Chapter 34
3rd Person's POV;
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy Cadmus." Ani ni Callius ng makapasok sila sa isang silid at maisara ni Cadmus ang pinto.
Hindi nagsalita ang binata at nanatiling walang expression.
"Layuan mo Astrid." Kalmadong sambit ni Callius.
"Layuan mo siya Cadmus, ayoko ng maulit yung dati ... ayoko ng may masaktan ka pa kung gusto mo bumalik sa states ako na bahala kay dad, umalis kan---."
"Concern ka ba talaga o natatakot?" Putol ni Cadmus.
"Natatakot ka bang maagaw ko si Salves?" Nakataas ang gilid ng labi na sambit ni Cadmus bago nakapamulsahang inangat ang tingin sa kakambal.
"Pano ba yan gusto ko din si Salves?" Ani pa ng binata na kinadilim ng anyo ng kakambal.
"Lahat na lang talaga ng gusto ko Cadmus inaaga---."
"Bakit Mr.Perfect? May bago ba dun? Agawan lang naman tayo diba? Ang pinagkaiba lang ngayon nagkagusto tayo sa iisang tao ... bagay na hindi mabibili ng pera mo ... hindi mo napapaikot sa palad mo." Putol ni Cadmus bago tumalikod at buksan ang pinto.
"Anyway Callius." Ani ni Cadmus.
"Lumaban ka ng patas Callius dahil yun din ang gagawin ko pero once na masaktan si Astrid ... pasensyahan tayo ... kahit kakambal kita wala na akong sasantuhin."
"Tama ng inagaw mo ang buhay at pagkatao ko ng isang pagkakataon."
Ani pa ng binata bago tuluyang buksan ang pinto at lumabas ng silid.
Nang makalabas si Cadmus galit na tinapon ni Calliu lahat ng bagay na nasa lamesa.
---
*beep*
Kinuha ni Cadmus ang phone nito sa bulsa ng makalabas ito ng building pagkatapos tumunog.
"Ano nanaman kayang kagaguhan ang ginawa nina Alvis." Bulong ni Cadmus ng---.
"Sorry!"
Nahulog ni Cadmus ang phone nito ng may bumangga sakanya at dadamputin niya ito ng makuha yun ng babae at inabot sakanya.
"Ang lawak ng daanan Trinity nababangga ka." Pokerface na sambit ni Cadmus ng makita ang babae.
"Hindi ka man lang nagulat na nandito ako?" Komento ng babae habang patingin tingin sa likuran niya.
"Nakita ko kahapon si Cyan dito kaya hindi na ako magtataka kung nandito ka din." Bored na sambit ni Cadmus hanggang sa mapakapit sakanya ang dalaga ng may grupuhan ng lalaki na nanggaling sa C-lite ang papalapit sakanila.
"Cadmus baka pwede naman ibalato mo na saamin ang chikababes na nasa likuran mo." Nakangising sambit ng isa sa mga estudyante.
Hindi nagsalita si Cadmus kaya nilapitan nila ang babae.
"Sabing ayoko anong---."
"Arghhhh!"
Napasigaw ang lalaki na tatangkaing hawakan si Trinity at napaluhod ng baliin ng binata ang braso nito at sipain sa binti.
"Katulad niyo wala din akong hiya pero kahit kailan hindi ako nambastos ng babae." Bulong ni Cadmus bago tingnan ang apat pang estudyante na agad napaatras.
"Arghh! Tama na! Tama na titigil ma aray!"
Napahiyaw ang lalaki ng sipain siya sa likuran na agad namang tumakbo at nagkakandarapang humabol sa kasamahan.
"Hindi parke ang C-lite para gumala ka mag isa." Ani ni Cadmus bago ayusin ang suot nito at maglakad paalis.
"Teka Cadmus!" Napatigil si Cadmus ng hawakan siya ni Trinity sa braso na kinatingin ng binata.
"Wala kana ba talagang feelings kay Cyan? I mean bumalik na siya bakit parang balewala lang sayo." Ani ni Trinity pero hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon si Cadmus at nanatiling tahimik ng ilang segundo.
"Oy Gangster simula na ang---."
Naputol ang sasabihin ni Astrid ng makita nila si Trinity at Cadmus.
"Ahm nagkamali nanaman ba ako? Ikaw ba yan Mr.President." hindi siguradong tanong ni Astrid na kinapokerface ni Cadmus.
"Stupid." Bulong ni Cadmus.
"So? You are Astrid Salves." Ani ni Trinity bago bitawan si Cadmus at lapitan si Astrid na alanganing nakatingin sakanya.
"I'm Trinity Zaffiro." Nakangiting sambit ni Trinity at---.
"Trinity!" Sigaw ni Cadmus matapos sampalin si Astrid na napabagsak sa sahig.
"Mygosh hindi mo nailagan?" Hindi makapaniwalang sambit ni Trinity at tumingin kay Astrid na hawak ang pisngi at gulat na nakatingin sa babae.
"Ano bang iniisip mo Trinity at sinampal mo si Salves?" Naggigitgit na tanong ni Cadmus bago daluhan si Astrid na hindi makapag react.
"Bukod sa scholar siya ni protektahan ang sarili niya hindi niya magawa tapos yan ang ipapalit mo kay Cyan? Are you out of mind Acosta?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trinity na parang wala sa harapan niya ang dalaga.
"A-Ano bang nangyayari? Anong sinasabi---."
"Sino bang may sabing pinagpalit ko si Cyan Trinity?" Naiinis na sambit ni Cadmus ng makatayo si Astrid habang hawak ang pisngi niya.
"Walang gusto saakin si Cadmus ... sana naman bago ka manampal nagtanong ka muna." Reklamo ni Astrid na kinakunot noo ng dalaga.
"So? Dapat pala pag tinanong ni Trinity na kung pwede ka niya sampalin papayag ka?=_=." Sabat ni Cadmus na kinatingin sakanya ni Astrid.
"Yung relasyon nating dalawa ang tinutukoy ko! Hindi ako makapaniwalang masasampal ako dahil sayo." Hindi makapaniwalang sambit ni Astrid na may halong paninisi.
"Sino naman kasing tanga ang bigla bigla na lang susulpot."
"Oh ganun kasalanan ko pa? Kung sana kasi tumutulong ka sa booth at hindi nambabae hindi kita kailangang hanapin!"
"As far as iknow hindi ako nambabae. Wait nagseselos ka?" Parang nang aasar pa na tanong ni Cadmus.
"Ako magseselos? Sa isang katulad mo? Asa ka hindi kita type kamukha mo nga crush ko pero hindi ikaw ang tipo ko!bwisit."
Napaangat ang gilid ng labi ng binata ng mabibigat ang paang umalis si Astrid habang hawak ang pisngi.
"Iba ang sinabi mo sa nakita ko kanina Cadmus." Komento ni Trinity na kinawala ng ngisi ng binata.
"Bago mo pakialaman ang problema ng iba ayusin mo muna ang sarili mong problema." Makahulugang sambit ni Cadmus bago nakapamulsahang umalis sa lugar.
"Hindi ako makapaniwalang sobrang laki ng nasakripisyo ni Cyan para lang maipagpalit mo sa iba." Bulong ni Trinity bago tumalikod at humakbang palayo.
Patuloy lang sa paglalakad ang dalaga hanggang sa---.
"Trinity!"
Napatingin ang babae ng lakad takbong lumapit sakanya ang babae kasunod ang ilang kaklase nila.
"Saan ka ba pumupunta? Kanina ka pa namin hinahanap." Nag aalalang sambit ni Cyan.
"Sorry Cyan." Naiiyak na sambit ni Trinity.
"Anong sorry? Ayos ka lang ba? Sinabi nina Paulo nakita ka daw nila hinahabol ng mga C-lite students? May ginawa ba sila say--."
Naputol ang sasabihin ng dalaga ng yakapin siya ni Trinity.
"Naligaw lang ako ang laki kasi ng University na ito pasensya na." Bulong ni Trinity bago lumayo at tiningnan ang kaibigan.
"Ayos lang ako." Nakangiting sambit ni Trinity sa kaibigan matapos punasan ang pisngi.