Chapter 2
3rd Person's POV;
"Ineng sigurado ka bang ito yung eskwelahan na pupuntahan mo ngayon?" Tanong ng tricycle driver na sinasakyan ng dalaga.
"Ah opo manong yan po kasi yung address na pinadala po sakin." Ani ng dalaga hanggang sa huminto sila sa isang guard house na may malaking gate.
"Bakit manong?" Tanong ng dalaga bago tumingon sa labas.
"Hanggang dito na lang ako ineng private property kasi iyan." Sagot ng matanda na kinakunot ng noo ng dalaga bago lumabas.
"Po?sigurado kayo manong ito na yun?" Tanong ng dalaga bago tingnan ang loob ng gate na pinagtigilan ng driver.
"Itanong mo na lang sa gwardya ineng." Sagot ng driver bago magdrive paalis.
"Ineng estudyante ka ba dito?"
Astrid Salves's POV;
Napatigil ako ng parang may nagsalita kaya luminga linga ako.
"Manong nasaan po kayo?" Tanong ko hanggang sa makarinig ako ng tawa at narinig ko yun sa---.
=_=. Great may maliit na speaker sa side ng gate.
"Mukhang bago ka nga." Napatingin ako ng matandang nasa 30s ang lumabas sa guard house at may kung anong pindutin para bumukas ang gate na nasa harap ko na kasya lang para sa isang tao.
"Transferee?" Tanong ni Manong bago lumapit saakin at tingnan ang I.D na suot ko.
"Ngayon na lang ulit ako nakaencounter ng isang scholar sa C-Lite." Nakangiting sambit ni manong bago bitawan ang I.D ko.
"Manong nasan po yung school?" Tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid.
Maliban sa kalsada at mga nagtataasang mga puno at mga bulaklak wala na akong makita pero infairness ang ganda.
"Medyo malayo pa yun dine ineng kailangan mo pa maglakad wag kang mag alala hindi ka naman maliligaw kasi kahit anong daanan mong kalsada sa harap ka pa rin ng school mapupunta." Ani ni Manong ng---.
*beeep!*beeep*
Napangiwi ako ng makarinig ako ng sunod sunod na busina.
"Lagot!" Napatakbo si manong sa guard house ng may makita kaming tatlong magagarang kotse sa labas ng gate.
Nang automatic na bumukas yun huminto yung isa sa guard house at---.
"Manong!ang tanda tanda niyo ja magretired na nga kayo malalate kami dahil sainyo bwisit." Ani ng estudyante mula sa kotse ng ibaba nito ang bintana at tingnan ng masama si manong.
"Mayayaman nga naman." Naiinis na bulong ko bago lapitan si manong na nasa loob matapos umalis ng kotse.
"Manong lahat ba ng estudyante sa C-lite ganun?" Tanong ko na kinatingin ni manong na nagkakamot sa ulo.
"Mayayaman lahat ng estudyante sa loob ineng at sila ang nagpapasweldo saakin kaya---."
"Pumapayag kayong ganun?" Nakakunot ang noong tanong ko.
"Kung may dapat kang isinipin ineng yung sarili mo na yun dahil ako tuwing papasok lang sila makikita. Pero ikaw makakasama mo sila araw araw kaya dapat mag ingat ka." Nakangiting sambit ni manong..
"Lahat ba ng estudyante sa school na yun ganun manong?" Tanong ko kay Manong.
"Hindi naman ineng dahil may kilala naman akong sobrang bait kahit sa C-lite nagaaral." Nakangiting sagot ni Manong na kinangiti ko.
"Sana po mameet ko siya minsan hayaan mo manong pag papasok ako dadaanan ko kayo dito at makikipagkwentuhan pag mas naagahan ko malalate na po kasi ako." Ani ko na kinatawa ni manong.
"Oh siya iha magiingat ka." Ani ni manong na kinangiti ko.
"Opo manon salamat po ulit." Ani ko bago yumuko at kumakaway na umalis.
Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng paligid.
Ang daming maliliit na bulaklak ang naglalaglagan sa mga puno at ang gaganda ng mga bulaklak sa bawat gilid ng kalsada.
Ang kaso lang malungkot maaga pa naman pero wala akong mga nakikitang estudyanteng naglalakad at puro magagarang sasakyan lang ang nakikita kong dumadaan.
Marami akong naririnig sa C-Lite University sikat ito dahil halos lahat ng estudyante dito galing sa Elite family at nagmamay ari ng malalaking business sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Bihira lang din tumanggap ng mga scholar dito sa isang taon isang scholar lang ang tinatanggap dito at kung makapasa ka swerte mo dahil hindi mo na kailangan alalahanin ang future mo once na makapagtapos ka dito. Sila na ang hahanap sayo ng trabaho at kung ano mang kompanya ang mapili nilang pasukan mo walang magagawa ang mga company na yun kung hindi tanggapin ka.
Sa katulad kong isang kahig at isang tuka malaki ng opportunity ito para matulungan ko sina papa at mama na maahon sa hirap. Magkaroon ng sariling bahay at magandang buhay para sa mga magulang ko at lahat yun sisimulan ko sa C-Lite University.
Lahat gagawin ko para hindi matanggal ang scholarship ko. Kung kinakailangan itutok ko lahat ng atensyon ko sa pag aaral gagawin ko para hindi masayang ang nagbigay sakin ng opportunity na ito at hirap nina papa at mama.
"Aja." Nakangitin sambit ko habang naglalakad.
Cadmus Acosta's POV;
'Pasok!andiyan na ang Blacksphere!'
'Tabi!'
Nagkanya kanyang pasok ang mga estudyante ng makita kami ang iba naman ay tumatabi.
Subukan lang nila humara tatamaan sila saakin.
"Balita ko ginisa ka nanaman ng daddy mo Cadmus." Panimula ni Dwayne na kinapokerface ko.
"Malamang sinumbong nanaman ako ng santo niyang anak." Bored na sagot ko.
"Kahit naman hindi yun sabihin ng kakambal mo malalaman at malalaman pa din yun ng daddy mo. Magpadala ka ba naman ng dalawamg dosenang tao sa ospital niya na sa E.R lahat pinasok." Sabat ni Venedict na kinatingin ko sa mga kagrupo ko na nasa likuran ko.
"Bakit mas mukha pang kinakampihan niyo si Callius kaysa saakin sino bang kaibi---s**t!" Mura ko ng bumangga saakin at---.
"Hala sorry hindi ko sinasad---."
"What the f**k are you doing?!"