Chapter 32
3rd Person's POV;
"Lunch break na guys mamaya na yan." Ani ng class president kina Astrid na nag gugupit.
"Sa wakas nakapag pahinga din."
"Kyaah tara girls siguradong nasa Campus pa yung mga gwapong nasa Farell."
"Tara bilis."
Napailing na lang sina Aila at Astrid ng mabilis na magtakbuhan ang girls palabas.
"As if naman papatulan sila ng mga yun." Pabulong bulong na sambit ni Aila.
"Wag ka nga malay mo naman Aila andun na ang right person para sayo." Biro ni Astrid na kinangiwi ng dalaga.
"Wala na akong balak patungan ng isa pang katangahan ang katangahan ko." Ani ni Aila bago sapuin ang sinapupunan niya at ngumiti.
"Sapat na saakin ang batang ito para makasama habang buhay." Dagdag ni Aila na kinangiti ng dalaga.
Maya maya---.
"Hoy babaeng butete andito na yung pakwan, bayabas at cake na walang icing." Napatingin ang dalawa ng pumasok si Alcide na hinahabol ang hininga habang may hawak na plastic bag.
"Tangna mo talaga anong butete? At sinong may sabing gusto--- ko nan."
Hindi maiwasang mapangiti ng nakakaloko si Astrid ng sunod sunod ang paglunok ni Aila ng makita ang mga pagkain na nakapag pag crave sakanya.
"Sa susunod kasi na magrereklamo ka sa Cafeteria wag sana yung merong nakakarinig." Ani ni Alcide na kinakagat labi ng dalaga bago umupo ulit at kumuha ng bayabas.
"Napakachismoso mo talaga." Ani ni Aila pero wala na dun ang bahid ng inis o ano.
"Alcide dito ka muna ah may pupuntahan lang ako." Paalam ni Astrid.
"Oy sasama ako saan ka pupunta?" Tanong ni Aila tatayo ito ng---.
"Sa ladies room babalik din ako agad Pangiti ngiting sambit ni Astrid na kinapokerface ni Alcide matapos siyang tingnan ng nakakaloko ng dalaga.
"Astrid naman eh wag mo ako iwan---."
Hindi na narinig ni Astrid ang sasabihin ng dalaga ng isara nito ang pinto at pangiti ngiting umalis.
Habang naglalakad hindi nito maiwasang matawa ng maalala na iniwan nito ang dalawa sa itaas.
"Saan naman kaya ako pupunta ngayon?" Tanong ng dalaga habang naglalakad lakad palabas ng building.
"Hi!"
"Kyaah ang gwapo."
Napailing na lang si Astrid ng makita ang mga kumupulan ng babae sa labas ng building at inaabangan ang mga estudyante ng Farell University.
Matapos lampasan ang mga babae na nagkukumpulan nahagip ng mga mata nito si Cadmus na nasa pinakasulok ng soccer field kung saan may malaking puno.
"Anong ginagawa ng gangster na yun?" Bulong ni Astrid bago humakbang at naglakad palapit sa binata na kasalukuyang nakaupo sa lilim ng puno.
"Oy Gangster." Ani ni Astrid na kinaangat ng tingin ng binata.
"Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong ni Cadmus.
"Ito oh." Ani ni Astrid matapos kuhanin nito ang chocolate bar na nasa bulsa.
"Kung galing yan kay Callius itago mo na lang." Paismid na sagot ng binata bago humilig sa puno.
"Alam mo ang sama talaga ng ugali mo sa tingin mo bibigyan kita ng binigay ni Callius? Ikaw na nga binibigyan ikaw pa nag susungit." Naiinis na sambit ni Astrid.
"Kumain ka nito pag kasi may problema ako kumakain lang ako ng nito gumagaan na pakiramdam ko."
"Tsk sa tingin mo may problema ako?" Naasar na sambit ni Cadmus bago hablutin ang hawak na chocolate ni Astrid.
"Ang dami mo ding sinasabi kukuhanin mo din naman =_=." Ani ng babae.
---
"Napapadalas yata ang pagsunod sunod ni Cadmus kay Astrid." Komento ni Marco ng makita si Callius na nasa railing sa pang apat na palapag sa harap ng opisina nito habang nakatingin kina Cadmus at Astrid.
"Hindi na ulit ako makakapayag na may makuha ulit saakin si Cadmus hindi na." Nagdidilim ang anyong sambit ni Callius.
"Mr.President." napatingin si Callius matapos ipakalma ang sarili.
"Gusto ka daw makausap ng isa sa mga Farell." Ani ng babae habang namumula ma nakatingin kay Callius na agad ngumiti.
"Sige pupunta na ako." Sagot ng binata.
---
"Ayos ka lang Cyan?" Tanong ng kasama nitong babae habang makatingin sa dalawang tao na nasa Field.
"Trinity hindi ako okay, nagseselos ako sa nakikita ko ngayon." Puno ng hinanakit na sambit ni Cyan.
"Walang araw na hindi ko hinintay ang araw na ito, yung makita ko ulit si Cadmus ... makasama siya ulit pero mukhang malabo ng mangyari---."
"Cyan walang sila, nililigawan yan ni Callius at isa pa mukhang wala namang special sa babaeng yan nerd pa sa tingin mo ipagpapalit ka ni Cadmus sa ganyang babae." Putol ni Trinity na kinatingin ni Cyan.
"Trinity wag kang ganyan." Mababa ang boses na sambit ni Cyan na kinaismid ng dalaga.
"Ang akin lang hindi ka dapat magselos sa ganyang babae ... look maganda ka ... sobrang ganda, mabait, mayaman at matalino ano pa bang hahanapin sayo ng ibang lalaki. Once na kausapin mo yan si Cadmus siguradong babalik yan sayo." Pagchicheer ng dalaga sa kaibigan na kinangiti ng konti ni Cyan.
"Sana nga Trinity kasi hindi ko alam ang gagawin ko once na ayawan ako ni Cadmus." Bulong ng dalaga.
Astrid Salves's POV;
"By the way ito plan sa booth natin." panimula ng class president bago pumunta sa unahan at mag dikit ng isang tarpaulin.
"Katulad ng alam niyo horror booth ang napunta saatin. Sa horror booth siyempre andiyan ang mga ghost,vampire,monster and siyempre andiyan yung nakakatakot nating backgroud."
"So? Any suggestions? Kailangan din natin ng mga tao na magcocostume."
'Yak as if naman mapapacostume niyo ako.'
'Ako na lang bahala magbayad sa mga gagamitin natin.'
'Ako na sa tickets.'
"Guys kailangan niyo magcostum, kailangan natin ng mga mananakot."
'Arghh basta ako ayoko.'
'Ako na lang sa make ups.'
'Mag babayad ako sa costumes.'
=_=. Mga mayayaman nga naman dahil ayoko maging kulelat ang section namin nagtaas ako ng kamay.
"Ako na sa white lady." Pagpiprisinta ko na kinangiti ng class president namin.
"Okay may isang ghost---."
'Haha mas bagay siyang monster or whitch.'
'Oo nga monster na---.'
"Gusto niyo kulamin ko talaga kayo gawin ko kayong palaka at hito." Pikon na sambit ko sa mga kaklase ko.
'Pumapalag! Pumapalag haha!'
'Ang kapal ng mukha palibhasa nililigawan ni Callius.'
'Akala mo kung sino.'
Nang mag simula na sila magsabi ng kung ano ano sak---.
"Vampire ako."
Napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas yun at pumasok sina Cadmus.
"Ha?" Ulit ni Francis na nasa unahan ng tuloy tuloy pumasok sa room.
"Bingi ka ba? Sabi ko vampire ako sasali ako sa booth activity." Naiiritang sagot ni Cadmus na nasa likuran na ng upuan ko.
"Sasali tayo? Sumali na tayo sa sport game diba?" Ani ni Alvis.
"Wala naman akong sinabing sumali kayo nagprisinta ako." Sarcastic na sagot ni Cadmus.
"Oww ganun ako si ano ...si ano ano bang mga character pa ang kailangan?" Tanong ni Alvis saakin.
"Yung skeleton, patay na nasa loob ng kabaong, taong napuputol ang ulo tapos si kamatayan." Sagot ko bago ituro yung nasa white board.
'Ohmy! Sasali ang blacksphere!'
Napapokerface ako ng mag sitaasan na ng kamay ang mga kaklase kong babae para sumali.=_=