ZONE 5

1081 Words
♥Riane♥ Hindi maunawaan ni Riane ang nararamdaman niya ng magising siya sa kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid at iniisip kung anong nangyari sa kanya at bakit siya nasa isang napakalambot na kama. Kalma lang Riane, wala kang amnesia loka kaya maalala mo ang lahat ng nangyari sa 'yo... Pero ng parang isang mabilis na pelikula at bumalik sa kanya lahat ng naganap kanina. Sana pala--- sana nagka-amnesia na lang talaga siya. Nahuli niya ang kutong-lupa niyang ex na may kasamang hipon. At higit pa roon nasaksihan ng boss niya ang pagiging amazona niya. At nasabi niya pa na crush niya ito. At panghuli nahimatay siya sa harap nito dahil sa pagkakadapa niya. Masasabi niyang ito na ang pinakamalas na araw niya ngayon sa tanang buhay niya. Dahan-dahan siyang bumangon ng maramdamang maiihi na siya at pumasok sa inaakala niyang banyo. Pagpasok niya pa lang dito ay sumalubong sa kanya ang panlalaking amoy at hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa alam niyang sa boss niya ito. Pero naglaho ang ngiti sa labi niya ng biglang bumukas ang shower curtain at iniluwa nito ang amo niya. Hindi niya malaman kung anong gagawin niya lalo pa at ang nasa harap niya ay ang amo niyang halatang nagulat din. "S*it I forgot to lock the door." saad nito sabay muling pasok sa shower room. Matagal bago siya nakahuma at ng mapagtanto niya ang kahihiyan na namang nagawa niya, dali-dali siyang lumabas ng banyo. Kumalma ka Riane, wala kang nakita--- Hindi mo nakita ang magandang katawan ng boss mo--- Hindi wala kang nakita--- Ang six pack abs niya---- Hindi wala kang nakita--- Meron. Meron siyang nakita. Nakita niya lang naman ang mala-model na katawan ni Thunder Monteciara. Sayang at may tuwalya siya sa bewang niya--- Maghunus-dili ka Riane Gonzales. Huminga siya ng malalim at kagat-labing pinagmasdan ang sarili sa nakitang salamin sa kwarto. Gulo-g**o ang buhok niya. Kalat ang make-up niya. At higit sa lahat pulang-pula ang mukha niya. Bago pa siya makabunghalit ng iyak sa lahat ng kahihiyang naranasan niya, bumukas ang pinto at hindi niya na kailangan tignan pa kung sino ang lumabas dito. Dali-dali niyang inayos ang buhok niya at pati na rin ang mukha niya. Makaraan ay parang isang bata na nilingon ang nasa likod niya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang nakabihis na ito. Bago pa ito magsalita ay yumuko siya. "Sorry po talaga Sir. hindi ko po sinasadya, kayo naman kasi bakit hindi kayo nagla-lock ng pinto---" napahawak siya sa bibig niya at tinampal ito. Seriously Riane? Nagso-sorry ka ba o naninisi? Tumawa ito kaya naman inangat umangat ang ulo niya at napakunot ang noo niya ng makitang tuloy pa rin ito sa pagtawa. "You're funny." anito. Hala, alam niya receptionist siya , kailan pa siya naging comedian? Tumikhim siya at mabuti naman at tumigil na ito sa pagtawa. "Sorry. Anyway ayos ka na ba?" saad nito. Tumango siya. "Yes Sir. Nasaan nga po pala ako?" tanong niya. "Don't worry nasa hotel ka pa rin. Nasa penthouse kita." "Hala Sir. pasensya na po talaga sa abala. Pero salamat po sa pagtulong sa akin." Ngumiti ito at hindi niya naman maiwasang pamulahan ng pisngi. "It's okay." "M-Mauuna na po ako SIr. h-hinahanap na po siguro ko ng supervisor ko. Salamat po uli at pasensya na." Tumango ito at muli siyang nginitian. "No, I should be the one to say thank you. Thank you Riane." Gusto niya sanang tanungin ito kung para saan ang thank you na sinasabi nito pero ipinagpaliban niya na lang ito lalo pa at kailangan ng umalis dahil tiyak umuusok na ang ilong ni Miss Minchin sa galit sa kanya. Kaya naman nagpaalam na lang siya rito at tuluyan ng umalis. Kung may isang magandang nangyari sa akin ngayon, iyon ay ang makasama kahit sandali ang crush ko hihihihi. ♥Thunder♥ Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Thunder habang pinagmamasdan paalis ang babaeng nakilala niya lang kanina. Kung tutuusin ay hindi niya na dapat ito dinala pa sa penthouse niya ng mahimatay ito pero ewan niya ba at anong nagtulak sa kanya para dalhin ang babae dito. Marahil ay naaaliw siya kay Riane. It's his first time meeting someone like her. Someone who didn't cry even though her boyfriend cheated on her. Someone who is funny enough to make him laugh. Napailing-iling siya at binuksan na lang ang TV pero sana pala hindi niya na lang ito binuksan dahil muli niya lang naalala ang masakit na katotohanan na hindi na mapapasakanya ang babaeng mahal niya. Ngayong araw na ito ginanap ang kasal ng one of the hottest bachelor CEO ng MEC na si Mr. Cloud Rendrex Monteciara sa napabalitang fiancée nito na si Skyleigh Vergara---- Pinatay niya na ang TV at nahiga na lang. Gusto niya mang kalimutan na kasal na si Sky sa kapatid niya. Hindi niya magawa, dahil ang lahat ng tao sa paligid niya ay pinag-uusapan ang kasal ng mga ito. For the past 15 years, tanging si Skyleigh lang ang minahal niya. Bagama't may mga nakarelasyon siya ay ito pa rin ang mahal niya. Unfair siya sa mga babaeng naging girlfriend niya at aaminin niya ginamit niya ang mga ito. Dahil ayaw niyang malaman ni Sky ang nararamdaman niya para dito dahil alam kong mahihirapan ito. Siguro kung hindi ko nabasa ang diary niya at nalaman ko na gusto nito si Cloud, baka sakaling nagawa niyang umamin dito. Pero duwag siya at walang lakas ng loob para umamin at isa pa natatakot siya. Natatakot siyang baka sa pag-amin niya imbes na mapasakanya ang babaeng mahal niya. Mawala pa ito sa buhay niya dahil alam niya na hanggang best friend na lang siya kay Skyleigh. Bumangon siya at napagpasyahang muling lunurin ang sarili sa alak hanggang sa makatulog siya. Nakakaisang lagok pa lang siya ng beer na kinuha niya sa ref ng magulat siya sa tunog na umalingawngaw. ♫Heto ako basang-basa sa ulan walang masisilungan Walang malalapitan sana'y may luha pang akong mailuluha at ng mabawasan ang aking kalungkutan ...♫ What the hell is that song? At mukhang alam niya na kung kanino ito. Agad-agad niyang hinanap ang pinanggagalingan ng tunog at napangiti siya ng makitang nasa kama ito. Kamang tinulugan ni Riane. The woman she had met a while ago. Pinagmasdan niya ang beer na nasa kamay niya at ang cellphone sa kama. Mukhang hindi niya na kailangan pang uminom para panandaliang mawala sa isip niya ang problema niya sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD