Chapter 35

1048 Words
Chapter 35 3rd Person's POV; "Hindi ko nagugustuhan ang ngiti mo Tyson ano nanaman ang binabalak mo?" Napatingin ang binata sa lalaking nakauniform ng Farell habang naglalakad ito at nakapamulsahang tumingin sa tinitingnan niya. "Ano nanamang laro ang iniisip mo?" Walang emosyong tanong ng binata na kinataas ng gilid ng labi ng lalaki. "Bakit sasali ka?" Tanong pabalik ng lalaki na kinataas ng kilay ng binata bago ayusin ang suot nitong salamin. "Kung hindi ako mabobored why not." Sagot ng binata na kinangisi ng lalaki. "Wag mo lang ipapaalam kay kuya dahil siguradong ipapatapon nanaman niya tayo sa England once na malaman niya." --- Farell man o C-lite students busy sa pagtatayo ng kanya kanya nilang tent sa field na may iba't ibang theme. May iba pang nagpasok ng mga arcade games o nagpatayo ng mga cabin para sa mga activity. "Guys sigurado kayo dito tayo magtatayo ng booth?" Tanong ni Francis ang president ng section ng makitang sobrang layo ng booth nila sa iba pang booths dahil nasa malawak silang field na nasa likurang bahagi ng building. "Horror booth ang theme natin ito yung perfect place." Nakangising sambit ni Dwayne. "Iniimagine ko pa lang kinikilabutan na ako siguradong bang dito tayo gagawa ... imean sobrang---." "Malawak ang space dito tamang tama sa horror booth natin." Sang ayon ni Cadmus na bigla na lang sumulpot sa likuran ni Astrid. "Pano namang malalaman ng ibang estudyante na may booth dito masyadong tago." Nakangiwing sambit ni Astrid. "May asset tayo, I'm 100% sure hindi pa tapos booths natin ubos na yung tickets." May confident na sambit ni Francis. "Okay na ba yung mga gagamitin natin?" Tanong ng class president sa iba pang officers. Busy ang lahat sa pag lalabas ng mga gamit sa box ng dumating sina Callius. "Astrid tulungan na kita." Napatingin si Astrid ng may humawak kumuha ng box na hawak niya. "Mr.President? Tapos na ba ang meeting niyo?" Tanong ni Astrid matapos ibaba yun ng binata sa lilim ng puno para buksan. "20 minutes lang naman yun." Nakangiting sambit ni Callius bago kuhanin yung cutter at buksan yung box. "Salves! Kailangan namin ng tulong dito." Napasimangot si Astrid ng marinig ang boses ng binata bago tapunan ng tingin si Cadmus na nakapamulsahang nakatingin sakanya habang sa harap nito ang apat na box hindi kalayuan sakanila. "Itong kupal na ito apat kinuha niya tapos papatulong saakin." Naiinis na bulong ni Astrid at aalis ito ng---. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Callius na kinatingin ni Astrid matapos tumayo ng binata. "Tutulungan ko lang si Gangster Mr.President teka lang." Pilit ang ngiting sambit ni Astrid bago tuluyang tumalikod at nakasimangot na nilapitan si Cadmus. "Ikaw Gangster peste ka talaga apat yang box na kinuha mo tapos papatulong ka asan mga alipores mo?" Naiinis na tanong ni Astrid. "Baka nakakalimutan mo yung 1month deal natin, by the way simula ngayon bawal ka ng magreklamo." Ani ni Cadmus na kinagusot ng mukha ng dalaga. "Aba---." "Yung deal." Nakagat ng dalaga ang gilid ng labi niya matapos sobrang samang tiningnan ang kaharap na lalaki na ngayon ay nakangisi sa harapan niya. Astrid Salves's POV; Pareho kaming nakaupo ngayon ni Gangster sa damuhan at sa pagitan namin yung mga gamit na pareho naming nilabas sa box. Siya yung nagbukas ng box at ako naman yung nag lalabas at nag aayos. Habang binubuksan yung mga gagamitin naming decoration na nasa mga lalagyan hindi ko maiwasang mapatitig kay Cadmus na seryosong nagbubukas ng box at binubuksan yung mga gamit narealize kong may pagkakaiba pala ang mukha nina Cadmus at Callius. Sa unang tingin magkamukha talaga sila may pagkabadboy look lang talaga si Cadmus pero pag dating sa expression magkaibang magkaiba sila. Si Callius kasi masyadong showy, natural ang pagkasweet at caring niya imean siya yung kahit hindi mo siya kilala magagaanan mo agad siya ng loob dahil napaka open niya pero si Cadmus ... sobrang hirap basahin ng ugali, lagi siyang nakasimangot pero madalas walang expression, pokerface ganun tapos parang laging may imaginary board sa noo niya at nakasulat 'back off.' Lagi ding parang time bomb si Cadmus tipong anytime sasabog ganun ang pagkakakilala ko sakanya at walang pagbabago. Pero kumpara kay Cadmus at Callius mas komportable ako kay ... Cadmus hindi ako natatakot magkamali, madapa o mapahiya sa harap niya pero kay Callius feeling ko dapat maging perfect din ako katulad niya natatakot akong magkamali. Napabuntong hininga ako ng marealize kong pinagkukumpara ko nanaman sila siguro ganun ako dahil wala naman akong feelings kay Cadmus at gusto ko si Callius. 3rd Person's POV; Busy ang lahat sa pag aayos at pagbubukas ng box para sa araw na yun nag simula na din sila magtayo ng booths kaya halos lahat ng estudyante ng araw na yun pagod. Before mag 3pm nag announce ang class president na magpahinga muna dahil naitayo nanaman nila ang booths at decorations na lang ang kulang. "Ayos ka lang Mr.President?" Tanong ni Astrid bago umupo sa lilim ng puno kung nasan si Callius na mukhang wala sa mood. "Medyo pagod lang." Walang ganang sagot ni Callius na kinatingin ni Astrid. "Ganun ba?" Mababa ang boses na sambit ni Astrid. Maya maya naramdaman na lang niyang humilig si Callius sa balikat niya na kinabato nito sa kinauupuan. "Mr.Pres---." "Call me Callius, Astrid." Putol ni Callius na kinatikom ng bibig ng dalaga. "Nagseselos na talaga ako sainyo ni Cadmus." Out of the blue na sambit ni Callius. "H-Ha?" Tanong ni Astrid. "Sobrang lapit mo sakanya." Dagdag pa ng binata. "K-Kaibigan ko lang naman si Gangeter." Bulong ni Astrid dahil hindi siya makahinga ng ayos dahil sa sobrang lapit nila ni Callius. Amoy na amoy ng dalaga ang mabangong amoy bg buhok ni Callius kaya hindi nito maiwasang singhutin ng---. Panandalian yatang hindi nakahinga si Astrid ng magtama ang mata nila ni Callius at sobrang lapit ng mukha nito sakanya. -- Napatingin sina Dwayne sa pwesto ni Cadmus ng makarinig ito ng malakas ng ingay matapos pigain ang hawak nitong plastic bottle matapos maubos ang laman. "Anong nangyar---." Naputol ang sasabihin ni Alvis ng makita ang tinitingna ng leader nila. Sina Astrid at Callius na nasa ilalim ng puno at--- naghahalikan. "Mga hindi na nahiya." Nagdidilim ang anyong sambit ni Cadmus bago tumayo at umalis sa lugar na yun na agad namang sinundan ng blacksphere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD