Pekeng Prinsipe

980 Words
By Michael Juhagetmybox@hotmail.com ------ "Okay, hindi ako engkanto at lalo nang hindi ako prinsipe. Basta sa inyo na muna ako pansamantalang makituloy, okay?" ang pagbawi ng prinsipe sa kanyang sinabi na isa siyang engkanto. Doon na ibinalik ni Iyke ang ginawa sa kanya ng prinsipe. "Mag please ka muna. Iyong pa-cute. Tingnan natin kung totoong guwapong prinsipe ka nga." Ngunit iba ang ginawa ng prinsipe. Imbes na gawing kaawa-awa ang kanyang mukha, binitiwan ng prinsipe ang isang nakabibighaning ngiti sabay sabi ng "Please...?" Si Iyke naman ang naturete sa ngiting iyon ni Yuni. Hindi maipagkailang may naramdamang paghanga siya sa ngiti na iyon. Pamatay naman kasi ang ngiti ng prinsipe. May mapupula at kissable na mga labi, pantay at mapuputi ang mga ngipin, may biloy sa magkabilang pisngi. Iyan ang dahilan kung bakit nabibighani sa kanya ang mga engkanto, ma-babae man o bakla. At kahit iyong sinasabing "straight" ay nababakla, samantalang ang mga tomboy ay nagpi-feeling babae uli, kinikilig. Sino ba ang hindi nabibighani sa ngiti ng isang Prinsipe Yuni? "Anong mayroon sa titig na iyan?" ang tanong ni Yuni nang napansin niyang nakatitig na lang sa kanya si Iyke. "Ah alam ko na. Atat na atat ka nang makasama ako sa bahay ninyo, ano?" Doon na nahimasmasan si Iyke. "Hindi puwede!" ang sigaw niya sabay sakay sa kanyang bisikleta at pinatakbo ito. Ngunit kahit iba ang lumabas sa kanyang bibig, iba naman ang tunay na naramdaman niya. May kakaibang saya. May kakaibang excitement na hindi mawari. At ang pagpapatakbo niya sa bisekleta niya ay tila isang pahiwatig niya kay Yuni na habulin niya siya. At hindi siya nabigo. nakangiting tumakbo ang prinsipe at hinabol siya. At nang maabutan ay bigla itong umangkas sa kanyang backrider seat. "Akala mo ay hindi kita mahahabol?" ang masayang sambit ng prinsipe. Hindi na sumagot si Iyke. Binilisan niya ang pagpadyak sa kanyang bisekleta na tila nagpapakitang-gilas sa prinsipe. "Huwag mong masyadong bilisan! Malalaglag ako!" ang pag-angal ng prinsipe na biglang napayapos sa baywang ni Iyke. "Di lumipad ka. Prinsipe ka ng mga engkanto, ‘di ba?" Ang sagot ng coach na tumatawa pa. ---- "Lola, siya po si Yunie. Isa po siyang engkan... este estranghero sa lugar natin. Napadpad siya rito dahil may mga masasamang tao raw na nanghostage sa kanya at dinala siya rito sa atin. Ninakaw sa kanya ang lahat niyang pera at pati mga ID hindi siya makabalik sa kanila," ang pagpapakilala ni Iyke sa kay Yuni sa kanyang lola. "Pansamantala siyang manatili sa atin, lola..." ang dugtong niya. Nang makitang nagmano si Iyke sa lola niya ay nagmano na rin ang prinsipe sa matanda. "Ah, ganoon ba? Sino kaya ang mga walang pusong taong iyon? Parang ngayon ko lang narinig ang ganyang modus dito sa atin, ah," ang nababahalang sagot ni Lola Greta. At baling niya kay Yuni, "Sige apo... dito ka na lang muna. Ngunit pagtiyagaan mo ang aming kahirapan," dugtong niya. Dahil walang ibang kuwarto ang bahay nina coach para sa mga bisita, sa gabing iyon ay magkatabing natulog silang dalawa ni Yuni. "Napakalaking karangalan para sa iyo ang makatabi ako sa pagtulog. Dapat ay magpasalamat. ka," ang sambit ni Iyke. "Karangalan? Bakit? Artista ka ba?" ang sagot ni Yuni. "Hindi lang artista. Ako ang pinakaimportanteng tao rito sa bahay na ito." Inismiran siya ni Yuni. “Ako nga, prinsipe, hindi naman ako nagyayabang. “Kasi, peke kang prinsipe,” nahinto sandali si Iyke. “Teka… may sayad ka siguro, ano?”  “At bakit mo naman nasabi iyan?” “Normal ba ang pag-iisip ng isang tao na palaging sinasabing prinsipe siya?” Hindi nakaimik si Yuni. Gustuhin man niyang magpaliwanag, hindi rin puwede. At nasisip rin niyang mas makabubuti sa kanyang misyon kung hindi talaga maniniwala si Iyke na isa siyang tunay na prinsipe. Dahil sa hindi pagsagot ni Yuni, nilagyan ni Iyke ng harang na unan ang gitna ng kanilang tulugan. "Maigi na ang nakasiguro, baka mamaya habang tulog ako ay bigla mo akong sakalin o itakin. O ‘di kaya, ang tunay mo talagang pakay kung bakit sa lahat ng bahay dito sa lugar namin ay itong bahay namin ang pinakagusto mo ay dahil may pagnanasa ka sa akin." Biglang kumunot ang noo ng prinsipe. "Pagnanasa? Sa iyo? Mahiya ka naman, brad! 'Di mo lang alam kung gaano karami ang nahuhumaling nitong mukha na ito?" turo sa mukha niya. "...tapos sa iyo lang ako magnanasa?" "E, ano ba ang pakay mo at gustong-gusto mo talaga rito sa amin? Alangan namang ang lola ko ang pinagnasaan mo?" Ngunit narinig pala ng lola niya ang sinabi ni Iyke. "Okay lang iyan apo. Huwag mo siyang kontrahin. Matanda lang ako ngunit umaasa pa rin naman." Nagkatinginan ang dalawa na pigil ang pagtatawa. At pagkatapos ay sabay rin na tumaglid patalikod sa isa't-isa. "Matulog na nga tayo," ang sambit ni Iyke. Ngunit kinabukasan ay nawala na ang harang sa gitna nila. Nagising si Iyke na si Yuni ay nakatagilid paharap sa kanya, ang mukha nito ay nakadikit na sa kanyang mukha, ang isang kamay naman ay nakapatong sa ibabaw ng umbok ng kanyang p*********i. Samantalang si Iyke naman ay nakatihaya ngunit ang braso niya ay ginawang unan ni Yuni at ang isa niyang paa ay nakapatong sa baywang ni Yuni na nakatagilid paharap sa kanya, ang harapan ng huli ay nakadikit sa tagiliran ni Iyke. Nang iminulat ni Iyke ang kanyang mga mata at nakita ang kanilang postura ay tarantang itinulak niya ang prinsipe. "Ba't mo ako pinagsamantalahan!" ang bulyaw niya. Napatihaya ang prinsipe at gulat na nagising. Nang makita niya ang expression ng mukha ng coach, nakuha niya ang ibig nitong ipahiwatig. Pabirong sinilip niya ang kanyang garterized short na pinahiram ng coach sa kanya nang nakaraang gabi. "May nangyari ba?" ang tanong niyang kunyari ay nanlaki ang mga mata na tiningnan ang kanyang p*********i. "Huh!!! M-may nangyari nga! Wala na akong dangal! (Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD