By Michael Juhagetmybox@hotmail.com
------
Wala pa ring imik ang coach na nagpaubaya s autos ni ng prinsipe. Tahimik na tumagilid siya paharap sa prinsipe. Ang prinsipe naman ay tumagilid din paharap sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin.
Bagamat tumulo ang luha ni Waganda na nagmasid sa kanilang dalawa, hindi niya maikaila na may kakaibang kilig din siyang nadarama. Ramdam ni Waganda na nahulog na ang loob ng coach sa kanyang mahal na amo. At alam din ni Waganda na may nararamdaman din ang prinsipe para sa coach.
"G-gusto kong magpasalamat sa lahat nang naitulong mo sa akin. Iyong kahit minsan ay nag-aargumento o nagtatalo tayo ngunit alam kong sa kaloob-looban mo ay ayaw mo akong mapahamak. Iyong galit nag alit ka sa kakulitan ko ngunit sa bandang huli ay susuyuin mor in ako. Iyong pagsagip mo sa akin. Iyong pag-donate mo ng dugo mo. Atsaka nang dahil sa iyo ay marami akong natututunan tungkol sa mund... sa buhay. Dahil sa iyo ay naranasan ko ang lungkot at saya. Mas naintindhihan ko na ngayon kung ano ang tunay na kalagayan ng mga to na katulad nin..." Hindi na itinuloy pa ng prinsipe ang kanyang sasabihin.
Hindi pa rin umimik ang coach. Ayaw niyang magsalita dahil masama ang loob niya sa prinsipe, at dahil ayaw niyang bibigay at iiyak na lamang kapag nagsasalita. Gusto niyang ipakita sa prinsipe na matatag siya. Na wala siyang nararamdaman para sa kanya.
"N-naniwala ka ba na engkanto talaga ako?" ang pagpapatuloy ng coach.
Hindi pa rin umumik ang coach. Ibinaling nito ang kanyang paningin sa dibdib ng prinsipe, ang kanyang daliri ay iginuri-guri sa kumot nito.
"Bakit hindi ka sumagot?"
"Masama ang loob ko sa iyo. Ang sabi mo, dito ka lang sa tabi ko, na hihilingin mo sa iyong amang hari na dito ka na mamalagi upang samahan mo ako, gabayan, at alagaan... Bakit nagbago?"
Nagulat ang prinsipe sa narinig. "P-paano mo nasabi iyan?"
"Isang gabi... nakahiga ako. Ang buong akala mo ay himbing ako sa pagtulog. Kinumutan mo ako, at doon ko narinig ang ibinulong mo. Narinig ko ang lahat. Narinig ko ang mga hiniling mo mo sa iyong amang hari para sa akin. Narinig ko ang pangako mo para sa akin..."
Hindi nakaimik ang prinsipe. Naalala niya ang eksenang iyon.
"May kasalanan ba ako sa iyo? Ngayong iniwan na ako ng lola ko ay iiwan mo rin ako?" ang panunumbat ng prinsipe. Doon na kusang dumaloy ang mga luha ng coach na agad din niyang pinahid.
"P-pasensya na... Bigo kasi ako sa misyon ko. At kapag nagpapatuloy ako rito sa iyo, mas lalala pa ang iyong kalagayan. Mas dadami pa ang mga problema mo. At manganganib ang iyong buhay. Hindi makabubuti sa iyo ang pagpanatili ko rito."
Biglang natigilan ang si Iyke. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Misyon? Bakit? Ano ba ang misyon mo?"
Nagulat rin ang prinsipe sa hindi inaasahang pagkasabi niya tungkol sa kanyang misyon. Naalala pa niya ang tatlong bawal na sinasabi ng kanyang ama.
“Huwag umibig sa mortal, walang kapangyarihan, at walang makakaalam sa misyon dahil kapag may nakaalam sa iyong misyon ay magiging mortal ka rin,” ang boses ni Waganda na nagpapaalala sa kanyang prinsipe.
“Ah, pasensya ka na… biro ko lang iyong misyon na sinabi ko,” ang pangangatuwiran ng prinsipe.
“Hindi!” ang matigas na sagot ni Iyke. “Hindi ko nakitang biro ang iyong pagkasabi sa iyong misyon. Ano ang misyon mo? May kinalaman ka ba sa mga nangyayri sa buhay naming maglola? Ikaw ba ang dahilan ng pagkamatay niya?” ang galit na sambit ng coach.
Tila binatukan ng isang matigas na bagay ang ulo ni Yuni. Nakatingin na lang siya kay Iyke, hindi malaman kung sasabihin ang totoo at mananatili siyng mortal, o maghanap ng palusot.
“Ano? Ba’t hindi ka makasagot? May kinalaman ka sa pagkamatay ng lola ko? Sagutin mo ako!”
Sumingit si Waganda, “Mahal na prinsipe, huwag mong sabihin ang totoo! Magiging mortal ka kapag sinabi mo ang iyong misyon! Hindi ka na makakabalik pa sa ating kaharian!”
“Anoooo???” ang giit ng coach na tumaas na ang boses.
Yumuko si Yuni. Tila hinalukay niya sa kanyang isip kung ano ba talaga ang kanyang isasagot.
Tahimik. Maya-maya lang ay binitiwan niya ang isang malalim na buntong hininga.
“Oo… Ang misyon ko ay may kinalaman sa lola mo.”
“Noooooooooooooooo!!!” ang sigaw ni Waganda.
(Itutuloy)