♥Riane♥ "Pasensya na po talaga Sir Thunder, h-hindi ko naman po talaga ginustong jowain---" Napahinto sa pagsasalita si Riane ng muntikan ng maibuga sa kanya ng boss niya ang kapeng iniinom nito. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop matapos nilang makuha ang kotse nito sa bar. Hindi na siya nakatanggi ng ayain siya nitong magkape muna dahil nakikita niya sa mga mata nito ang kuryosidad sa mga naganap kagabi. Kaya confession ang peg niya ngayon at ipinapaliwanag dito ang dahilan kung bakit nagising ito sa kuwarto niya. "Jowain? What's jowain?" anito ng makahuma sa pagkakasamid. Natigilan naman siya at doon niya lang napagtanto ang nasabi niya. Malamang rich kid ang lalaking nasa harap niya at wala itong masyadong alam sa mga salitang pabalbal na hindi niya naiiwasang sabihin dahil