Dirty Finger

1033 Words
By Michael Juhagetmybox@hotmail.com ----- “Itatapon na ako nito ng mahal na hari sa mainit at kumukulong lawa ng yelo!" ang sambit ni Yuni."Tanga! May kumukulo bang yelo? At huwag ka ngang magbibiro ng ganyan! Tatadyakan kita riyan, eh!" ang inis na sambit ng coach. "Mayroon sa amin ah! Kung makapunta ka sa amin, ipapakita ko sa iyo. Mayroon ngang talon sa amin na imbes ang tubig ay babagsak, sa taas ang patugn nito!" “Si yong ilog ninyo ay nakalutang din sa mga ulap!” ang sarkastikong sagot ni Iyke. “Sinabi mo pa.” “Ano pa mayroon sa inyo?” Lawa ng kumukulong juice!” "Mayroon dito sa amin. kumukulong asupre. Gusto mo ilublob kita? Namamatay ang mga engkanto kapag nailublob doon." "Ah huwag namang personalan. Namemersonal ka eh." "Kaya umayos ka!" Tiningnan muli ni Yuni ang loob ng kanyang short. "May nangyari nga talaga! Sa wakas ay nakatikim na ako ng tumbong ng mortal!" "B-bakla ka nga!" ang sagot na pang-aasar naman ng coach. "Sus! Lalaki 'to, Mortal! Hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki. Lalo na sa isang coach na feelingero!" "Bakla ka! Bakla! Lola! Bak---" Hindi na naituloy pa ng coach ang kanyang pang-ookray sa prinsipe nang dali-daling binusalan ng prinsipe ang bibig ni Iyke. "Pasalamat ka't tinanggal sa akin ang aking kapangyarihan dahil kung nagkataon, uutusan ko ang lahat ng mga duwendeng paglaruan ang ari mong mortal ka!" "Type!" ang pagsingit ni Waganda na naroon pala at kinikilig na pinagmasdan sila. "Utusan mo na ako, my prince dear! Now na!" Biglang napalingon ang prinsipe sa kinaroroonan ni Waganda na nakatayo sa ibabaw ng cabinet sa dingding na naghiwalay sa kuwarto ni Iyke at ng kanyang lola. "Isa ka pa!" ang bulyaw niya. At dahil hindi naman nakikita ni Iyke si Waganda, akala niya ay iba ang binubulyawan ng prinsipe. "Huwag mong bulyawan ang lola ko nang ganyan ah!" "Huh!" ang gulat na reaksyon ni Yuni nang narealize na hindi pala nakikita ni Iyke si Waganda. "Hindi siya ang kausap ko!" ang sambit niya. "Sino ang kausap mo?" "Eh, hehe... sarili ko lang," ang nahihiyang palusot niya. Tinitigan ng coach ang prinsipe. Iyong titig na may pagdududa, nakasimangot. "Naniniwala na talaga ako na may sira iyang utak mo!" ang sigaw niya. "Iligpit mo na nga lang ang higaan natin at maghanda pa ako ng agahan!" ang utos niya sabay hagis ng unan sa mukha nito at dimiretso sa pintuan patungo ng kusina. Nasalo ng prinsipe ang unan ngunit palihim niyang ginagad nakatalikod nang coach. "Maghanda pa ako ng agahan! Kala mo naman kung makautos. Kung 'di lang tinanggal ng amang hari ang kapangyarihan ko, kanina pa kita ginawang palaka," Ang bulong niyang itinutok ang daliri sa pintuan kung saan dumaan si coach. "Matisod ka!" sambit niya. At natisod nga si Iyke. "Aray ko po!" Ang sigaw ni Iyke. Napatakip ang prinsipe sa kanyang bibig. "Gumagana pa ang kapangyarihan ko!" "Ako ang nagtulak sa kanya, mahal na prinsipe," ang sambit ni Waganda na pinakawala ang mumumunting tawa. Nakatayo si Waganda sa ibabaw ng pintuan kung saan natisod si Iyke. Doon binigyan niya ng dirty finger si Waganda. Ngunit nakalingon si Iyke at nakita ang dirty finger ni Yuni. Ginantihan din siya ni Iyke ng dirty finger with matching dilat. Nang nakatalikod na si Iyke, minuwestrahan naman ni Yuni si Waganda ng suntok. ------ Sa pananatili ni Yunie sa bahay ni Coach ay marami siyang nadiskubre. Dedicated si coach sa kanyang trabaho bilang coach, mabait sa lahat ng tao, estudyante, lalo na sa mga players niya, maalalahanin, matulungin sa kapwa, at higit sa lahat ay sobrang mahal niya ang kanyang lola. Ang lola niya ang kanyang inspirasyon, sa lola rin niya umiikot ang kanyang mundo. Isang araw habang pauwi na sila mula sa eskuwelahan, dumaan si coach sa bilihan ng mga prutas. Naghanap siya ng yacon. Isa itong root crop na matamis at medicinal. Subalit bihira lang itong nahahanap sa palengke. Ngunit sa araw na iyon ay nakahanap si coach. Ayaw sanang ibenta ito ng tindera dahil nakareserve na ang mga ito sa isang suki. Ngunit matindi ang pakiusap at pagsusumamo ni coach na halos lumuhod na lang ito sa harap ng tindera. Kesyo poborito ito ng lola niya, kesyo masakitin ang lola niya ngunit walang maintenance na gamot at ang yacon lang ang nagsilbing gamot at pagkain niya. Naawa ang tindera. "Mahal mo talaga ang lola mo, ano?" ang tanong ni Yuni kay Iyke habang nakasakay siya sa backrider seat ni Iyke habang pumapadyk ito pauwi ng bahay. Doon na ikinuwento ni Iyke ang tungkol sa kanyang lola. At ang hindi niya malimutang sinabi ng coach sa kanya ay, "Hindi ko alam kung paano mabuhay kapag wala siya. Iyan ang kinatatakutan ko. Simula nang mamulat ako sa mundo, siya na ang tumatayong nanay, tatay, lolo at lola sa akin. Lahat ng sakripisyo ay ginawa niya para sa akin. Matinding hirap ang dinanas ng lola kong iyan upang maitaguyod at maitawid ang aming pang-araw-araw na kabuhayan at pag-aaral ko. Kaya mahal na mahal ko iyan. Siya lang ang nag-iisa kong pamilya." "Bakit nasaan ba ang mga magulang mo?" "Patay na sila. Magkasama silang nasawi nang lumubog ang sinasakyan nilang barko, kasama raw ang bunso kong kapatid na lalaki. Naiwan ako sa aking lola noon kung kaya heto... ako na lang ang natira." "G-ganoon ba? Ang saklpa pala ng kuwento mo.” “Okay lang. Tanggap ko na.” “A-ano bang gusto mo para sa lola mo?" ang tanong ni Yuni. Naalala niya ang misyon niya na base sa sinabi ni Waganda ay tungkol sa pamilya. Kaya naisip niya nab aka tungkol sa lola niya ang misyon na iyon. "Sana, kung may pera lang ako, iparanas ko sa kanya ang kahit isa o dalawang araw na layaw. Iyong matulog siya sa isang malambot at malamig na higaan, makakain ang masarap na pagkain na hindi pa niya natikman, ang sumakay ng eroplano..." Bahagya siyang nahinto. "Kaya nag-iipon ako para sana, isang araw habang buhay pa siya ay maranasan niya ito." Hindi na nakaimik pa ang prinsipe. Napagtanto niya na iyon na nga ang misyon niya sa coach. Ang tulungan ang coach na ipadama ang pagmamahal niya sa kanyang lola. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD