Chapter 36
3rd Person's POV;
Napaatras si Astrid at napatayo ng marealize na sobrang lapit ba nilang dalawa.
Tumikhim ito at alanganing tumingin sa paligid.
"N-Nauuhaw ako kukuha lang ako ng tubig." Paalam ni Astrid at aalis ito ng hawakan siya ni Callius na kinatingin ng dalaga.
"Date tayo Astrid." Ani ni Callius matapos tumayo habang hawak ang kamay ng dalaga.
"D-Date?" Ulit ni Astrid.
"Gusto ko ng gawing official ang panliligaw ko sayo Astrid at hindi ako titigil hangga't hindi kita nagiging girlfriend." Ani ni Callius na kinagulat ng dalaga.
"Mr.President alam mo ba ang s-sinasabi mo? H-Hindi ako mayaman ito lang ako. Ano na lang sasabihin ng ibang estudyante o makakakita saatin." Sagot ng dalaga na kinabuga ng hangin ni Callius.
"Astrid tanggap ko kung anong estado ng buhay meron ka, mahal kita Astrid at seryoso ako."
--
Nang makalabas sa university si Cadmus kinuha nito ang kaha ng sigarilyo na nasa bulsa at sumindi ng isang stick.
Tahimik nitong hinithit ang hawak na sigarilyo habang nakatingin sa kawalan.
"Cadmus." Ani ni Dwayne pero hindi nagreact ang binata at nanatili itong nakatalikod.
"Hayaan niyo muna ako mag isa Almeda." Walang emosyong sambit ni Cadmus.
Hindi umimik ang apat at naglakad pabalik ng university dahil kitang kita na wala sa mood ang lider.
Imbis bumalik ang mga ito sa lugar kung saan itatayo ang booth nila naghiwa hiwalay ang mga ito.
Alcide Asuncion's POV;
Matapos kaming paalisin ni Leader pasipol sipol akong umupo sa gilid ng pinto ng rooftop sa building ng Biologist.
Mula dito kitang kita ko ang labas ng university kung saan nakatayo si Cadmus.
Kahit naman kasi hindi niya sabihin alam naming apat na interesado na siya kay Salves.
Hindi ko alam kung maganda yun o hindi dahil may gusto din si Callius kay Salves.
Tahimik lang ako habang nakatitig sa kalangitan ng wala pang 20 minutes bumukas ang pinto na kinatingin ko at---.
"Yo butete." Bati ko na kinatingin ni Padernal sakin na kinalaki ng mata nito ng makita ako.
"Ikaw nanaman Hambog anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong niya na kinangisi ko bago ituro si Cadmus na nasa ibaba.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito suicide nanaman?" Pang aasar ko na kinagusot ng mukha niya bago ibalibag ang pintuan at tingnan ako ng sobrang sama.
"Mukha ba akong magsusuicide ha?!." Naiinis na sambit niya.
"Bakit mo binagsak ang pinto? Alam mo bang nalolock yan mula sa labas?" Casual na tanong ko na kinalaki ng mata niya bago hawakan ang handle ng pintuan at pilit buksan yun.
"Tangna mo pala eh bakit ngayon mo lang sinabi?!"bulyaw ni Aila na kinapokerface ko.
=_=. Ako ba nagbagsak? Hindi ako umimik hanggang sa mapaupo na lang ito sa kabilang bahagi ng pintuan.
"Baby ang malas talaga natin ngayon nakulong na nga tayo sa rooftop may kasama pa tayong kupal." Bulong ni Aila na kinataas ng kilay ko ng mapatingin ito saakin at ismiran ako.
=_=. Kaya ayokong mag girlfriend sakit lang sila sa ulo.
Astrid Salves's POV;
Dala ang ilang gamit umakyat ako sa building namin na nasa pang apat na palapag.
Kailangan namin ito ipasok dahil baka umulan mabasa dahil sa hindi pa naman daw lock ang pinto dun na namin itatago.
Nauna na ako umakyat dahil mga nagkukwentuhan pa ang mga kaklase ko at gusto ko na din umuwi.
"Buti na lang di pa lock." Ani ko matapoa kong ibaba yung box at pihitin ang doorknob.
Nang mabuksan ko ng konti ang pinto kinuha ko na ulit ang kahon at tuluyang pumasok hanggang sa---.
"G-Gangster." Bulong ko ng makita ko si Cadmus sa loob.
Nakatalikod ito oo pero ang build at suot nito pamilyar na pamilyar saakin.
"Salves gusto mo ba talaga si Callius?"
Sobrang lamig at walang buhay yan ang boses na narinig ko mula kay Cadmus.
"A-Ano bang tanong yan?" Balik na tanong ko hanggang sa lumingon si Cadmus.
Ang expression niya ... hindi ko maiwasang manlamig ng magtama ang mga mata namin sobrang galit ang nakikita ko at halos mawalan na din ng kulay ang kamao nito sa sobrang pagkakayukom.
"B-Bakit ka g-ganyan makat---."
Naputol ang sasabihin ko at nabitawan ko ang hawak kong box ng mabilis itong lumapit at hinawakan ang kwelyo ng uniform ko.
"B-Bitawan m-mo ako!" Mangiyak ngiyak na sambit ko dahil sa sobrang takot matapos niya ako ibalya sa likuran ng pinto.
"Ano bang meron sayo Salves at nagkakaganito ako?! Bakit?!" Sigaw niya na kinaskip ng paghinga ko at nanlalamig na inangat ang tingin ko.
Pero bago pa magtama ang mata namin napapikit ako ng iangat niya ang kamao niya at malakas na suntukin ang pader na nasa gilid ng ulo ko.
"N-Nagmamakaawa ako t-tama na." Mangiyak ngiyak na sambit ko dahil sa sobrang takot.
3rd Person's POV;
Napahagulhol si Astrid habang nakapikit ng madiin ng maramdaman niya ulit ang dalawang kamay ng binata sa kwelyo niya.
"Look at me Salves." Bulong ni Cadmus pero hindi tumingin ang dalaga habang takot na umiiyak.
"I said look at me!" Bulyaw ni Cadmus na mas lalong kinaiyak ng dalaga.
Matapos siyang bitawan ni Cadmus napadausdos pababa si Astrid at nanginginig na niyakap ang katawan habang umiiyak.
"Tell me Salves ano bang meron kay Callius at gustong gusto niyo siya." Napamulat ng mata ang dalaga at kahit natatakot tumingala ito at nakita si Cadmus na nakatayo sa harap niya.
Halo halong emosyon ang naramdaman ng dalaga ng makita ang sobrang lungkot at selos sa mata ng binata.
Matapos lumuhod ni Cadmus sa harap niya at magkapantay sila.
"Mahirap ba talaga akong magustuhan Salves? Magkamukha naman kami ni Callius ... bakit hindi mo magawang ngumiti at tumawa pag kasama ako." Bulong ni Cadmus na kinatigil ni Astrid.
Patuloy lang ang pag agos ng luha ni Astrid hanggang sa tumayo si Cadmus at naglakad paalis ng classroom.
---
"Astrid! Anak anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ng ginang ng makitang may dugo ang kabilang bahagi ng kwelyo ng dalaga.
"W-Wala m-mama nalagyan lang po yan ng red paint ... nagpractice po kasi ng acting namin para sa booth namin." Mababa ang boses ng sambit ng dalaga matapos humalik sa ina at lampasan ito.
Hindi nagreact ang ginang ng makita ang pamumutla ng anak at pamumugto ng mata nito. Nag aalala ang ginang pero mas minabuti nitong manahimik.
Nang makapasok si Astrid sa kwarto binagsak nito ang katawan sa kutson at umiyak.
"Peste ka Cadmus! Peste ka!*sob* Peste ka." Umiiyak na sambit ng dalaga habang paulit ulit na nagfaflashback sa isip nito ang sinabi at tyura ng binata.