Kuwintas

956 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Kaya pinagbigyan ni coach si Yuni ng limang suntok. Natamaan ng tatlong beses ang mukha ni Coach bagamat nailagan niya ang pang-apat at panglima. Nanatiling nakatayo pa rin ito. "May utang ka uli, dalawa! Umilag ka, eh!" "Puro ka utang!" At sa inis ni Coach pinaulanan ng suntok si Yunie. Bumagsak ang prinsipe. Dumugo ang bibig niya. Pinagtawanan siya ni Coach. "Akala ko ba ay hindi ka tinatablan? Bakit dumugo yata iyang ilong at bibig mo?" ang pang-iinis ni coach. "Madaya ka! Nilansi mo ako!" "Ang sabihin mo ay wala kanga lam sa panununtok! At simula ngayon, huwag mo na akong kulitin at huwag mo na akong sundan! Iyan ang usapan natin kaya sundin mo ang usapan natin. Usapang-lalaki iyan!" "Okay... hindi na kita kukulitin. Ngunit kapag natulungan ba kita sa isang bagay ay puwede na akong manatili sa inyo?" "Uy… Hindi ako manghingi ng tulong sa iyo, ungas! Huwag kang managinip! Kaya magmove on ka na!" “Sigurado ka?” “Anong sigurado ang pinagsasabi mo? Siguradong-sigurado!” “Gusto mo i-try? Huhulaan ko.” “Huwag na! Masaktan ka lang.” Ngunit nagpatuloy si Yuni. "Nahulaan kong may nawala sa iyo na isang bagay na mahalagang-mahalaga. Alam ko kung saan iyon matatagpuan," ang pahabol na salita ni Yuni nang nagsimula nang pumadyank si Iyke. Biglang nahinto si Iyke. Nilingon niya si Yunie. "Walang nawalang bagay sa akin, okay! At kung mayroon man, hindi ako manghingi ng tulong sa iyo!" at dumiretso na siya sa pagbibisikleta. Nakarating ng bahay ang coach. Hindi siya kinulit ni Yuni. Ang totoo, naghintay lang si Yuni na hanapin siya ng coach. Nasa labas lang siya ng bahay ng coach. Nagtatago sa isang sulok. Bago nakatulog ang coach sa gabing iyon ay hindi niya mahanap ang kanyang kuwintas. Bigla niyang naalala ang sinabi ng prinsipe. Doon na siya nagsuspetsa na maaaring may kinalaman ang prinsipe sa pagkawala nito. Kinabukasan, pagbukas na pagbukas ni Iyke sa kanilang pinto ay naroon na ang prinsipe sa harap nito. Nakangisi, bagamat pansin sa mukha nito ang black eye at ang putok na labi gawa ng pagsuntok ng coach sa kanya nang nakaraang araw. "Gusto mong hulaan ko kung ano ang nawala sa iyo?" ang tanong niya kaagad sa coach. "Gusto mong dagdagan ko ang black eye mo, at iyang ang putok mo sa labi? Ninakaw mo ang kuwintas ko, ano?" ang galit na tanong ni Iyke. "Hindi ah! Hindi ako ganyan, Brad." "Bakit sunod ka nang sunod sa akin? At ngayon, alam mo rin pala na nawala ang kuwintas ko? Ano ka, manghuhula? May magic?" "Parang ganoon na nga." "Ang sabihin mo, magnanakaw ka!" Sa inis din ng prinsipe na pinagbintangan siya na magnanakaw ay biglang tumalikod ito. "Okay, fine. Ako na nga itong gustong tumulong sa iyo, ako pa itong magnanakaw. Ganyan pala talaga kayong mga taga-lupa? Marumi ang isip? Mapanghusga? Hindi maintindihan!" Dali-daling hinawakan ni Iyke ang kanyang kamay. "Sandali! Okay, hindi ka magnanakaw. At kung gusto mong umalis, okay lang din. Pero sabihin mo muna kung nasaan ang kuwintas ko!" Muling humarap si Yuni kay Iyke. "Mag please ka muna. Iyong pa-cute." Medyo napikon man, pinagbigyan ito ni Iyke. Napakahalaga kasi para sa kanya ang kuwintas na iyon. "Ang dami namang arte, PLEASE?" ang padabog na sagot niya. "Mabigat yata sa kalooban mo eh. Kaya huwag na lang," ang sambit ng prinsipe na tatalikod na sana. Ngunit muling hinawakan ni Iyke ang kanyang kamay. At nang nakasalubong ang kanilang mga tingin, tinitigan niya ang prinsipe. Hindi siya makapaniwala sa sobrang kakulitan nito. "Okay, heto na..." at ibinigay niya ang pinaka-cute niyang porma. Habang nakaharap siya sa prinsipe, sinadya niyang hawakan ang dalawang kamay nito, tinitigan pa na mistulang ang mga mata ay nakikipag-usap, ang mga kilay ay halos magkasalubong dagdagan pa sa pinaka-cute at pamatay niyang mukha na nagmamakaawa at mangiyak-ngiyak na binigkas ang, "Pleaseeee?" ngunit may pagka-sarkarstiko ang dating. Sa pagkakita ng prinsipe sa pormang iyon ni Iyke, para siyang nahipnotismo na nakatitig na lang. May nadarama siyang kakaibang pagkaaliw sa coach bagamat alam niyang hindi ito bukal sa kalooban. "Hoy! Taong immortal!" ang biglang pagsingit ni Iyke, binitiwan ang mga kamay ng prinsipe. "Kung makatitig ka naman!" Doon na tila nahimasmasan si Yuni at halos hindi makatingin kay Iyke sa hiya. "Saan matatagpuan ang kuwintas ko?" "Magpromise ka muna na sa inyo ako tutuloy kapag nahulaan ko kung saan matatagpuan ang kwintas!" At dahil nakukulitan na ang coach kung kaya ay napilitan itong pumayag. "Okay. Sa amin ka na tumira..." Kaya isiniwalat ng prinsipe ang lugar kung saan matatagpuan ang kuwintas at kung bakit napunta iyon doon. At dahil plinano niya na itago ito sa ilalim ng isang bato, siya rin lang ang nakakaalam kung paano ito mahahanap. "Ano ka ba talaga?" ang tanong ni Iyke kay Yuni nang nasa kamay na niya ang kwintas. "Manggagantso? O may sa demonyo?" "Sabihin na lang nating isa akong engkanto – isang napakaguwapong prinsipe ng mga engkanto na bumaba sa lupa upang tulungan ang isang taga-lupa na katulad mo." Natawa si Iyke, inismiran si Yunie. "Prinsipe talaga ng mga engkanto? Mukhang may sayad ka ah! Lampa ka nga eh!" "Bakit hindi ka ba naniniwala sa engkanto?" Tinitigan ni Iyke ang prinsipe. "Iyang black eye mo? Iyang putok sa labi mo? Prinsipe ka pa ng engkanto niyan? Nasaan ang mga sunadlong engkanto mo? Ang mga kampon mo? Ang kaharian mo?" Natahimik si Yuni. Alam niyang hindi niya maaaring sabihin ang kanyng sikreto dahil kapag nalaman ito ni Iyke ay mawawalan ng saysay ang kanyng misyon at tuluyang mamamatay sa hinaharap ang coach at ang mga estudynte nito na natrap sa kuweba ng kanyang kaharian. "Kung alam mo lang sana..." ang bulong ni Yuni sa kanyang sarili. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD