01
Chapter 1
Astrid Salves's POV;
"Anak hindi ako makapaniwala nakapasa ka dito?" Tuwang tuwa na tanong ni mama habang nakatingin sa nga documents na kasama ng box na naglalaman ng uniform,sapatos,I.D kasama ang mga gamit pati na din ang sched ko sa isang linggo.
"Opo mama! Hindi nga din po ako makapaniwala makakapag aral na ako sa pinakaexpensive na school sa buong pilipinas. Dream come true mama." Naiiyak na sambit ko bago yakapin si mama na naiiyak na din.
Akala ko talaga hindi na ako makakapag college lalo na natanggal si papa sa trabaho niya bilang janitor sa dati kong school.
"Dapat makilala natin yung mga taong tumutulong sayo anak para makapagpasalamat tayo ... sobrang laking tulong nito sayo pag nakapagtapos ka sa university na ganito siguradong hindi ka tatanggihan sa kahit na anong kompanyang papasukan mo." Ani ni papa na kinatango ko bago ngumiti.
"Gusto ko nga din po magpasalamat kaso laging yung secretary niya ang nakakausap ko tapos ayaw din po magpakilala." Ani ko bago tingnan yung flyer ng university na papasukan ko.
'C-Lite University.'
"Hindi na ako makapaghintay sa pasukan mama." Nakangiting sambit ko bago ayusin ang suot kong salamin.
3rd Person's POV;
"Aaah tulong!tulong!" Sigaw ng isang estudyante na nagkakandarapa sa pagtakbo palayo habang nakatingin sa limang lalaki na may hawak na baseball bat at tubo.
"Tulong!" Sigaw ng lalaki na halos gumapang na palayo habang ang mga estudyante naman ay nagkanya kanyang takbo sa loob ng classroom ng makita ang mga binata.
"Hindi kana nadala Leonard paulit ulit na lang tayo." Walang buhay na sambit ng binatang nakapamulsahang naglalakad at sa likod nito ang apat pang lalaki na may mga dalang baseball bat at tubo.
"Cadmus wala akong kasalanan tinakot lang ako ng grupo ni Minrod." Sagot ng lalaki habang at takot na takot na nanakbo palayo.
"Hindi ako makapaniwalang naging isa siya sa grupo natin." Gusot ang mukhang komento ng isa sa mga binata ng makita ang estudyanteng halos himatayin na dahil sa takot sa kanila.
"Cadmus ano nanaman ito?"
Napatigil ang lima sa paglalakad ng lumabas sa pinakahuling kwarto ang lalaking may malaking pagkakahawig sa lalaking nasa unahan.
"President!tulong!tulungan niyo ako!" Mangiyak ngiyak na sambit ng estudyante bago manakbo palapit sa lalaki at magtago sa likuran nito.
"Wag kang mangialam dito Callius." Walang emosyong sambit ng binata.
"Oras ng klase Cadmus tapos nagagawa niyo pang gumawa ng eksena dito." May diin na sambit ng nangangalang Callius.
"Pwede ba Callius kahit minsan lang wag kang mangialam." Naiirita ng sambit ng binata.
"Kung ayaw mong pakialaman kita gumawa ka ng tama hindi yung puro sakit na lang ng ulo ginagawa mo." Banat ni Callius na kinayukom ng kamao ng binata.
"Anong sabi mo? Ano bang alam mo bukod sa maging good model at pakikipag plastikan sa mga putanginang mga estudyante mo?" Tanong ni Cadmus.
"Cadmus!"
"Callius!"
Sabay na sigaw ng mga kagrupo nito at pumagitna ng mapang aabot nanaman ang dalawa.
"Tama na oras ng klase tara na Cadmus." Ani ng isa sa apat na lalaki at nilingon ang lalaking nasa likuran ng nangangalang Callius.
"Hilingin mong wag tayo magkasalubong- salubong sa susunod na pagkikita natin dahil sisiguraduhin kong ni isang hakbang hindi mo na magagawa." Ani ng isa sa mga ito at tumalikod para sundan ang leader na nag gigitgit paalis.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kakambal ko." Bulong ng binatang si Callius habang nakatingin sa kakambal na naglalakad palayo.
"Hindi ka pa nasanay diyan sa kakambal mo Callius." Ani ng isa sa apat na lalaki na nasa likuran nito bago tapikin ang balikat ng binata.
"Marerealize din ni Cadmus ang lahat ng ginagawa niyo para sakanya." Dagdag pa ng isa sa mga ito bago tingnan ang grupuhang papalayo.
"Mr.Callius Acosta." Napatingin ang binata sa hagdan na nasa hindi kalayuan sa pwesto nila ng dali daling lumapit sakanila ang secretary ng Dean nila hawak ang isang documents at phone.
"Gusto daw kayo makausap ng daddy niyo." Ani ni Mrs.Reyes.
"Si dad talaga may phone naman ako hindi dun tumawag." Bulong ng binata bago kuhanin yung folder.
"Iniwan mo nanaman yata yung phone mo sa office." Sabat ng isa sa mga binata na nakapamulsahang nakikusyoso sa hawak ng binata.
"Transferee students sa gitna ng midterm?" Nakakunot ang noong tanong ng binata bago kuhanin yung phone.
"Dad ano ito?" Bungad ng binata.
---
"Masyado siyang pakielamero naiinis na ako." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata habang nakatayo sa tambayan ng grupo nila sa likod ng college building.
"Hindi ko maintindihan Cadmus bakit galit na galit ka sa kakambal mo." Ani ng isa sa apat na lalaki sa likuran ng binata.
"Hindi siya yung tipong pagaaksayahan ko ng panahon." Nag gigitgit na sambit ng binata na pinagkatinginan ng apat.
"Yung kay Minrod ano ng gagawin natin?" Tanong ng isa sa mga binata makalipas ang ilang minuto.
"Isama mo ang grupo ni Dwayne aabangan natin sila sa bakanteng lote." Walang emosyong sambit ng binata.
"Walang sino man ang pwedeng bumangga kay Cadmus Acosta."