Chapter 33
Astrid Salves's POV;
"Tapos na ang game bakit may mga Farell's student pa din dito na nagpapagala gala?" Tanong ko ng makakita ako ng estudyanteng nakasuot ng uniform ng Farell.
"Hindi ba naannounce sainyo na nagkasundo ang dalawang Student's council president na pagsabayin ang sport festival ng C-lite at Farell." Ani ni Aila matapos namin makababa galing sa palapag ng classroom niya.
"Ha? Pagsasabayin?" Tanong ko.
"Parang twin ng C-lite University ang Farell University magkapatid pa ang dalawang director ng parehong university." Sagot ni Aila.
"Inshort pinsan nina Callius at Cadmus yung magkapatid na Farell." Dagdag ni Cherrymae na kinalaki ng mata ko.
"Ibig sabihin school din ng Elite ang Farell?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Parang ganun ... parang hindi iba kasi ang level ng Farell lahat kasi ng estudyante dun kung hindi mga anak ng CEO, mga model,artista pati nga anak ng presidente o mga kilalang tao sa industriya o sa government andun. Inshort big time talaga ang mga nandun hindi pwedeng basta mayaman ka lang. Kaya nga pag nakakita ka ng mga Farell's students mapapaisip ka kung artist ba ito, ano kayang klaseng company ang hawak ng pamilya nito ganun." Ani ni Ashley.
"hihi kaya nga pag nakapangasawa ako ng kahit isa sa mga yan pwede na ako mamatay." Biro ni Ashley Morales isa sa called friend ni Aila na pinakilala niya sakin kani kanina lang.
Nakausap niya na daw ang mga ito sa pagbubuntis niya nagalit pa nga daw ang mga ito dahil iniiwasan daw sila na ginawa naman talaga ni Aila dahil natatakot siyang may makaalam o husgahan siya ng mga kaibigan.
Pero sa tingin ko naman mababait din ang mga ito kasi hindi sila mga nagreact ng ipakilala ako nashock pa nga daw si Aila kasi mangiyak ngiyak daw ang mga ito ng malamang buntis siya at tinakwil ng mga magulang nagpresinta pa silang tumulong kaya ito kami todo alalay sa buntis.
"Hoy Ashley kala ko ba crush mo si Marco?" Komento ni Cherrymae Jaylapit.
"Hindi na major turn off na ako sakanila pagkatapos ng ginawa ng kaibigan niya sa friend ko puro siya sarap." Sagot ni Ashley na kinatigil ni Aila sa paglalakad na kinatingin naman namin.
"Sorry Aila." bawi ni Asley ng mangilid ang luha ni Aila kaya mabilis namin siyang dinaluhan.
"S-Sorry medyo sensitive ako si baby kasi." Ani ni Aila.
Nakikita kong nahihirapan si Aila kitang kita ko lalo na sa expression nito.
"Aila andito lang kami okay? Lalaban kayo ni Baby." Ani ko na kinangiti niya bago tumango at punasan pisngi niya.
"Bubuhayin ko ang baby ko kahit na anong mangyari." Bulong ni Aila na kinangiti ko ng yakapin siya nina Cherrymae.
Matapos ng dramahan session namin sa department nina Aila sabay sabay kaming pumunta sa field para maglunch.
Napuno kami ng tawanan at kwentuhan ng lunch na yun na sa unang pagkakataon may natawag akong circle of friends.
"Hoy haha ayoko na ang sakit na ng tiyan ko." Reklamo ni Aila na ayos mamatay sa katatawa dahil sa pagkukwentuhan namin tungkol sa mga kalokohan ko nung elementary pati na din sina Cherrymae na halos gumulong sa katatawa.
"Tapos alam niyo ba nung nakabili na ako ng ice cream sa labas nung pagpasok ko sa gate eh di hawak ko na yung pundilyo ng palda ko na napunit. Hinarang ako ng gwardya pano daw ako nakalabas ... sa takot ko nun mapaguidance tumakbo ako habang hawak yun at dahil sa pagkataranta ko nahulog yung ice cream sa mismong sapatos ko." Kwento ko.
"Hahaha eh di ang lagkit nun." Ani ni Cherrymae.
"Malagkit at malami---."
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Allen Freya na nakapamulsahang naglalakad palapit sa'min.
"Oy kwento kana ano pa? Tapos anong nangyari?" Tanong ni Ashley matapos kong tumayo ng tumigil si Allen sa likuran ni Aila.
"Bakit---."
Sabay na napalingot sina Cherrymae at Ashley sa likuran nila katulad ko napatayo din ang mga ito.
"Aila mag usap tayo." Ani ni Allen matapos alalayan namin si Aila na tumayo dahil medyo nahahalata na ang tiyan ni Aila.
"Para saan? Para sabihin mo nanamang ipalaglag ko ang baby?" Paanas na sambit ni Aila.
"Wag tayo dito Aila baka may makarinig dun tayo sa opisina ko." Ani ni Allen pilit kong binabasa ang expression niya maliban sa takot at inis wala na.
"Bitawan mo ako ano pa bang dapat natin pag usapan?" May diing sambit ni Aila bago hilahin ang kamay niya.
"Allen mawalang galang na pero hindi pwedeng mastress masyado si Aila buntis siya." Sabat ko dahil nakikita kong naiiyak na si Aila.
"Astrid wag ka ng mangialam dito labas kayo dito baby naming dalawa ang nasa sinapupunan ni---"
"Na gusto mong patayin." Napatingin kami pare pareho ng nakapamulsahang lumapit saamin si Alcide na may hawak na plastic bag sa isang kamay.
"Nakapag desisyon na si Padernal sa anak na sinasabi mo bubuhayin niya yun kung inaakala mong guguluhin ka pa niya dahil sa baby niyo. Back off dude ako umaako ng responsibility mo bilang ama sa baby na sinasabi mo ... see ako ang bumibili ng mga pagkain kung saan siya nacacrave." Dagdag ni Alcide bago ibaba ang hawak niya sa puting kumot na nilatag namin.
"Keep that freaking image of yours Freya at layuan mo na si Padernal kung ayaw mong magkatalo tayo." Hindi ko nakikita ang mukha ni Alcide pero base sa pag galaw ng balikat nito nagagalit na ito.
"Hindi pa tayo tapos." Kalmadong sambit ni Freya bago tumalikod at umalis.
Nang makaalis si Allen mabilis namin naalalayan si Aila ng mapaupo ito at naiiyak na tumingin sa likuran ni Allen.
"H-Hindi ako makapaniwalang binigay ko ang lahat sa gagong yan." Mangiyak ngiyak na sambi ni Aila.
"Wag ka ng umiyak." Ani ni Ashley matapos yakapin si Aila.
Nang tingnan ko naman si Alcide napapailing na lang itong tumalikod at nakapamulsahang lumayo.
"Anong gagawin ko Astrid sigurado one of this days mahahalata na nilang buntis ako." Ani ni Aila matapos kong lumuhod sa harapan niya.
"Hindi ko pwedeng isuggest na tumigil ka Aila dahil malapit na din matapos ang school year." Makahulugang sambit ko.
Katulad ng sinabi ni Aila iba ako sakanila hindi ko sila maiintindihan kasi wala naman akong iniingatang pangalan. Wala akong image na dapat protektahan ... minsan nagpapasalamat na lang talaga ako na hindi ako pinanganak na mayaman ... masyado silang kumplikado.
3rd Person's POV;
'Ang blacksphere yun diba?'
'Mygosh ang gwapo talaga nila.'
Kabila kabila ang bulungan ng mga Farell's students ng makitang papasok ng gate ang tatlo sa Blacksphere.
'Alam niyo ba kamukhang kamukha ni Cadmus yung kakambal niya na school president ng C-lite.'
'Oo nga nakita ko siya kaninang umaga.'
'Badboy look lang si Cadmus pero kyaah ang gwafuu.'
"Bakit pala wala sina Venedict at Alcide?" Tanong ni Dwayne ng makapasok sila sa university.
"Ngayon daw kasi ang opening ng pinatayo niyang studio sa Batanggas pero sabi niya before lunch andito na siya. Si Alcide naman siguro dinalhan niya ulit ng pagkain yung babae kung hindi ko lang kilala si Alcide iisipin kong type niya yung newfriend ni Astrid." Ani ni Alvis.
"Bakit ang dami yatang Farell dito kahapon pa tapos ang game." Out of the blue na tanong ni Alvis ng makita ang mga babaeng halos hubaran sila ng tingin.
Hindi nagsalita si Cadmus pero nanatili itong nakatingin sa kakambal kasama ang grupo nitong miyembro din ng councils na nakatayo hindi kalayuan sa building ng highschool kausap ang ilang Farell students at C-lite.
Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa---.
"Cadmus."
Napatingin si Cadmus ng marinig niya ang boses ng kakambal.
"Mag usap tayo." Ani ni Callius ng makalapit ito sa kapatid.