Kulam

1015 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ "At ang mortal na ito ay ako? May sinabi ka sa akin dati na may nagawa kang kasalanan sa akin. Sa akin ba iyong buhay ng isang mortal na sinabi mong pinakilaman mo?" ang mabilis na pagtanong niyang muli. Doon na natigilan si Yuni. Alam niya ang kutob ni Iyke. Ngunit hindi niya maaaring sabihin ang misyon dahil mawawala ang bisa nito at tuluyan siyang mabigo at mamamatay ang coach sa yungib. Kaya nagsinungaling siya. "Maniniwala ka bang kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan, ang kapalit nito ay buhay ko? Gusto mo bang mamatay ako?" Si Iyke naman ang natigilan. "Niloloko mo lang ako eh. Sabihin mong nagbibiro ka!" "Hindi ako nagbibiro. Ngayon, gusto mo pa rin bang malaman? Sasabihn ko sa iyo, kung iyan ang gusto mo, ang malaman ang katotohanan at mamatay ako." Hindi nakasagot si Iyke. Tumalikod siya at tinungo ang lagayan ng kuwintas. Dinampot niya ang mga ito at nagmamadaling lumabas ng bahay. Sinundan siya ni Yuni. Ang tinumbok ni Iyke na lugar ay ang ilog. Nang naroon na siya sa may pampang, bigla niyang inihagis ang dalawang kuwintas. "Huwaggggggg!!!" ang sigaw ni Yuni. Mabilis na tumakbo si Yuni sa pampang at dali-daling dumive at sinisid niya ang mga kuwintas. Ngunit natagalan si Yuni sa pag-ahon. Limang minuto, sampung minuto, labing limang minuto, hanggang sa umabot ng dalawampung minuto. "Yuni!" Ang tarantang sigaw ni Iyke. Ngunit nakailang tawag na siya ay hindi pa rin pumaibabaw sa tubig ang prinsipe. "Yuniiiiiii!!!" Dali-daling dumive si Iyke mula sa pampang. Labing-limang minuto siya sa kaiikot sa paglangoy at pagsisid sa ilog nang sa wakas ay nakita niya ang katawan ng prinsipe na nasa ilalim ng tubig. Nakataob ito at hindi gumalaw. Sinisid niya ito at hinatak pataas hanggang sa naiahon niya siya patungo sa isang parte ng dalampasigan. Inilatag ni Iyke ang prinsipe sa buhanginang bahagi. Hindi siya magkamayaw kung ano ang gagawin. Inalog niya ang katawan, pinulsuhan, inilapit ang kanyang tainga sa ilong upang maramdaman kung humihinga pa ito. Inilapat din niya ang tainga niya sa dibdib upang mapakinggan kung tumitibok ang puso. "Yuni! Yuni! Yuniii!" ang sigaw niya na hindi malaman ang gagawin. At dahil hindi gumalaw ang prinsipe, inapply na niya ang CPR. Inilapat niya ang dalawang palad sa dibdib at pagkatapos ay idiniin. Paulit-ulit. "Tangina, Yuni gumising ka! Huwag mo akong takutin, gago ka!" ang sigaw ni Iyke habang ginagawa niya ang pagbomba ng dibdib ng prinispe. Hindi pa rin gumalaw ang prinsipe. Doon na niya pinisil ang ilong nito, ibinuka ang bibig, yumuko at binugahan ng hangin ang bibig. Salit-salit. Buga ng hangin sa bibig, bomba sa kanyang dibdib. Hanggang sa biglang umubo ang prinsipe. Iniluwa nniya ang tubig atsaka tumagilid. Doon na napahaplos si Iyke sa kanyang noo. Nakaramdaman siya ng kaginhawaan na sa wakas ay alam niyang buhay pa si Yuni. Noon lang din niya naramdaman ang tumatagaktak niyang pawis bunsod ng matinding takot. Bumangon ang prinsipe at umupo. Halatang hilong-hilo at disoriented. "O-okay ka na?" Ang tanong ni Iyke. "Hindi ako okay kung hindi mo kausapin ang iyong inay," Ang sagot ng prinsipe na halata sa mukha ang inis niya kay Iyke. Hindi sumagot si Iyke. Nakatitig lang ito sa prinsipe. Ang takot na nadarama niya sa pagkalunod ng prinsipe ay napalitan ng galit sa kanyang inay. "Gusto mo talagang patayin ako? Sige, kung ganyan pala eh, ganito na lang ang gagawin natin para hindi ka mahirapan sa pagsagip sa akin, at tuluyang mawala na ako rito sa inyo, sasabihin ko na lang kung kaninong buhay ang pinapakialaman ko sa hinaharap. Makinig ka. Ito ay ang buhay ni---" Hindi na naituloy pa ng prinsipe ang sasabihin dahil sa biglang pagbusal ni Iyke sa bibig ng prinsipe gamit ang kanyang palad. Tinanggal ng prinsipe ang kamay ni Iyke. "Takot ka naman pala eh... Mamili ka, ako ang mawawala sa iyo o makipagkita ka sa iyong inay. Mamili ka!" Ngunit hindi siya sinagot ni Iyke. Tinakpan ang kanyang tainga at tumalikod, tinumbok ang bahay. Nang wala na si Iyke, tinawag niya si Waganda. May iniutos. At maya-maya lang ay bumalik si Waganda. ----- "Sinabi nang ayaw kong makita ang inay ko eh. Ayokong sumama sa iyo! Saan mo ba ako dadalhin!" Ang daing ni Iyke. Umaga iyon at walang pasok at pilit na isinama siya ni Yuni sa isang lugar. "Hindi tayo tutungo sa inay mo! May ipapakita lang ako sa iyo!" ang matigas na sagot ni Yuni. Pinagbigyan niya si Yuni. Pagkatapos nilang magbisekleta nang mahigit 30 minutos, naglakad pa sila ng halos isang oras dahil hindi nabibisikleta ang daanan patungo sa taas ng bukid. Isang bahay na yari sa kahoy ang kanilang nakita na pinaligiran din ng pader na kahoy. Sa kanilang bakuran naman ay may mga pananim na bulaklak at mga ornamental plants. Masasabing maganda ang pagkagawa ng bahay. Bagamat hindi ito pang-mayaman, ngunit mas nakakaangat naman kaysa sa bahay nina Iyke na yari lamang sa purong kawayan. Pumasok sila sa loob at doon ay nakita nila ang isang babaeng nasa mahigit kwarenta at nakaratay sa ibabaw ng kama samantalang ang isang batang lalaking anak nito na nasa anim na taong gulang ay nakaupo sa gilid niya. Nag-iiyak ang bata na kinakausap ang kanyang inay. Masangsang ang amoy na tila sa karneng nalalanta. "Huwag mo po akong iwan, Nay... wala na po akong kasama. Paano na lang ako kapag wala ka na?" ang sambit niya habang pinupunasan ang braso ng kanyang inay. "Anong nangyari sa inay mo?" ang tanong ni Yuni. "H-hindi ko po alam." "Pinatingnan niyo ba siya sa doktor?" "Tiningnan lang po siya ng doctor. Ang sabi po ay hindi nila alam ang sakit. Naubos na rin po ang pera ng inay. At si Mang Erning po, iyong albularyo ay sabi niya hindi po niya kayang gamutin ang karamdaman ng aking inay. Ang sabi niya ay kulam daw po, at malakas po ang kapangyarihan ng mangkukulam." Nang tiningnan nila ang mukha ng babae, napansin nilang tila naagnas ito at mistulang nilalangaw dahil may lumalabas na kung anong mga insekto mula sa kanyang ilong na naaagnas rin. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD