♥Riane♥ Malalim na napabuntong-hininga si Riane makaraan ay iniwas niya ang paningin kay Thunder nang hindi niya makayanang tagalan ang pagtitig nito sa kanya. "Ex ko. First boyfriend." Napalunok siya at muling napabuntong-hininga. "Ang ganda dito sa restaurant ng mama mo—" "Naka-move on ka na ba?" Napahinto siya sa pagsasalita para baguhin ang paksa nila sa sunod na tanong na ibinigay sa kanya ng binata. Seryoso ang mukhang hinarap niya ang kausap. "Ano sa tingin mo Thunder?" pagbabalik tanong niya dito. "Hindi pa?" patanong din nitong sagot sa kanya kaya natawa na lang siya. Tumikhim si Thunder at tinaasan siya ng kilay. "C'mon Riane, just answer me." Pangungulit nito sa kanya. Ipinagkrus niya ang kamay niya sa dibdib at sumandal sa upuan. "Noong bata ako, palaging maingay sa baha