Chapter 3

759 Words
Chapter 3 Callius Acosta's POV; "Ngayon daw ba yung pasok ng transferee?" Tanong ni Allen. 'Goodmorning president.' 'Morning pres.' 'Kyaah ang gwapo nila.' "Goodmorning." Nakangiting sambit ko. "Ngayon daw kaya mas mabuting salubungin na natin at maiikot niyo sa buong school." Sagot ko. "Hindi ako makapaniwalang may nakapasa na scholar dito imean hindi ganun kadali ang entrance exam dito." Komento ni Angelo. "Mukhang may binubully nanaman kapatid mo Callius." Komento ni Marco habang nakatingin sa hallway na papuntang highschool department. "Tara na." Ani ko bago lumapit kung nasan ang grupo ni Cadmus na pinalilibutan yung babaeng nakaupo sa hallway. "Hey are you okay?" Tanong ko bago iabot ang kamay ko para tulungan siya. Pabalik balik ang tingin niya saamin bago mabilis na tumayo at pinulot ang mga gamit niya. "P-Pasensya na n-naliligaw kasi ako." Nauutal na sambit niya habang nakayuko. "Sa susunod wag patanga tanga ang lawak lawak ng hallway nababangga ka---." "Cadmus wag ka nga gumanyan sa babae ... magkaroon ka man lang sana ng respeto kahit sa mga babae lang." Saway ko kay Cadmus na kinagusot ng mukha ng kakambal ko bago ako tapunan ng tingin. "Pwede din ba kahit minsan manahimik ka pagnagkakasalubong tayo nabubwisit kasi ako ako pag may nanenermon sakin specially kung galing sa MR.PERFECT na tulad mo." Naiinis ma sagot niya bago nakapamulsahang umalis kasunod ang mga kagrupo niya. "Sorry." Napatingin ako sa babae na nakayuko. "Wala kang kasalanan Ms.Salves." ani ko na kinaangat niya ng tingin bago umiwas at ayusin ang salamin niya. "Pano niyo nalaman pangalan ko?" Tanong niya na kinangiti ko bago iabot ulit ang kamay ko. "Callius Acosta, Student council President ng C-Lite University." Nakangiting papagpapakilala ko na kinalaki ng mata niya. "Gosh ahm ... Astrid Salves." Pagpapakilala niya bago namumulang inabot ang kamay ko na kinatawa ko ng mahina dahil ang cute niya. "Salamat ulit President dahil dumating kayo yung lalaking yu---." "Yun si Cadmus kakambal ko pasensya na din ganun talaga ugali nun kaya mas mabuting pagnakakasalubong mo siya. Tumabi o iwasan mo na lang." Putol ko na kinatango niya. "Hmm mamaya pa ang klase." Ani ko habang nakatingin sa wrist watch ko. "May 1 and 30 minutes pa tayo para maiikot ka sa buong campus." Dagdag ko na kinalaki niya ng mata. "Maraming salamat po talaga." Ani niya na kinangiti ko. Bilang Student council president responsibilidad kong maibigay lahat ng pangangailangan ng mga estudyante sa eskwelehan at maging good model sa harap ng lahat. Astrid Salves's POV; Akala ko puro kamalasan na lang ang mangyayari saakin ngayong araw na ito ... mali pala ako. "Ito yung library ng campus nagbubukas ito bago magsimula ang klase,breaktime and lunch ... pwede ka dito pumunta anytime ibigay mo lang yung I.D mo sa librarian." Explain ni Mr.President na kinatango tango ko habang nakatingin sakanya. 'Ang bait niya tapos ang gwapo gwapo pa mukha din siyang responsable. Ibang iba dun sa mukhang adik na nakabangga ko =_= nabangga lang galit na galit parang gusto na akong gilitan ng leeg.' "Ang mga estudyante dito galing lahat sa Elite family dahil sa scholar ka malaki laking adjustment ang kailangan mong gawin para makatagal ka dito." Makahulugang sambit ni Mr.President na kinatingin ko. "Adjustment?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at ngumiti lang bago bahagyang guluhin ang buhok ko at tumalikod. 'Ohmygosh.' Napakurap ako habang nakatingin sa likuran ni Mr.President. 'Ano ba Astrid? Maghulusdili ka nga andito ka para mag aral hindi lumandi. Kahit saksakan yan ng gwapo at hotness hindi ka pwedeng bumigay.' Saway ko sa sarili ko bago parang tangang sampal sampalin ang sarili ko at tumakbo palapit kay Mr.President na nakapamulsahang naglalakad habang ang ilang estudyanteng nandito sa hallway halos mabali na ang leeg katitingin kay Mr.President. Hindi ko sila masisisi bihira lang ang ganitong lalaki kahit una ko pa lang siya makita masasabi ko ng sobrang bait niya. Napailing iling ako 'Wala pa kayong isang araw nagkakakilala Astrid kaloka ka kung makapag salita parang kilalang kilala mo na.'. "Ito naman ang music room ginagamit ito sa nga club or mga subject na related sa music. Complete ang music instrument dito kung may kulang naman magagawa natin agad ng paraan ... May alam ka bang tugtugin?" Tanong ni Mr.President na kinakurap ko. "Ha?ah ano ahm---." "Haha kanina pa ako nageexplain hindi ka naman yata nakikinig." Natatawang sambit ni President na kinakamot ko sa pisngi. "Ahm pasensya na pero nakikinig ako hehe." Alanganing sagot ko na kinangiti niya lang bago maglakad ulit. 'Kaloka ngiti ng ngiti wag kang ganyan kuya baka maiuwi kita ng wala sa oras ... ay char lang haha.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD