Chapter 5

927 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; "Napapadalas yata ang pagkakabanggaan ng kambal." Komento ng binatang nagbato ng bola sa ere at mabilis na hinampas. "Lakas din kasi ng trip ni tito Carlos alam ng hindi nagkakasundo sina Cadmus at Callius pinagpipilitan pang pagsamahin yung dalawa sa C-lite." Sagot ng isa pang binata na kasalukuyang nakaupo sa bench. "Alcide hindi mo magagawan ng paraan?" Tanong pa ng binata bago isandal ang sarili sa bench at tingalain ang nangangalang Alcide na pretenteng nakatayo sa likuran ng mga bench habang nakapamulsahan. "Pasensya na guys dahil sakin kay---." "Tumigil kana nga Alvis wala kang kasalanan alam din naman naming hindi ka sinisisi ni Cadmus." Putol ng binata. "Pahiram nga nan Dwayne." Napatingin ang apat na binata ng biglang sumulpot ang binatang si Cadmus at walang kaano anong hampasin ang bola na nanggagaling sa isang makina ... gamit ang baseball bat. "May klase ka ngayon Cadmus diba anong ginagawa mo dito?"tanong ng ng nangangalang Alvis. Hindi nagsalita ang binata at patuloy lang ito sa paghampas ng bola na kinabuga ng hangin ng apat ng binata at tahimik na lang na pinanood ang leader na patuloy lang sa paghampas ng bola sa sport gymnasium ng C-Lite. --- "Aattend po ako ng Remidial class?" Ani ng dalaga ng kausapin sila ng prof nila pagkatapos ng klase ng araw na yun. "Oo Ms.Salves kailangan mo kasing itake yung mga lesson,quizes at exams na hindi mo nakuha nung first sem kaya tuwing after class pupunta ka sa library. Ibigay mo itong note sa librarian para dalhin ka niya sa room kung saan yung next class mo." Sagot ng prof ng dalaga bago iabot ang isang sulat na kinatango ng dalaga. "Sige po ma'am." Nakangiting sambit ng dalaga bago tumalikod at maglakad palabas ng classroom at--. "Oy." "Ay palaka!" Sigaw ng dalaga matapos mapatalon ito sa gulat na kinatawa ng babaeng bigla na lang sumulpot sa harap niya. "Terresa naman nakakagulat ka." Ani ng dalaga habang hawak ang dibdib niya. "Haha hindi naman kita ginulo nag oy lang ako anyway narinig ko kayo nina ma'am may remedial class ka?" Tanong ni Terresa na kinatango ni Astrid. "Yup papunta nga ako dun ngayon 2 hours lang naman daw ang remedial ko." Sagot ni Astrid na kinangiwi ni Teressa bago sabayan sa paglalakad ang kaklase. "Yung totoo Astrid may witch bang sumusumpa sayo like yung sa mga fairytales." Tanong ni Teressa na kinakunot noo ng dalaga bago tapunan ng tingin ang bagong kaklase. "What do you mean?" Tanong ng dalaga. "Usap usapan sa buong department na nasa remedial class lahat ng members ng blacksphere. Nagsimula na sila last week at siguradong nandun sila ngayon para magtake din ng mga lessons na nalampasan nila nung first sem." Sagot ni Teressa. "Blacksphere?" Tanong ng dalaga. "Duhh yung grupo nina Cadmus ang tinutukoy ko." Sagot ni Teressa na kinalaki ng mata ng dalaga at nabitawan pa nito ang hawak na papel sa nalaman. Astrid Salves's POV; Sa loob ng 2hours na yun hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil ramdam na ramdam ko ang mga tingin ni Cadmus mula sa kabilang bahagi ng silid kasama ang buong grupo niya. 'Ang Lithium ay isang chemical blahblah~' Buong klase ni isang word sa tinuro ng oras na yun walang pumasok sa utak ko. Tense na tense ako at gusto ko na talaga umuwi kahit sa bahay na ako mag aral ayos lang wag lang ako mastock sa classroom na puro gangster ang kasama ko. 'Oo gangster dahil nandun lang ay ako at ang buong grupo ni Cadmus jusko lord ano bang ginawa ko para parusahan niyo ako ng ganito. Masama bang maghangad ng simpleng buhay makapag aral sa magandang eskwelahan at mabigyan ng magandang buhay sina papa at mama.' "Class dismissed." Ani ni Prof bago ligpitin ang mga gamit niya. Kahit buhay ko na ang nakasalalay dito hindi naman ako bastos para unahan ang teacher palabas kaya nag antay muna ako habang nililigpit ang mga gamit ko. Kahit pinagpipiwasan at nanginginig nagawa ko namang tumayo at kuhanin ang bag ko. "Hoy babae." 'Holyshit!' Mura ko sa isipan ko ng makalabas si prof mabilis akong lumapit sa prof at bubuksan ko na yun ng--. "Ohmygod!" React ko ng magsara ng pinto ng bubuksan ko yun at alanganing umikot paharap hanggang sa mapako ang tingin sa dibdib ni Cadmus na nakayuko habang ang isang kamay nito ay nasa taas ng ulo ko. "Ahm hi?hehe." Ani ko ng mag angat ako ng tingin dahil sa kapre talaga siya kailangan ko pang tumingala at ng magtama ang mata namin. Wala itong emosyong nakatingin saakin. "Where the f**k are you going?" Tanong niya na kinalunok ko ng sumama ang tingin niya saakin huhu ito na ba ang katapusan ko. "L-Lalabas? U-Uuwi?" Nauutal na sagot ko na kinadilim ng anyo niya. "Alam mo ba kung ilang beses ako napahiya sa araw na ito ha?babae?" Naggigitgit na tanong niya na kinangiwi ko. 'Hindi ko naman kasalanan yun ah yung kakambal niya ang --- great nabangga ko siya at sinigawan. Pero hindi naman yun issue dito at bakit niya yun binibigdeal.' "Alam mo ba ang nangyayari sa mga taong kumakalaban sakin?" May diing tanong niya bago hawakan ang kwelyo ng suot kong uniform at ilapit sakanya. Dahil sa takot mabilis kong inigkas ang paa ko at---. "Holyshit mother fucker!!" "Cadmus!" "Hala sorry!" Sigaw ko na kinatalon ko ng magtayuan ang mga kagrupo niya matapos kong sipain ang iniingat ingatan ng leader nila. "Sorry talaga!" Sigaw ko bago mabilis na binuksan ang pinto at nanakbo palabas. 'Gaga ka Astrid!nasaan na yung iiwasan mo siya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD