inay sa ating kaharian kaya natagalan ako. Pero okay rin iyang nabugbog ka para naman manamnam mo ang pakiramdam ng pagiging mortal," ang biro ni Waganda sabay din bawi ng, "Joke lang, my labs, Prinsipe Yuni." "Joke ka riyan. Kung ikaw kaya ang titirisin kong duwende ka! Akala mo ganyan lang kadali itong kalagayan ko? Kumusta naman ang inay mo? Okay na ba siya?" "Hindi pa nga, eh. Ewan. Bahala na. Basta susulpot-sulpot lang ako. Kapag nasa delikado kang kalagayan ay tawagin mo lang ako, okay ba?" May kaunting pagkadismayang naramdaman ang prinsipe. Alam niya kung gaano ka-importante ang tulong ni Waganda sa misyon niyang iyon. Ngunit wala siyang magagawa. Nang muling ibinaling niya ang kanyang tingin kay coach, nakalayo na ito, kasama niyang nagbibisikleta ang dalawang estudyante. "At oo nga pala. Napag-alaman ko na ang misyon mo ay may kinalaman sa nag-iisang pamilya ng coach." Nahinto sandali ang prinsipe at tiningnan si Waganda. “Pamilya? Ang alam ko ay lola lang niya ang kaniyang pamilya…” “Iyan ang yuklasin mo, love na love kong prinsipe.” “Kung sabihin mo na lang kaya sa akin kung ano upang hindi na ako mahirapan?” “Hindi ko nga rin alam, eh.” “Ikaw? Numero-unong tsismosa sa kaharian, walang alam? Maniwala ako  sa iyo!” “Eh, hindi naman natin kaharian ito eh! Hindi gumagana ang radar ko rito.” Inismiran ng prinsipe si Waganda. "Sige na nga. Salamat na lang!" ang sambit niya sabay takbo at hinabol ang coach at ang mga estudyante nito. Nakarating sila sa kanilang paaralan. Kahit nasa isang gilid lamang nakatambay si Yuni gawa nang ayaw niyang mapansin ng mga tao, kinabisado niya ang lugar. At sa buong araw na iyon ay inistalk niya ang Coach. Doon niya nadiskubre ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya sa kanyang paaralan. Maliban sa pagiging coach ng football ay nagtuturo rin siya. At napansin niya na malapit siya sa mga estudyante. Namukhaan niya ang mga batang miyembro ng football team na nakasama niyang na-trap sa yungib. Pagkatapos ng klase, nakita ni Yuni ang coach na sumakay sa kanyang bisekleta upang umuwi na. Hinabol niya ito. "Brad, sa inyo na ako tutuloy, please..." ang muling pangungulit ng prinsipe nang maabutan niya ang coach. Sa inis ay huminto si coach. "Alam mo, ang kulit mo talaga, ano? Hindi ka puwedeng sa amin tumuloy dahil maliit lang ang bahay namin. Mahirap lang kami, marami akong problema at masakitin ang lola ko. Baka lalo lang siyang ma-stress sa iyo dahil sa kakulitan mo. Ayaw kong dagdagan pa ang problema namin." Nahinto siya sandali, tinitigan ang prinsipe. "Alam kong anak-mayaman ka. Hindi ka nababagay na tumira sa aming dampa. Alam ko ring hindi ka kumakain ng kung anu-anong pagkain. Isa pa, hindi kita kilala. Malay ko ba kung masamang tao ka, o may masamang balak ka sa amin! Kaya maghanap ka na lang ng ibang taong kukiupkop s aiyo!" "Brad! Nahold-up nga ako at dinala ako ng mga hold-upper dito sa lugar ninyo eh. Kaya wala akong pera, walang matutuluyan, hindi ko alam kung sino ang mga mababait dito sa lugar ninyo. At promise brad, hindi talaga ako pabigat. Kumakain ako ng kahit na ano, at lalo nang wala akong masamang balak sa inyo. Ni hindi nga kita kilala eh. Sige na brad, kahit dalawang linggo lang ako sa inyo," ang pangungulit ng prinsipe. Doon na tumaas ang boses ni Coach. "Sinabi nang hindi puwede eh! Ba't ba ang kulit-kulit mo! Kung hindi ka titigil sa kasusunod sa akin, masasaktan ka talaga!" ang banta ng coach sabay angkas sa kanyang bisekleta at pumadyak. "Magsuntukan na lang tayo! Kung matatalo kita, sa inyo na ako titira!" ang matigas na hamon ng prinsipe. Natawa si coach, nilingon ang prinsipe habang patuloy sa kanyang pagpadyak. "Ikaw? Ni hindi mo nga kayang ipagtanggol ang sarili mo sa mga tambay? Patawa ka rin, ano?" "Ang yabang mo naman! Naunahan lang nila ako! Atsaka ikaw, nag-iisa ka lang. Kaya kita. At may utang ka pang tatlong suntok mula sa akin! Ang sabihin mo, takot ka sa akin!" “Gago! Kung ikaw lang, kahit dalawang kamay ka at isa lang ang aking gagamiting kamay. Siguradong bugbog-sarado ka pa rin.” “Subukan mo. Hindi mo pa nakita kung paano ako manuntok! Malakas ito! Magaling! Wala pang tumalo sa akin sa aming kahari… este,” nahinto ang prinsipe at nag-isip. “lupain, oo lupain.” Doon na muling huminto si Iyke. Inismiran niya ang prinsipe. “Lupain? Kagaya ng lupain na may mga niyog o abaca, o saging at may mga kalabaw? Iyon ang pinagpraktisan mo?” Hinihipo-hipo ni Yuni ang kanyang kamao sa harap ni Coach. Tinitigan pa niya ito, pahiwatig na atat na atat na siyang makipagsuntukan. "Gusto kong ngayon ko singilin sa iyo ang tatlong suntok na iyon! Iyan ang tatlong libreng suntok na pambayad mo sa pagsuntok mo sa akin! Tingnan natin kung hindi ka makatulog sa lakas ng kamao ko!" "Tutulungan kita!" ang bulong ni Waganda. "Huwag! Kaya ko ang mortal na ito!" ang sagot ni Yuni. "Ang yabang! Kala mo naman!" ang pabulong na pagdadabog ni Waganda at bigla itong naglaho. "Ano kamo? Duwag?" ang mataas na boses ni ni Coach. Ang buong akala niya ay siya ang kinausap ni Yuni at ang "Huwag" na sinabi niya ay "Duwag" sa kanyang pagkarinig. "At mortal? Bakit imortal kaba?" dagdag pa ni Iyke. Hindi kasi nakikita o naririnig ng mga mortal si Waganda. Upang lalong mainis, sinakyan ni Yuni ang sinabi ng Coach. "Oo. Imortal ako. Hindi tinatablan. At hindi mo ako kaya!" Muling natawa si Iyke. "Sige nga... pagbigyan kita sa sinabi mong tatlong suntok na utang ko sa iyo, kahit lima pa kung gusto mo. Tingnan natin kung imortal ka nga." Bumaba si Iyke mula sa kanyang bisekleta at hinarap ang prinsipe. "Game! At kapag napatumba kita, sa inyo na ako titira," ang sambit ng prinsipe. "Sa panaginip mo!" (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD