♥Riane♥ Hindi na mabilang ni Riane kung ilang beses niyang hinila pababa ang suot-suot niyang damit na kinapos sa tela habang nasa sasakyan siya ng kaibigan niyang si Mallory na pakanta-kanta pa. "Tigilan mo nga ang kakahila sa dress na suot mo. Mas mahaba pa nga 'yan sa suot ko eh." anito makaraang makababa sila sa kotse at maglakad papasok sa bar na gustong pagwalaan ni Mallory. Pinagmasdan niya ito at masasabi niyang mas maikli pa kaysa sa suot niya ang suot nito pero kahit na! Pakiramdam niya pa rin ay makikita ang underwear niya sa suot-suot niya. At bukod pa roon ay nangangati na ang mukha niya sa pinaglalagay nito sa mukha niya. Ang hilig talaga siyang gawing manika ng kaibigan at hindi niya naman mapahindian ito dahil naiintindihan niyang sabik lang ito sa kapatid. Buti na nga