♥Riane♥ Nakakaramdam ng inis si Riane sa sarili niya o mas tamang sabihing sa lukaret niyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang t***k nito. Malakas pa rin ang kabog nito na tila anumang oras ay lalabas ito sa dibdib niya. Hindi din nakatulong na habang naglalakad sila ni Thunder ay maraming mga ang nakasunod ang tingin sa kanila. Palihim niya ngang siniko ang loko dahil imbes na lumayo ito sa kanya ay umakbay pa talaga. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng mahahaderang kasamahan niya sa trabaho. Nasabi niya na rin kay Thunder na sila ang sentro ng tsismisan sa MH pero bingi yata ang lalaki o sadyang balewala lang dito ang matsismis na jowa ko siya. Kumalma na rin ang makulit niyang puso at bumalik na sa normal ang t***k. Wala naman sigurong ibig sabihin 'yung p