By Michael Juhagetmybox@hotmail.com
--------
"Jaraaaannnnnnnn!!!" ang pagbulaga ni Yuni kay Iyke habang hawak-hawak sa kanyang kamay ang dalawang kuwintas. Nasa bahay na sila noon matapos nilang mapagaling ang babae. Tuwang-tuwa si Yuni sa kinahinatnan ng kanyang plano sa pagpapakita niya sa pamamagitan ng kalagayan ng babae kung gaano kahirap ang mawalan ng magulang dahil sa pamamagitan nito ay nakumbinsi rin niya siya na makipagkita sa kanyang inay.
"Huh! Di ba nalunod ka? Nakuha mo pala iyan?" ang gulat na tanong ni Iyke.
"Nailagay ko na ang mga ito sa bulsa ko bago pa man ako nawalan ng malay-tao."
"Ahhh," ang sagot ni Iyke. Kinuha niya ang kuwintas na may nakaukit na "AY". Iyon iyong kuwintas na nasa kanya habang iniwan sa kamay ni Yuni ang isa na may nakaukit na "IN".
"Ayaw mo ba nito?" ang tanong ni Yuni habang inangat ang naiwang kuwintas.
"Hindi pa kami nagkita, ‘di ba?"
Napailing si Yuni. Ipinasok niya ang kalahating kuwintas sa kanyang bulsa. "So kailan natin puntahan ang inay mo?"
Hindi nakasagot agad si Iyke. Naisip niya na napakarami niyang dapat isisi, ipapanagot, isusumbat sa kanyang inay. Balak niyang alipustain, pagsabihan ng masasamang salita, ipapahiya... "Puwedeng sa isang linggo na? Gusto kong makapaghanda," ang sagot niya kay Yuni.
Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ni Yuni. "Sige... pero huwag nang palampasin ng isang lingo. At hindi ka puwedeng mag back-out."
Ngunit hindi iyon tinupad ni Iyke, dahilan upang mabahala si Yuni. Palapit nang papalapit na kasi ang huling araw ng pagtatapos ng kanyang misyon.
Nang kinontact ni Yuni si Aileen, ipinaalam niya sa kanya na gusto niyang mas maaga pa ang pagtatagpo nila ni Iyke. Pumayag naman si Aileen.
Kaya tatlong araw makalipas ang pagsagip nila sa babae ay niyaya ni Yuni si Iyke na samahan siya sa ospital. Hindi niya sinabi ang dahilan.
Walang kaalam-alam si Iyke sa mga plano nina Yuni at mga tauhan ng Nutrition Department ng ospital na pinamunuan ni Aileen.
"Bakit dito tayo pumasok?" ang tanong ni Iyke nang pumasok sila kabilang building ng ospital imbis na sa main entrance.
“May naiwanan ako rito. Dadaan lang tayo."
Ngunit sa pagbungad nila sa loob ng opisina ay nagtaka si Iyke dahil may mga nakalambitin na balloons mula sa kisame. May iba't-ibang kulay ng ribbons na palamuti sa dingding. Mayroon ding malaking cake sa ibabaw ng mesa na nasa isang gilid at ang kasama noon ay isang malaking lechon at iba't-ibang mga masasarap na pagkain.
Nang tiningnan ni Iyke ang dingding na nakaharap sa pinto, may nakapaskil ditong isang nakapaskil na banner, "Happy Birthday, Anak!" ang nakasulat.
Napangiti si Iyke at palihim na bumulong kay Yuni. "May birthday pala. Makakatikim na naman ako ng cake at litson nito. Sarap!" ang biro ni Iyke.
Sinuklian ng ngiti ni Yuni si Iyke. Ang hindi lang alam ni Iyke ay iba ang dahilan ng pagngiti ni Yuni, dahil ang “Happy Birthday” na pabati na iyon sa banner ay para sa kanya pala, at para na rin sa "birthday" ng pagtagpo nila sa kanyang inay.
Sinalubong sila ng mga staffs ng Nutrition Department. Maya-maya ay sumulpot ang mga estudyanteng players ni Iyke sa Wild Boars. Kumpleto sila. Bahagi kasi ito sa plano ni Yuni pasa sa kanya.
Gulat na gulat si Iyke.
"Bakit kayo nandito?" ang tanong ni Iyke.
"Eh... may nag-imbita po sa amin, Coach!" ang sagot naman ng mga bata.
"Taga-rito raw po, Coach!" dagdag pa ng isa.
Medyo naguluhan si Iyke ngunit hindi na siya nagtanong pa. In-enjoy na lang niya ang samahan at ang paghihintay sa oras ng kainan na siguradong darating. Matagal na siyang hindi nakakain ng litson. Naglalaway na siya.
Ngunit doon na biglang kumalampag ang dibdib ni Iyke nang si Aileen na ang sumulpot, may dalang isang palumpon ng mga puting rosas at mula sa kanyang kamay ay nakalambitin ang kuwintas na kapares ng sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata na nilingon si Yuni, Matulis ang kanyang tingin.
Tumango lang si Yuni, pahiwatig na iyon na ang takdang oras na harapin niya ang kanyang inay. “Nagpromise ka sa akin…” ang pabulong niyang sabi kay Iyke.
Ngunit imbes na sagutin ay nainis si Iyke dahil hindi sinunod ni Yuni ang usapan nila. Bigla siyang tumalikod at tinumbok ang pinto. Binuksan ito, padabog na isinara at nagtatakbong lumayo.
Dali-daling sinundan siya ni Yuni. Naabutan niya si Iyke hindi kalayuan sa ospital. "Usapan natin na haharapin mo ang iyong inay. Usapan natin na pagkatapos nating pagalingin ang babaeng iyon ay kakausapin mo na siya! Kahit kausapin lang!" ang galit na sigaw ni Yuni.
"Oo pumayag ako. Pero ang sabi ko ay sa isang linggo pa! Hindi mo tinupad ang usapan natin!" ang sigaw din ni Iyke.
"Para saan ba ang isang linggo? Gusto mo bang kapag tapos na ang itinalagang araw ng pagtulong ko sa iyo ay saka mo pa siya kakausapin? Ganyan ka ba? Makasarili? Ganyan ka kasakim? Ganyan bang klase ang pagkatao mo? Walang ibang iniisip kundi ang sakit na dulot sa iyo ng nakaraan? Masaya ka ba sa ganyan? Masaya ka ba na may mga taong nagdusa nang dahil sa katigasan ng ulo mo?" ang sigaw pa rin ni Yuni na idiniin pa ang kanyang hintuturo sa ulo ni Iyke. "Paano naman kaming nasasaktan din dahil nakikita kang nasasaktan? Paano kaming naghahangad ng kaligayahan para sa iyo?"
Napayuko na lang si Iyke, halatang tinablan sa mga sinabi ni Yuni.
"Kung gusto mong murahin ang inay mo, sumbatan mo, sisihin mo, ipalabas ang lahat ng hinanakit mo, gawin mo iyan ngayon, sa harap niya!" dagdag ni Yuni.
Nahinto si Iyke. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagngangalit. Tumalikod siya kay Yuni at dali-daling bumalk sa loob ng opisina ni Aileen.
Nang nasa harap na siya ni Aileen, sa hindi inaasahan, pinakawalan ni Iyke ang malalakas at malulutong na sa sampal sa magkabilang pisngi ni Aileen.
Biglang napa-takip sa kanilang mga bibig ang buong staff, pati na ang mga players na naroon. Hindi sila makagalaw at hindi makapagsalita sa matinding tensiyon ng eksenang kanilang nasaksihan.
Muntik namang matumba si Aileen at maitapon ang hawak-hawak niyang na mga rosas at kuwintas. Napayuko siya habang ang mga luha ay nagsimulang dumaloy kanyang mga mata. Napaluha siya dahil sa naramdamang awa para sa tunay na inay ni Iyke.
"Napaka-walang kuwenta mong ina! Napakawang puso mo! Hindi ka na naawa sa iyong anak! Nasaan ka noong kailangan kita! Bakit mo ako iniwan sa ibang tao! Bakit? BAKIIITTTT!!!" Ang bulyaw niya.
Magsasalita pa sana si Iyke nang bigla namang tumunog ang speakers sa opisinang iyon. Mahinang ipinatugtog nang paulit-ulit ang kanta ni Carol Banawa –
Sa buhay kong ito, tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal, ay makamtan
Kahit na sandali, ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba, walang hanggan
Sana'y di na magising, kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay, ang tatahakin
Minsan ay nadarapa, minsan din ay luluha
Di ka na maninimdim, pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin
Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y, may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng buhay ko, buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na…
(Itutuloy)