♥RIANE♥ "Your room number Sir is 504. Enjoy your stay here in Monteciara Hotel. Have a good day!" magiliw na saad ni Riane sabay abot sa isang foreigner na lalaki ang susi para sa hotel room nito. Nakangiting binalingan niya si Mallory na nasa tabi niya at may kausap sa telepono. Oras na ng tanghalian nila at nasasabik na siyang makain ang kare-kareng niluto ng Nanay niya kaninang madaling-araw. May zumba kasi ang Nanay niya ngayong araw at ito ang nakatoka para sa tanghalian ng mga kasamahan nito. "Hay nako Mallory makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ang kare-kare ng Nanay... Kaya bilisan na natin at baka maubusan pa tayo ng puwesto sa cafeteria." saad niya sabay hawak sa braso ng kaibigan. Nagtaka siya nang alisin ni Mallory ang kamay niya mula sa pagkakahawak dito at