Ang Kasalanan

1095 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ “Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako pinabayaan? Bakit moa ko itinakwil!” ang buyaw ko sa kanya nang nagkaharap na kami.” “Anak, hindi kita itinakwil. Hinding-hindi ko magagawa iyon sa iyo…” Dito na niya ikinuwento ang nangyari. Dagdag pa niya, “May ibinigay na sumpa sa iyo, anak. Mamamatay ka kapag nagtangka ang kaharian ng iyong ama na aagawin ka. At ako lamang ang maaaring makapagligtas sa iyo, kapag ako lang mag-isa ang pupunta rito. Alam kong may mga pagsubok akong haharapin na maaaring ikamamatay ko. Ngunit handa ko itong harapin.” “Bat ngayon ka lang nagpunta? Ganoon din naman pala, pupunta ka rin!” “Dahil ang payo ng sorcerer ng ating kaharian ay hihina ang sumpa kapag nasa ganitong edad ka na,” ang sagot niya. “Isa pa, pinaghandaan ko rin ang pagharap sa ibibgayna pgsubok ng aking ama.” Dito ko na nalaman ang buong kuwento. Kinabukasan ay binigyan ng pagsubok ang aking inay. Tinanggalan siya ng personal na kapangyarihan. Tatlo ang nagging pagsubok niya. Ang isa ay ang makipaglaban sa alagang dragon ng kalabang kaharian na nagbibigay ng pinsala sa kaharian ng aking lolo. Gamit ang makapangyarihang espada na ibinigay ng sorcerer ng aming kaharian ay napatay ito ng aking inay bagamat muntik rin siyang mapatay nito. Ang pangalawang pagsubok ay ang pagbawi niya sa trabungko na nasa ilalim ng dagat. Magaling na manlalangoy ang inay. At bago siya pumunta sa kaharian ng aking lolo ay may hinala na siya na baka isa iyon sa magiging misyon niya. Kaya pinaghandaan niya ito. Maliban dito ay binigyan din siya ng sorcerer ng aming kaharian ng perlas na kung sino man ang lumunok nito ay makakahinga sa ilalaim ng tubig. Muling nagtagumpay ang aking inay. Ngunit ang pinakamahirap na pagsubok ay iyong iniharap ako ng aking lolo sa aking inay at inutusan siya na umuwi sa aming kaharian at patalikod na patayin ang aking ama. “Bakit hindi na lang makipagkaibigan ang ating kaharian sa kaharian ng aking asawa?” ang tanong ng inay sa aking lolo. “Anong mangyayari sa kaharian ng aking asawa kapag namatay siya?” “Simple. Gawin mong hari ang iyong anak, at sa gayon, ay matupad natin ang pangarap mong mapag-isa natin ang dalawang kaharian.” “Kung gayon ama, ang tunay palang dahilan kung bakit mo dinukot ang aking anak ay dahil sa kagustuhan mong angkinin ang kaharian ng aking asawa?” “Masama ba? Para ito sa kapayapaan, at kabutihan ng ating mga kaharina?” “Sa pagsasakripisyo ng buhay ng akinng mahala na asawang hari? Sa ama ng aking anak?” “Minsan ay kailangang may isa o iilang buhay ang maisakripisyo upang makamit ang kapayapaan…” Iyon lang. Hindi na nagsalita pa ang aking inay. Hinugot niya ang kanyang espada at walang pasabing sinaksak niya ang kanyang sarili, sa harap naming lahat. “Inayyyyyyy!” ang sigaw ko. Doon ko narealize ang kabaitan ng aking inay at ang mga sakripisyo niya para sa akin at sa aking ama. “Buhay ko na lang ang aking isasakripisyo para sa kayapaang sinasabi mo, ama… Nagmamakaawa ako, bigyan mo ng pagkakataon ang aking anak na makapiling ang kanyang amang hari,” ang halos pabulong na sambit ng aking inay habang siya ay nag-aagaw buhay. Sa puntong iyon ay tila natauhan ang aking lolo. Agad niyang tinawag ang magaling ang sorceress ng kanyang kaharian upang gamutin ang aking inay. Nasagip ang buhay ng aking inay. At iyon ang simula nag pagkakaibigan ng kaharian ng aking lolo at kaharian ng aking ama. ----- “Iyan ang kuwento ng aking buhay,” ang sambit ni Yuni kay Iyke. “Kaya sana ay tanggapin mo na ang kuwintas.” Ngunit hindi pa rin ito tinanggap ni Iyke. Ni hindi man lang siya nagpakita ng interes dito. Kaya inilagay na lang ito ni Yuni sa ibabaw ng kabinet. Ngunit hindi rin mapakali si Iyke. Paglipas ng halos isang linggo ay lihim niyang binuksan ang kahon. Nang makita niya ang kuwintas, hindi niya napigilan ang sariling magngangalit. Nanumbalik sa kanyang alaala ang kanyang Lola Greta at ang mga panahon kung kailan ay nagtatanong siya kung nasaan ang inay at itay niya. At nang naalala pa niya ang sinabi ng kanyang lola bago ito bawian ng buhay na inilagay lang siya sa loob ng karton, mas lalo pang umigting ang matinding galit niya para sa kanyang inay. Kinuha niya ang kanyang kuwintas at ipinagtabi niya ang mga palawit nito. Ang nabuong salita ay "INAY". Dito ay hindi na napigilang pumatak ang mga luha ni Iyke. Pinagsusuntok niya ang dingding ng kanilang bahay. Dahil nagmatigas pa rin si Iyke na harapin ang kanyang inay, todo-paliwanag si Yuni sa kanya. "Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang misyon ko? Kung bakit ako narito?" "Ang buhayin ang lola ko?" "Hindi iyan." "So nagsinungaling ka. Dati ang sabi mo ay upang hindi kami magkahiwalay ng lola ko. Ngayon ay iba naman?" "Nagkamali ako... Inaakala kong iyon ang misyon ko dahil siya lang naman ang nag-iisang pamilya mo. Ngunit nang namatay ang iyong lola at isiniwalat niya na hindi ka niya tunay na apo, doon ko nalaman na hindi pala siya ang nag-iisa mong pamilya kundi ang iyong nawalang inay." "Kalokohan! Engkanto ka ba talaga? O baka abnormal kang engkanto. O baka pinaglalaruan mo lang talaga ang buhay namin!" "Ang hirap mo namang kausap, eh. Makinig ka kasi!" "Mahirap talaga dahil nagsisinungaling ka. Paano ko malaman ang totoo!" Binitiwan ni Yuni ang isang malalim na buntong-hininga. "Kaming mga engkanto ay nagkakamali rin. Kagaya ng inay mo, nagkamali siya. Ngunit siguradong pinagsisihan niya ang pagkakamali niyang iyon sa iyo. Siguradong nasasabik siya sa iyo. Dahil anak ka niya. Dahil ang dugo na nananalaytay sa iyong kaugatan ay dugo rin niya. Kung kaming mga engkanto ay nagkakamali, lalo na ang inay mo. Tao lang siya. Alam ko, nagdusa rin siya sa pagkakamali na kanyang nagawa. Ikaw ba ay hindi nakaranas ng pagkakamli sa buong buhay mo? Kaya patawarin mo na siya at kausapin mo. Isipin mo ang kuwento ng aking inay. Ang buong akala ko ay itinakwil niya ako. Ngunit nalaman ko lang ang buong katotohanan ng makausap ko siya. Kay kausapin mo rin siya!" "Kung totoo nga ang misyon na ibinigay ng iyong amang hari, ano ang dahilan kung bakit binigyan ka ng misyon? May nagawa ka bang kasalanan?" Napatitig si Yuni kay Iyke. Tumango siya. "Sa hinaharap... ay may nagawa akong kasalanan." "Anong kasalanan?" "P-pinakialaman ko ang buhay ng isang mortal." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD