Chapter 4

1044 Words
Chapter 4 3rd Person's POV; "Magkaklase pala tayo same sched." Komento ni Callius ng tingnan nito ang schedule ng dalaga matapos nilang mag-ikot." "Waah talaga?buti naman atleast may kakilala ako." Tuwang tuwa na sambit ni Astrid na kinangiti ng binata. "Tara na baka malate pa tayo sa klase natin." Yaya ng binata na kinangiti ng malapad ng dalaga habang ang ilang babae na nadadaanan nila ay palihim na sinasamaan ng tingin ang dalagang parang batang pinagmamasdan ang student council President. "Mukhang may tranfer student nanaman." Bulong ng isa grupuhan ng mga babaeng ngayon ay nakatingin kina Astrid at Callius na naglalakad palayo. "Walang sino man ang pwedeng umagaw ng atensyon ni Callius saakin." Astrid Salves's POV; Habang nakatayo dito sa unahan hindi ko maiwasang kabahan lalo na ng masalubong ko ang mapanuri nilang mga mata. "Ms.Salves introduce yourself." Pukaw ng prof namin na kinapitlag ko dahil talagang kinakabahan ako. Hindi naman ako ganito sa mga pinanggalingan kong eskwelahan punong puno ako ng confidence dahil matalino naman ako at alam kong kayang kaya ko makipag sabayan pero iba dito. Status and beauty na ang labanan dito at wala ako nun pareho. "Ahm I-Im Astrid Salves 19 y-years old." Nauutal na pagkakasambit ko bago tingnan si President na nakangiti at parang sinasabing kaya ko ito. "I hope we can be friends." Ani ko bago yumuko at ng mag angat ako ng tingin no reaction hanggang sa may nagtaas na kamay na babae. "Anong brand ng dala mong bag?" Tanong nung babae na kinakunot ng noo ko. Brand? Ano bang brand sinasab --- great hindi nila alam na scholar ako. "Ahm nabili ko lang ito s---." *blaag* Napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas yun at walang kaano anong pumasok yung kamukha ni Mr.President na mukhang gangster. "Tumabi ka nga pahara hara ka." Nagdidilim ang anyong sambit niya bago ako tabigin patabi. 's**t!' Mura ko sa isipan ko ng tabigin niya ako at muntikan na akong matumba sa mga estudyanteng nakaupo sa unahan. "Ano ba lumayo ka nga?!" Mataray na sambit ng isa sa mga estudyanteng nanduon bago ako itulak palayo. "Ano bang problema mo? Pwede ka naman magsabi ng excuse bakit ka nanunulak!" Singhal ko na kinatigil ko din ng mapasinghap ang mga estudyanteng nasa loob. "Anong sabi mo?" Walang emosyong tanong nung lalaking mukhang gangster bago ako lingunin. 'Great Astrid kasasabi mo lang kanina na puro aral lang gagawin mo. Una nagkacrush kana agad kay Mr.Perfect student Council President pangalawa mukhang mapapaaway ka sa kamukha ng crush mong pinaglihi sa sama ng loob.' "Kilala mo ba kung sino binabangga mo?" Tanong ni Mr.Gone Wrong hard headed Gangster na kinaatras ko ng mabibigat ang paang lumapit saakin at hablutin ang kwelyo ng suot kong uniform at halos maiangat niya ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "Ang lakas ng loob mong sumagot bakit sino ka ba?" Ani niya na kinalamig ng buong katawan ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang takot gusto ko sumigaw at tumakb---. "Bitawan mo siya Cadmus." Ani ni Mr.President pagkatapos akong alalayan sa likod at itulak yung mukhang gangster niyang kapatid na napaatras at nabitawan ako. "Huh! Kailan ka ba titigil sa pangingialam mo Callius ha? Nakita mo ba ginawa at sinabi ng putanginang estudyante mo." Nanggagalaiting sambit niya bago mag angat ng tingin. Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng sobrang takot kitang kita ko na galit na galit siya para siyang papatay. "Isa ka din naman kasing bastos diba? Lahat na lang ng humahara sa daan mo tinutulak at binabalya mo sumusobra kana Cadmus." "T-Teka tama na." Kinakabahang pigil ko sa dalawa na kinatingin nila saakin pareho. "Hindi pa tayo tapos babae." May bahid na pagbabanta na sambit ng kakambal ni Mr.President na imbis pumasok naglakad ito palabas ng Classroom at binalibag ang pinto. "Pasensya na sa ginawa ng kakambal ko." Ani ni President ng magsibalikan na sa upuan ang mga magiging kaklase ko. Kahit si prof nakahinga ng maluwang ng umalis yung lalaki ganun din ba sila katakot sa lalaking yun kahit yung advicer namjn hindi nakagalaw. "We can proceed our next lesson." Anunsyo ni prof bago ilatswera ang kamay at paupuin ako. Wala akong nakikitang vacant seat. I mean meron naman pero nakikita kong nilalagay nila yung bag nila sa tabi ng upuan nila its means ayaw nila ako patabihin. "Psst." Napatingin ako sa hindi kalayuan sa pwesto ko ng may babaeng kumaway at ngumiti saakin. "Dito ka may vacant seat." Ani niya na kinangiti ko bago mabilis na naglakad palapit sakanya. Tinanggal niya yung bag niya sa katabi niyang upuan at tinapik yun. "Upo kana." Nakangiti niyang sambit. "Salamat ah akala ko buong klase ako tatayo." Ani ko bago umupo at tingnan yung babaeng nagpaupo saakin. "I'm Teressa Menesses and you are?" Tanong niya pagkatapos ilahad ang isa niyang kamay. "Astrid Salves." Nakangiting sagot ko bago abutin yun. "Nakita ko ang nangyari kanina kung ako sayo hindi ko gagalitin si Cadmus kahit kasi babae pinapatulan nun." Ani ni Teressa na kinakamot ko sa pisngi bago ayusin ang suot kong salamin. "Nabigla din kasi ako." Sagot ko na kinangiti niya. "Its okay transferee ka kasi pero sa susunod wag mo ng uulitin yun baka mapahamak ka o bigla na lang makick out." Ani ni Teressa na kinatingin ko sakanya. Maganda si Teressa may pagkastrict ang mukha pero mukha namang mabait. "Wait makick out?" Nakakunot ang noong tanong ko. "Si Callius at Cadmus ang anak ng school director ng C-Lite sapat ng reason yun para makick out ka kung may hindi ka gawing maganda sa kambal na Acosta." Sagot ni Teressa habang nakatingon sa unahan na kinalaki ng mata ko. 'S-Sila ang m-may ari ng C-Lite? "Kaya pala hindi naka uniform yung kakambal ni Mr.President siya pala ang batas." Ani ko na kinatawa ni Teressa bago ako tingnan. "Kaya nga mas dapat mo siyang iwasan pasalamat ka andiyan palagi si Callius kung hindi naku patay ka ... wala kasing sinasanto yun si Cadmus ... alam mo bang yung prof natin ngayon pang walo na siya sa mga teacher na humandle sa section natin? Pito na kasi ang nagresign mula ng magsimula ang first sem at lahat yun dahil kay Cadmus." Dagdag ni Teressa na kinalunok ko. 'K-Kung iiwasan ko naman siya w-wala namang mangyayari diba.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD