♥Thunder♥
"Bakit hindi ka man lang umiyak ng nakita mo ko kanina kahit na alam mong niloko kita? Tell me Riane, minahal mo ba ako?"
Hindi ugali ni Thunder ang makinig sa usapan ng ibang tao. Lalo pa at hindi niya naman ito lubos na kilala. At ang tangi niya lang alam ay isa ito sa receptionist sa MH base sa uniform nito. Doon lang niya naalalang nakasabay niya ito sa elevator kanina lang. Pero nakakapagtakang may bitbit itong trolley para sa isang room service. Dahil hindi ito kasama sa trabaho ng babae.
Napabalik siya sa realidad ng muling marinig ang mga boses na nag-uusap. Alam niyang dapat ay umalis na siya at puntahan ang babaeng pakay niya sa hotel pero hindi siya umalis.
Iniisip niya tuloy kung lasing pa ba siya at hindi alam ang ginagawa niya... o sadyang gusto niya lang ibaling ang atensyon sa ibang tao para makalimutan ang babaeng mahal niya.
Maaaring ang sagot ay ang panghuli pero bakit ang kaganapan sa fire exit ang napili niya pang pagtuunan ng pansin?
"Minahal kita, a-ano bang sinasabi mo?"
Lying is bad, sweety.
"Hindi Riane, hindi mo ko minahal. And that's the reason kung bakit ko nagawang patulan si Sarah---"
Jerk.
"Farrah ang pangalan niya tanga kaya ka nasasampal eh. At wag mong isisi sa akin na nagloko ka dahil sa hindi kita minahal. Sadyang mahilig ka lang at makati ang babaeng 'yon kaya naisipan niyong mag-exercise na dalawa."
Natawa siya sa narinig. This woman is impossible. Kanina lang ay para itong isang tigre na galit na galit pero ngayon ay kalmado ito na parang hindi nito nahuli na may kasamang iba ang boyfriend niya.
"Kung mahal mo---"
"Manahimik ka na Louie kung sa tingin mo hindi kita minahal. E di hindi. Basta break na tayo at magsama kayo ng babae mo."
"Riri---"
"Isa pang tawag mo sa aking Riri, sasapatusin ko 'yang mukha mo."
"I'm sorry."
Nakarinig siya ng yabag kaya patay-malisya siyang mabagal na naglakad at ng medyo makalayo ay sumandal siya sa may pader at nagpanggap na may kausap sa cellphone. Nakita niya kung paano lulugo-lugong naglakad ang ex ng empleyado niya. At ilang saglit lang ay dumaan na rin ang babae ngunit nagtaka siya ng tumigil ito sa paglalakad at sinabunutan ang sarili.
"Lintik ka Riane. Ano bang klaseng sumpa ang meron ka at nagoyo ka na naman ng lalaki?! Pang-labing dalawa mo na 'to kota ka na. Kotang kota ka na! At sa dami-dami ng makakakita ng kagagahan mo 'yung boss mo pang hot at crush mo!" anito habang sabu-sabunot pa rin ang sarili.
At hindi niya na napigilan ang sarili at natawa na rin siya sa pagkaaliw sa babaeng may crush pala sa kanya.
♥Riane♥
Napahinto siya sa pagsabunot sa sarili niyang buhok na para siyang baliw at nilingon ang boses na narinig niyang tumawa. At hindi niya alam kung may imamalas pa ba ang araw niya.
Dahil nagawa niyang 'magconfess' accidentally sa boss niya na may crush siya rito.
'Ano naman ngayon Riane? Crush lang 'yan!'
'Gwapo siya eh kaya hinahangaan mo siya, walang problema diyan!'
'Walang problema pero NAKAKAHIYA!'
'Ayoko na lamunin na sana ako ng lupa!!!!!!'
Ilan lang 'yan sa mga tumatakbo sa isip niya habang pinagmamasdan ang boss niya na humahalaklak. Bakit pag siya humahalakhak, ang sabi ng kapatid niya ay para siyang baboy. Bakit ang lalaking nasa harap niya kung tumawa ay wala kang maipipintas.
Ang gwapo pa din. Litaw na litaw ang biloy nito sa pisngi at mas lalo itong sumingkit.
Nang huminto ito sa pagtawa at pinagmasdan siya ay doon niya lang naalala na mukha pa rin siyang may sayad habang ang kamay niya ay nasa magkabilang gilid pa rin ng buhok niya. Hindi niya rin gugustuhing humarap sa salamin dahil panigurado ay mukha siyang si 'Sisa'.
Kaya bago pa madagdagan ang kahihiyan niya ay nagmamadali siyang yumuko sa boss niya at walang lingon na tinalikuran ito. Lakad-takbo ang ginawa niya makalayo lang sa boss niya.
Pero sabi niya na nga ba at hindi pa tapos ang kamalasan niya dahil nakakailang hakbang pa lang siya ng madapa siya. At talaga namang mukha niya pa ang nauna.
Kung tatanungin niyo kung masakit ang mukha niya at ang paa niya.
Hindi masakit.
Masakit na masakit lang naman.
'Lord ano po bang kasalanan ko? Hindi pa ba sapat ang failed ko na namang love life? Bakit kelangan umiral ang pagiging clumsy ko sa harap ng boss ko?'
"Hey! Are you okay?"
Okay?! Mukha po ba akong okay?!
Pero dahil ayaw niya namang mas magmukhang 'tanga' dahan-dahan siyang tumayo kahit na nga ba masakit ang paa niya at tila may star siyang nakikita. Naramdaman niya ang pag-alalay sa kanya ng boss niya at kung sa ibang pagkakataon lang ay nag-hyperventilate na siya sa kilig.
Ang gusto niya na lang mangyari ngayon ay matulog at huwag ng pumasok sa trabaho sa takot na makita niya ang boss niya.
Ngumiti siya na alam niyang ngiwing maituturing. "Okay lang po, Sir. Aalis na po ako baka hinahanap na ko ni Miss Minchin--- este nung supervisor ko."
Yumuko ulit siya pero nawindang siya ng hawakan ng boss niya ang balikat niya.
"Wait. Ilan 'to?" Tinignan niya ang daliring nasa harap ng mga mata niya at binilang ito.
Isa.
Dalawa.
Tatlo?
Apat?
"A-apat po." aniya.
"You're not okay."
"Sir, okay lang po ako. Mauna na po---" Napahinto siya sa pagsasalita ng may umagos sa ilong niya.
Wait---May sipon siya?
"Sh!t, your nose is bleeding!" anito.
Nanlaki ang mata niya at pinahid ang ibaba ng ilong niya.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya at mas lalong tumindi ang hilo niya ng makita ang dugo sa kamay niya.
At dahil sa isa siya sa libo-libong tao na may hemophobia o takot sa dugo. Nagdilim ang paningin niya.
TBC