Sulat Ni Lola

925 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ Kitang-kita sa kanyang ngiti ang tuwa ng kanyang lola nang ipinakita sa kanya ni Iyke ang nabiling pagkain. Niyakap niya ang apo, hinalikan sa pisngi. Natawa ang prinsipe dahil sa edad ba naman na 25 at lalaki pa ay niyayakap pa at nagpapahalik pa si Iyke sa kanyang lola. Sa kanilang kaharian kasi, bawal sa mga prinsipe at hari ang makipagyakapan lalo na sa publiko. Pormal ang lahat sa kanila. “O, ba’t ka tumatawa-tawa riyan!” ang palihim na pagsita ni Iyke kay Yuni. Biglang natahimik si Yuni. “Wala… may naalala lang ako.” “Wala… may naalala lang ako,” ang paggagad naman ni Iyke kay Yuni habang tinungo nito ang kusina at binalatan ang dalang yacon. Nang matapos niyang balatan ito ay sinubuan pa niya ang kanyang lola. May nadaramang inggit ang prinsipe sa kanyang nasaksihan. Iyong pagmamahal ng mag-lola sa isa't-isa. ----- "Mabuti at noong bata ka pa ay hindi ka nagtatanong kung bakit wala kang mga magulang?" Ang tanong ni Yuni isang gabi pagkatapos ng kanilang hapunan. Pareho silang nakaupo sa bangkong kawayan sa harap ng kanilang bahay. Maaliwalas kasi ang panahon. Kitang-kita ang malaking buwan at mga bituain sa langit. May kalamigan din ang hihip ng hangin. "Hanggang ngayon naman ay nagtatanong pa rin ako. Syempre, naiinggit sa ibang tao na may mga magulang. At lalo na iyong may mga kapatid. Siguro, ang saya-saya nila…” Nahinto siya sandal. “Ewan ko ba pero inggit na inggit talaga ako sa mga taong may mga magulang na nga, may nakababatang kapatid pa. Siguro dahil nasabi ng lola ko sa akin na may bunsong kapatid na lalaki raw ako na kasamang nasawi sa pagkalunond ng barko." “N-nalunod sa barko?” ang tanong ni Yuni. Naalala niya ang misyon niya kung saan ay si Iyke at mga estudyante niya ay hindi makalabas ng yungib dahil nabahaan ito. Naramdaman ni Yuni ang matinding kaba. Kung hindi niya magawa ang kanyang misyon ay manganganib ang buhay ni Iyke at mga estudyante niya na nasa hinaharap. “Bakit? May problem aba?” ang tanong ni Iyke nang napansin niya ang biglang paglungkot ng mukha ni Yuni. “Ah, wala… may naalala lang ako.” “Puro ka naman may naalala eh. Ano ba talaga ang mga naalala mo?” "Wala nga iyon…” nahinto si Yuni sandali. “Gusto mo pala talagang magkaroon ng bunsong kapatid." "Oo." "Paano iyan, matanda na ang lola mo. Di ka na niya kayang bigyan ng kapatid," ang biro ni Yuni. "Totoo pala talaga ang hula ko na pinagpapantasyahan mo ang lola ko," ang birong sagot naman ni Iyke. Tawanan. "Pilyo ka!" "Magkuwento ka naman tungkol sa buhay mo," ang sambit ni Iyke. "Tungkol sa kaharian namin? Tungkol sa mainit at kumukolong lawa ng ice?" Natawa si Iyke. "Huwag na nga! Mababaliw ako sa iyo eh!" ang pagbawi din niya. ----- "Alam ko ang plano mo, mahal na prinsipe." Ang biglang pagsulpot ni Waganda. Nasa loob ng kubeta noon ang prinsipe at kasalukuyang ginagawa ang kanyang royal duty ng pagtae. Gulat na gulat ang prinsipe na dali-daling tinakpan ang kanyang harapan. "Ba't dito ka sumulpot!" ang pigil na bulyaw niya. "Alangan namang kapag nasa harap ka ng coach kita kakausapin. E 'di magmukhang baliw ka niyan. Mabuti nga't natiis ko ang bagsik ng amoy ng ebak mo, eh. Atsaka kung makatakip naman ito ng harapan... maraming beses ko nang nakita iyan, no! Simula nang maliit ka pa. At keri ko iyan. Ang sarap nga niyang yakap-yakapin kapag nakatayo eh!" "Loko-loko!" ang pigil na pagsigaw pa rin ng prinisipe. "O ano, okay ba ang nasa isip ko?" "Hindi, mahal na prinsipe. Dahil pinagbawalan akong gamitin ang kapangyarihan ko kung wala namang ibang nilalang na gumamit din ng kapangyarihan nila laban sa iyo. At kung gagamitin ko ito kahit walang kaaway na gumagamit ng kapangyarihan, mababawasan ang lakas ng kapangyarihan ko. Paano na lang kung biglang sumulpot si Ganida? O iba pang may maitim na kapangyarihan na bigla na lang susulpot at kokontra sa misyon mo?" "Basta gagawa ka ng paraan. Wala nang pero-pero pa! Utos ko iyan sa iyo!" Ang sambit ng prinsipe. Doon na nagmamaktol si Waganda. Pinaghandaan kasi niya si Ganida. Alam niyang bigla na lang susulpot iyon dahil ayaw niyang magtagumpay ang prinsipe sa kanyang misyon. Ngunit walang nagawa si Waganda sa utos ng prinsipe. Sa inis niya ay dali-dali na lang siyang lumisan nang walang paalam. Kinabukasan ay masama ang pakiramdan ng lola ni Iyke kung kaya ay maagang tinapos ni Iyke ang kanilang practice upang makauwi ng maaga. Nag-alala si Iyke para sa kanyang lola. Maliban dito, may mga alagang hayop at pananim ang lola niya. Ayaw niyang ang lola niya ang magpakain sa alaga nito gayong may sakit siya. Ngunit nang makarating na sina Yuni at Iyke sa bahay, hindi nila mahanap si Lola Greta. Ilang beses nilang inikot at tinawag ang matanda ngunit ngunit walang Lola Greta ang sumagot sa tawag nila. Nang muling pumanhik sila sa bahay, nakita ni Yuni ang isang papel na nakatupi sa ibabaw ng aparador. Sulat-kamay ni Lola Greta. Hindi mapakali si Iyke habang binuksan ito. "Dear apo, naisipan kong lumuwas patungo sa kabilang siyudad, sa aking kaibigan. Gusto kong makapagrelax naman kahit papaano. Nariyan naman si Yuni, mabuti at may kasama ka at katuwang. Ikaw na ang bahala sa mga alaga kong manok. Diligan mo rin ang mga pananim kong gulay. Mahal na mahal kita apo ko. Palagi kang magpakabait ha? –Lola." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD