♥♥Thunder♥♥ Isang bagay lang ang nasa isip ni Thunder habang nakatitig siya sa malaking stuff toy na dinadantayan niya. Nasaan siya? Agad siyang napabangon sa pagkakahiga at napapikit ng masilaw sa sinag ng araw na pumapasok mula sa nakabukas na bintana. Agad niyang naramdaman ang pamilyar na sakit ng ulo niya na resulta ng kaibigan niyang si Jack Daniels. Doon niya lang napagtanto na nalasing na naman siya kagabi. Pero nasaan siya at bakit wala siyang masyadong maalala? Ang huling naalala niya ay nakikipagtalo siya sa bartender at may tumawag sa kanya--- Napatigil siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kinaroroonan niya. "Riane, aba'y tanghali na, wala ka bang balak pumasok? Kundangan ba naman kasi at naisipan mo pang umalis---" Napatigil sa pagsasalita ang hindi ko kila