PROLOGUE
A/N: Many of you redirected here after you've read A Wife's Secret. May mga scenes po rito na hindi tutugma sa AWS it's because inedit ko po ang book version ng AWS at malayo ang agwat nang pagkakasulat ko sa dalawa kaya may mga scenes na hindi ko napansin na wala sa TZ na meron sa AWS. Sorry for the confusion. Will edit this after I fix my laptop, can't edit this using mobile. Thank you.
ThunderZone.
Na-seenzone na ako ng crush ko. It hurts you know. Nag-hi lang ako, simpleng hello 'di niya nagawa.
Na-friendzone na ako ng classmate ko. Linsiyak na animal yon. Friends daw kami pero kung maka-holding hands sa akin akala ko boyfriend ko na.
Na-Gayzone na ako ng boyfriend ko. Parehas din pala kami ng gusto (lalaki) kaya naman pala alam na alam niya ang brand ng lipstick ko.
At kung ang lahat ng zone na kinapailaliman ko ay sasabihin ko simula ng mamulat ako tungkol sa salitang 'love'. Aba baka abutin tayo ng siyam-siyam bago 'ko matapos.
Lahat tayo may kinakatakutan, katulad ko takot ako sa kidlat at kulog.
Sa english, Thunder and Lightning.
Sa greek... aba malay ko di naman ako griyego.
Kidding aside.
Ako nga pala si Riane.
Ang babaeng muling nabiktima ng isang zone.
Thunder zone.
Huwag na kayong magtaka kung hindi niyo pa naririnig ang zone na 'yan.
Dahil ako lang ang nagbansag niyan. Galing sa pangalan niya.
Bagay na bagay sa kanya hindi ba?
Dahil para siyang kulog.
Kinatatakutan ng tenga kong marinig.
Dahil sa nagiging epekto nito sa puso ko.
Ilang beses na akong na-fall.
Sabi nga nila sa sobrang bilis kong ma-fall daig ko pa ang pagkaing sine-serve sa isang fast food chain.
Tipong nginitian lang ako, crush ko na.
Tipong inakbayan lang ako, gusto ko na.
Tipong niligawan lang ako, mahal ko na.
Lahat sila sinasabi sa akin na hindi pa ako nai-in love then ano ang mga naranasan ko sa past boyfriends ko?
Sagot naman nila iba ang love sa in love. At sa kaso kong, slow talaga minsan. Malabong makuha ko ang ibig nilang sabihin.
But when I met him.
Thunder Hendrex Monteciara.
Nasabi ko na lang sa sarili ko na siguro nga tama sila, hindi pa ako nai-in love.
Ngayon pa lang, ngayon pa lang na nakilala ko siya.
Marahil na-fall ako sa iba pero 'yung tipong makakaahon pa. Pero sa kanya, parang nasa bingit ako ng bangin. Hindi ako makaalis at unti-unti akong nahuhulog.
At sa unang pagkakataon, natakot ako. Natakot akong mahulog. Dahil alam ko na hindi niya 'ko masasalo dahil may iba na siyang buhat-buhat.
And that's the start of me being in a Thunder Zone.
Sa isang zone, na mahihirapan akong makamove-on.
"Tipong mahal ko siya.
Tipong natakot akong mahulog sa kanya.
But then he said he would catch me.
And so I did.
Little did I know, I am just a distraction.
An escape to his reality."
TBC