ZONE 2

1195 Words
Naalala pa rin ni Riane ang unang beses na masilayan niya ang CEO ng hotel nila. Napahawak pa siya sa gilid ng labi niya sa pangambang tumulo ang laway niya sa pagkakanganga niya. Malayuan niya lang nakita ang amo niya pero tumimo sa utak niya ang napakaganda at chinito nitong mga mata, ang napakatangos nitong ilong at ang labi nito na maikukumpara niya sa mamula-mulang rosas. At ang hugis ng mukha nito na tila nililok ng napakagaling na iskultor. Pero ngayon na nakikita niya ng malapitan ang amo niya, hindi niya alam kung saan hahanapin ang boses niya upang batiin ito. Huminga siya ng malalim at lumunok. "G-Good Evening Sir." Darn! Bakit kailangan niya pang mautal?! Tumingin lang ito sa kanya at hindi nakaligtas sa kanya ang namumula nitong mga mata. Umiyak ba siya? Doon niya lang pasimpleng nabistahan ang itsura ng amo. Magulo ang buhok nito at wala sa ayos ang kurbata nito. Napansin niya rin na nakasabit ang suit nito sa balikat at nakabukas naman ang ilang butones ng suot-suot nitong long sleeve polo. Napalunok naman siya ng masilip niya ang dib--- "What floor?" anito na siyang nagpabalik sa kanya sa realidad at kung hindi nga lamang siya magmumukhang baliw sa harap ng boss niya baka binatukan niya na ang sarili niya. "25th f-floor po Sir." aniya habang hindi maiwasang pamulahan ng mukha sa hiya dahil ang CEO pa mismo ang siyang pumindot ng floor niya imbes na siya na empleyado nito. Napansin niyang hindi na rin ito pumindot ng ibang numero kaya napagtanto niyang doon din ang baba nito. Napasinghot siya at doon niya lang napagtanto na nakainom ang boss niya. Amoy na amoy niya ang alak pero hindi ito nakakasuka kumpara sa amoy ng Tatay niya kapag nakikipag-inuman sa kapit-bahay nila. Pinigilan niya ang sarili niya na muling sulyapan ang lalaking iilang dipa lang ang layo sa kanya pero may sariling buhay yata ang mga mata at ang ulo niya at namalayan niya na lang ang sarili niya na tinititigan ang lalaking hinahangaan niya. Nakasandal ang boss niya sa pader ng elevator at pakiramdam niya ay nasa isang photo shoot siya at ang modelo ay ito. Diretso ang tingin nito sa unahan at tila may malalim na iniisip. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang lungkot sa mga mata nito. Di yata't may problema ang lalaki. "Ay kabayong bundat!" naibulalas niya sa gulat ng bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng cellphone. Nakita niya kung paano napatigil ang boss niya mula sa pagkuha sa cellphone nito, marahil ay dahil nagulat sa bunganga niya. Napakagat-labi siya at umiwas na lamang ng tingin dito. Nakahinga naman siya ng maluwag ng umabot na sila sa floor na babaan niya. Nakita niyang kunot ang noo ng boss niya habang pinapakinggan ang kausap nito kaya naman yumuko na lamang siya ng dumako ang paningin nito sa kanya senyales ng pamamaalam niya. Nang tuluyan siyang makalabas sa elevator ay napakagat siya sa labi niya sa takot na mapatili siya sa kilig dahil nakasama niya sa iisang elevator ang boss niya. Pero agad naglaho ang kilig niya ng makita kung sino ang makakasalubong niya. Ang boyfriend niyang MIA. At isang hipon na babae na nakapulupot sa braso ni Louie na kuntodo ngiti. Di yata't alam niya na kung bakit biglang hindi nagparamdam ang boyfriend niya. Dahil patay na ito. Patay na patay sa kandungan ng ibang babae. At ngayon, siya naman ang papatay rito. * * * * * * * Hindi maiwasang mapakunot-noo si Thunder sa inis habang pinapakinggan niya ang ina na sinesermonan siya dahil sa biglaan niyang pagkawala sa kasal ng kapatid niya at ng babaeng mahal niya. Mabuti nga at nagawa niya pang maging best man sa kasal ng mga ito. Bata pa lang siya pinangarap niya ng maging best man para kay Skyleigh--- his best friend. He wants to be the best man for her best friend. But he never dreamed to be the best man for the wedding of the woman he loved because he wanted to be the groom. At ang sakit para sa kanya na makitang ikinakasal sa iba ang babaeng minahal niya sa mahabang panahon. "Hanggang ngayon ba naman Thunder, hindi mo pa rin gusto na kinasal ang kuya mo kay Sky?" ani sa kabilang linya. Napatigil siya sa paglabas mula sa elevator at kung hindi niya nga lang naiharang ang paa niya, nagsara na ito. "Ma, please...Just stop it. I got to go." "Thunder---" "Ma, paano kong matatanggap na kinasal si Kuya sa best friend ko..." Saglit siyang napatigil sa pagsasalita ng mabanggit ang salitang best friend. Noon ay ayos lang sa kanya na matawag siya bilang best friend ng babae pero ngayon ay tila hindi niya na gusto pang sabihin ito.Tila nagbibigay ito ng mapait na panlasa para sa kanya. Dahil hindi niya matanggap na hanggang doon na lang siya. Best friend. At ngayon ay brother-in-law pa ang relasyon nila. "...kung alam naman nating lahat na hindi mahal ni Kuya si Sky! Masasaktan lang si Sky!" pagpapatuloy niya. Hindi niya na inantay pang magsalita ang ina at binaba na ang tawag. Hindi niya gustong babaan ang kanyang ina, pero ayaw niya ng marinig pa rito ang tungkol sa dalawa. Gusto niya ng makalimot kaya nga pagkagaling sa kasal ay isinubsob niya na ang sarili niya sa pag-inom ng alak hanggang sa makatulog siya. Ngunit makaraan lang ang ilang oras na pagkakatulog ay nagising siya at napagtanto niyang walang makakapag-alis sa utak niya ang hitsura ng babaeng mahal niya habang ikinakasal ito. Kaya naman ng tumawag si Yna--- her so called fling. Pumayag siyang makipagkita dito at gawin ang bagay na umaasa siyang makakapagpaalis sa utak niya ng mga naganap kanina. Ang kinaiinis niya nga lang sa babae ay sa hotel pa mismo na pinamamahalaan niya nito napiling magkita. Pero ayaw niya namang papuntahin sa unit ito dahil tanging si Sky--- 'How can you forget her Thunder kung sa bawat sulok ng utak mo nandoon siya?' Sa isip-isip niya. Pero hindi lang naman sa utak niya nakatatak ang babaeng mahal niya kung hindi maging sa puso niya. "Ulupong ka! Kaya pala bigla ka na lang naglahong parang bula, may kinakalantari ka ng iba! Manloloko ka! At dito pa talaga sa hotel na ito kayo naglungga! Kung hindi ko pa alam ginamit mo yung discount coupon na ibinigay ko sa'yo noong monthsary natin!" "Baby ko! Hoy babae bitiwan mo ang boyfriend ko!" "A-arayyyyyyy Riri!" "Hindi ako asoooooooo!" Napatigil siya sa pagkatok sa kwarto ni Yna ng makarinig ng mga boses. Hindi niya alam kung bakit imbes na balewalain niya ito ay nagkusa ang paa niya at hinanap ang pinanggagalingan ng boses. At hindi naman siya nahirapan na matagpuan ang mga ito. Pagbukas niya sa pintuan ng fire exit ay bumungad sa kanya ang babae (na napagtanto niya na isa sa empleyado ng hotel nila) na sinasabunutan ang isang lalaki habang sa tabi nito ay may babae na mukhang kinulang sa saplot na sinasabunutan naman ang nagwawalang empleyado niya. Distraction. That's what he needs. At mukhang natagpuan niya na ito. Mukhang maghihintay lang sa wala ang babaeng kikitain niya. "What's happening here?!" saad niya na siyang nagpatigil sa kaguluhan. -TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD