Chapter 6

941 Words
Chapter 6 3rd Person's POV; "Putangina habulin niyo yung babae!" Habol hiningang sigaw ni Cadmus sa mga kagrupo habang nakaupo sa isa sa mga upuan at namimilipit. "Ano pre buo pa?" Tanong ni Dwayne na nasa gilid ng binata pagkatapos tapikin ang kaibigan. Habang ang tatlo naman nitong kasamahan ay nakatayo sa harapan ng binata habang umuubo ubo para maiwasang tumawa. "Boild o scrumbled na?" Banat ni Alvis na kinatawa ng isa sa mga ito na kinasama ng tingin sakanila ni Cadmus. "Putangina niyo hanapin niyo yung babae at dalhin niyo dito!" Galit na galit na sigaw ng binata na kinangiwi ng apat na lalaki. "Leader inaabangan pa namin yung scrumble e---." "Putangina mo Santos pag hindi pa kayo lumabas dito of count of five kayong apat ang babalasahin ko!" Nag gigitgit na sambit ng binata. "=_=. Bakit ako nadamay?" Pokerface na tanong ng binatang si Alcide. "Labas!" Sigaw ni Cadmus na kinakamot sa ulo ng tatlong at kinapokerface ni Alcide. Nang magsara ang pinto narinig nila ang sunod sunod na pagmura ng leader na kinahagalpak ng tawa ng tatlong lalaki habang si Alcide ay tinakpan ang bibig para maiwasang matawa. "Putangina hahaha ibang klaseng babae yun! Binasag haha." Mura ni Venedict habang tumatawa at hawak ang tiyan. "Kita niyo mukha ni leader haha." *blaag!* Sabay sabay napatakbo paalis yung apat ng makarnig sila ng pagbato mula sa likod ng pintuan. Astrid Salves's POV; Napadausdos ako paupo sa pader na nasa bahagi ng Campus na hindi ko alam kung saang parte. Matapos ko kasi taguan at takbuhan yung nga kagrupo ni Cadmus hindi ko na alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang nasa loob pa rin ako ng Campus. 'Ano ba namang mga pinapasok mong gulo Astrid first day na first day kung ano ano ng kaguluhan pinasok mo. May mas mamalas pa ba sa araw na ito.' "Pre may chix." Napaangat ako ng tingin ng may mga lalaking naglalakad palapit saakin. "Hey babe mukhang naliligaw ka alam mo ba kung kaninong teritoryo napasok mo?" Tanong ng mukhang leader ng mga pangit na ito. Mukha din silang mga gangster,tattoo,hikaw at mga kulay ng buhok pero ikukumpara naman sa hayop na si Cadmus mas mukha namang may dating yun kaysa sa mga --- great just great nagawa ko pang ikumpara ang hinayupak na yun. "P-Pasensya may h-hinahanap kasi ako naliligaw lang talaga ako." Ani ko ng makalapit saakin ang isa sa mga pangit dahil sa pagkabigla---. "Teka la ---s**t!" "Aray!" Parehong daing namin ng pangit na gangster ng pagtayo ko nauntog ang ulo ko sa nguso nung lalaki at---. "Lagot." Bulong ko ng makita kong dumura ng dugo kasama ng ilang ngipin yung pangit na gangster. 'Yak.' Ani ko sa isipan ko at napaatras ng makita ko ang masasamang tingin ng mga kagrupo ng lalaking ito. 'Great just great proven na ang sobrang malas mo sa araw na ito Astrid.' 3rd Person's POV; "Ayun yung babae." Ani ng binatang si Dwayne na kinatingin ng mga tatlong binata. "Ahhhh!" "Haha akala ko si Cadmus lang inabutan ng kamalasan ngayong araw pati pala ang babaeng yan." Komento ni Venidict ng makita yung babae na pinahahanap sakanila ni Cadmus na kasalukuyang hinahabol ng mga gangster. Dahil sa takot at kaba ng dalaga hindi napansin ni Astrid na nalampasan niya ang grupo ni Cadmus na ngayon ay nakapamulsahang hinarang ang mga gangster na humahabol sa babae. "Teka lang." Nakapamulsahang sambit ni Alcide. "Balato niyo na saamin yung babae." Dagdag ng binata na kinadilim ng anyo ng isa sa mga gangster na sumusunod sa babae. "Malaki ang kasalanan ng babaeng yun sa boss namin kaya mas mabuting umalis na kayo." Nag gigitgit na sambit ng isa sa mga ito. "Pano ba yan? Inutusan din kami ng boss namin na kuhanin yung babae ... hindi naman pwedeng kayo mauna lalo na ayaw namin mapunta kay boss na gutay gutay ang chic na yun at tira-tira." Sabat ni Alvis. Alcide Asuncion's POV; "Tangna hindi man lang ako pinagpawisan." Mura ni Dwayne habang iniikot ikot ang balikat niya at tiningnan ang mga gangster na nagkalat sa field matapos namin patulugin. "Umalis na tayo." Ani ko habang nakapamulsahang naglakad palayo. "Pumunta na kaya tayo sa control room ng C-lite para makita yung babae?" Suhesyon ni Alvis. "Ilang building pa ang dadaanan natin Madrigal at nakakatamad na din magpabalik balik." Sagot ni Dwayne habang naglalakad kami kung saan sa tingin namin pumunta yung babae. "Masyadong malaki ang C-lite para mahanap natin agad yun." Reklamo ni Venedict habang tahimik kaming tinitingnan ang paligid. "Andun siya." Ani ko ng makakita ako ng babaeng nagtatago sa isa sa mga poste papuntang main gate. Mukhang pinagtataguan niya ang grupo ni Venedict na nasa main gate. "Lapitan na natin." Yaya ni Vendict. "Pag inutos ni Cadmus pahirapan ang babaeng yan gagawin niyo?" Pokerface na tanong ko sa tatlo na kinatigil ng mga ito sa paglapit. "What do you mean?" Kunot noong tanong ni Alvis na kinalingon ng mga ito. "Sinasabi mo bang wag namin sundin si Cadmus?" Tanong ni Venedict. "Tinatanong ko lang kayo incase na hindi niyo alam ugali ni Cadmus." Bored na sambit ko na kinakamot nila sa ulo. "May rules tayo at galit si Cadmus hindi malayong iutos niya yan saatin na lalabag naman sa rules." Ani ko nakapamulsahang tumalikod at naglakad pabalik. "Fred! Nasa college building yung babae puntahan niyo!" Rinig kong sigaw ni Venedict. 'Masyadong interesting ang babaeng yun, i just wondering kung anong klaseng character ang role niya sa kambal.' Ani ko sa sarili ko ng makita ko ang grupo ni Callius na nasa hallway ng Highschool department at mukhang papunta sila sa main gate kung nasan yung babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD