Ano nga ba ang gagawin mo kung nahuli mo ang boyfriend mo na may kalandiang ibang babae?
Sa kaso ni Riane, hindi ito ang unang beses niya na niloko siya ng boyfriend niya o ang nakita niya ng harap-harapan ang panloloko sa kanya.
Sa labing-dalawang lalaki na nakarelasyon ni Riane (kasama na ang damuhong boyfriend niya ngayon) walo doon ang ipinagpalit siya sa iba o lumalandi ng iba bukod sa kanya.
Naaalala niya pa ng mahuli niya ang unang ex-boyfriend niya na may kahalikan na iba. Imbes na lapitan niya ito, at ubusin ang buhok ng kalandian nito. Pinili niyang gayahin ang ibang mga bida sa napapanood niyang pelikula.
Tumakbo siya at hindi nagpakita sa boyfriend niya. Pero habang feel na feel niya ang pag-iyak nahulog siya sa kanal.
Umuwi siya sa bahay nila na pilay, luhaan at amoy imburnal.
Masyadong masaklap ang unang pagkasawi niya sa love.
At pakiramdam niya doon nag-umpisa ang kamalasan niya pagdating sa pakikipagrelasyon.
Kaya naman nangako siya sa sarili niya na kapag nahuli niya ang boyfriend niya na may kalandiang iba, hindi na siya tatakbo.
Uuwi man siyang luhaan, sisiguraduhin niya naman na uuwi ring lumuluha ang jowa niya sa sakit ng katawan.
At habang pinagmamasdan niya ang boyfriend niya na namumutla, hindi niya maiwasang ilista sa isipan kung ilang buhok ang malalagas dito at ilang kalmot ang matatanggap nito mula sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya pa nagugupitan ang kuko niya.
Kung hindi pala siya nag-overtime sa trabaho niya, hindi niya pa mahuhuli ang boyfriend niya. At talaga namang ang lakas ng loob nito na dito pa sa pinagtatrabahuhan niya mag-hotel. Mas lalong kumulo ang dugo niya ng maalalang binigyan niya ito ng discount coupon ng MH at malakas ang kutob niya na ginamit na nito iyon para sa hipon na kasama nito.
"R-riri?" ani ng boyfriend niyang two-timer. Bigla nitong inalis ang pagkakahawak ng kasama nitong hipon mula sa braso nito.
"Huwag mo akong tawaging Riri, hindi ako aso!" singhal ko dito.
A/N: [Story lang po ito! No offense sa may mga pangalang Riri kung meron :)]
Nang unang beses ako nitong tawaging Riri, kinilig-kilig pa ako. Pero ngayon, nabubwisit siya dahil pakiramdam niya literal na pet name ang tawag nito sa kanya.
Bago pa ito muling makasalita ay inunahan na siya ng katabi nito. "Baby ko, sino ba iyan?"
Hindi niya pinapatulan ang iba sa mga kinalantari ng mga ex niya dahil ang ilan sa kanila ay katulad niyang walang kaalam-alam na niloloko sila. 'Yung iba pa nga ay tinutulungan siyang sabunutan at kalmutin ang lalaking nanloko sa kanila.
Pero ngayon ay nangangati ang kamay niya na patulan ang hipon na kasama ni Louie dahil sa tingin na iginagawad nito sa kanya.
Pakiramdam ng hipon na ito na kinaganda na nito ang pagsusuot ng damit na 'onting yuko lang ay masisilip na ang kuyukot nitong nakasisigurado siyang maitim pa sa uling na tinda ni Aling Bebang.
Napatigil sa tangkang pagsasalita si Louie ng isinenyas niya ang daliri niya senyales na tumahimik ito. "Sino ako?" Diretso ang tingin niyang saad sa hipon. Tinaasan naman siya nito ng kilay ng maglakad siya papunta sa kanila.
"Nevermind, I'm sure isa ka lang sa nagpapapansin kay Louie. Let's go baby." saad nito at hinila ang boyfriend--I mean ex-boyfriend niya na ngayon, para umalis.
Pero siya si Riane at wala sa bokabularyo niya ang hayaan na makaalis ang talipandas niyang ex-boyfriend ng walang galos matapos nito siyang lokohin na parang tanga.
Kaya bago pa makaalis ang dalawa, marahas niyang hinila si Louie at kinaladkad patungo sa fire exit.
Mahirap na at baka may makakita pa sa kanila. Narinig niya pa ang sigaw ng babaeng hipon at alam niya na sumunod ito sa kanila pero wala siyang pakialam dito.
After 8965809865 minutes....
"Ulupong ka! Kaya pala bigla ka na lang naglahong parang bula, may kinakalantari ka ng iba! Manloloko ka! At dito pa talaga sa hotel na ito kayo naglungga! Kung hindi ko pa alam ginamit mo yung discount coupon na ibinigay ko sa'yo noong monthsary natin!" asik niya sa lalaking patuloy niyang sinasabunutan habang hila-hila naman siya ng kasama nitong hipon.
"Baby ko! Hoy babae bitiwan mo ang boyfriend ko!" sigaw sa kanya ng babaeng hinila na rin ang buhok niya. Aaminin niyang masakit ang paghila ng bruha pero imbes na bitawan niya ang buhok ng ex niya, lalo niya pa itong hinila.
"A-arayyyyyyy Riri!" sigaw nito.
"Hindi ako asoooooooo!" Naluluha ko ng saad dahil pakiramdam ko matatanggal na ang anit ko sa higpit ng pagsabunot sa akin ng bruhang hipon nasa tabi ko.
"What's happening here?!"
Natahimik ang paligid. Napabitaw siya sa pagkakasabunot sa buhok ni Louie at naramdaman niya rin na wala ng mga kamay na nakasabunot sa buhok niya. At parang slow motion siyang lumingon sa pinto.
Kumurap siya at umaasang sa pagdilat niya, hindi ang CEO na si Thunder Monteciara ang makikita niya.
Pero sa muling pagdilat ng mga mata niya bumungad pa rin sa kanya ang boss niya. Nakakunot ang noo at bakas ang pagtataka sa mukha marahil nangyayari sa kanila.
Lumunok siya at umayos ng tayo. "S-sir..." aniya habang inaayos niya ang nakakasigurado siyang parang pugad na ng manok niyang buhok.
Lumapit ito sa kinaroroonan namin at isa-isa kaming tinignan. "I said what's happening here Ms..." Napalunok naman siya ng bumaba ang paningin nito sa uniform niya na pin na kinalalagyan ng pangalan niya. "Riane Cruz."
"S-Sir ah-ah I..." Nauutal niyang saad dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong nito. Bakit ba naman kasi sa dami ng makakakita sa kanila ang boss niya pa?!
Patay na naman siya sa Nanay niya kapag nawalan siya ng trabaho. "I'm sorry Sir!" Nasabi ko na lang na siyang nakapagpataas ng kilay nito marahil dahil hindi niya naman nagawang sagutin ang tanong nito.
"Excuse me pogi... ikaw ba ang boss ng babaeng 'to?" Napakuyom naman siya sa kamao at kung wala nga lang sa harap niya ang boss niya, malamang ay nasapak niya na ang bruha na may pahaplos-haplos pa sa braso ng amo niya.
"Hands off Miss. And don't call me pogi, we're not close." napapalakpak naman siya sa isip niya ng napapahiyang ibinaba ng bruha ang kamay nito mula sa braso ng boss niya.
"Hmp.. anyhow..." Napatigil naman sa pagsasalita si Hipon ng hindi niya mapigilang matawa. Di yata't 'di lang hipon ang ipinalit sa kanya ng ex niya kung hindi bird brain pa. "Why you laugh, is there wrong?!"
Bago niya pa 'mapuri' ang english ng bruha nagsalita na rin sa wakas ang ex niya. "Sarah enough---" Nagulat siya ng mabilis na sinampal ni bruha si Louie.
Anong problema ng gagang 'to? Kanina lang pinagtatanggol nito sa akin ang baby nito...
"Hindi Sarah ang pangalan ko! Ako si Farrah. Magsama kayo ng baliw na babaeng iyan!" Sinamaan pa siya ng tingin ng bruha bago nagwalk-out.
Doon niya lang muling napagtanto na nasa harap niya ang boss niya ng tumikhim ito. "I assume, ipapaliwanag mo na sa akin Miss Cruz kung anong kaguluhan ang naabutan ko?"
Pero bago pa siya makasagot, sumabat na ang cheater kong ex. "Sino ka ba?! Bakit pa kailangan ipaalam ng girlfriend ko---"
Binalingan ko ang katabi kong magulo ang buhok, may kalmot sa mukha na siyang kagagawan niya. "Hindi mo na ako girlfriend manahimik ka diyan!" pagputol ko sa sasabihin nito.
"I suggest mag-usap muna kayo Miss Cruz at inaasahan ko na hindi na mauulit ang gulong ito." saad ng boss ko bago ito tuluyang umalis.
Susundan niya na sana ang boss niya ng hawakan siya ng ex niya sa kamay. "Bitawan mo ko kung ayaw mong dagdagan ko iyang kalmot ko sa'yo!" asik ko rito.
Binitawan nito ang kamay ko. Mabuti naman at marunong pang matakot ang manloloko. Pero kagya't akong napatigil sa pag-alis ng magsalita ito.
"Bakit hindi ka umiyak?"
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Inaasahan niyang ang sasabihin nito ay mga pawang kasinungalingan lang para pagtakpan ang panloloko nito sa kanya. Kaya naman hindi niya na ito hinayaan pang magsalita mula kanina.
Pero hindi niya maunawaan ang tanong nito kaya naman kahit ayaw niya ng makita pa ang mukha ng ex niya hinarap niya ito. "Anong bakit hindi ako umiyak?" kunot ang noo kong tanong dito.
"Bakit hindi ka man lang umiyak ng nakita mo ko kanina kahit na alam mong niloko kita? Tell me Riane, minahal mo ba ako?"
Napatda siya sa tanong nito.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba hindi man lang siya umiyak?
At bakit siya nito tinatanong kung minahal ko siya?
Pero higit sa lahat bakit hindi siya makasagot sa mga tanong nito?
TBC