Chapter 7
Astrid Salves's POV;
"Anak anong nangyari?" Tanong ni mama ng hindi sinasadyang maibalya ko ang pintuan at mabilis na sinara ang kurtina sa maliit naming bahay.
"H-Hehe wala po mama baka may naksunod na ano ... nakasunod na aso tama." Alanganing sagot ko bago magmano kay mama.
"Ikaw talagang bata ka oh siya may pancit dun sa lamesa magmeryenda ka." Ani ni mama na kinatango ko.
"Opo mama." Sagot ko bago mabilis na pumasok sa kusina at nanghihinang mapaupo dun habang hawak ang dibdib ko.
"Akala ko talaga katapusan ko na." Pabulong bulong na sambit ko bago kumuha ng baso at magsalin ng tubig.
'Pano naman ako papasok bukas? Siguradong mga nagaabang yun sa pagpasok ko. Jusmiyo marimar Astrid hindi na lang nastock habang buhay yang kamalasan mo.'
---
Kinabukasan maaga ako nagising as in madaling araw pa lang nakabihis na ako at nakapag ayos para pumasok sa eskwelahan.
"Astrid ang aga mo naman yata iha." Komento ni papa ng makita akong nagsasapatos. Mukhang kagigising lang din niya.
"Aba'y ewan ko diyan sa anak mo sabi niya may hahabulin pa din daw siyang lesson." Sagot ni mama.
"Goodmorning papa magrereview po kasi ako kaya kailangang maaga ako makapasok." Ani ko bago ngumiti ng malapad at tumayo ng matapos kong magsapatos.
Totoo naman yun bukod sa kailangan kong takasan sina Mr. Gone Wrong Hard Headed gangster and company kailangan ko mag advance reading dahil occupied talaga ako kahapon dahil sa pesteng Cadmus na yun at ni isa sa lesson kahapon wala akong naintinihan.
--
'It' all clear walang Cadmus sa paligid.'
Nang makapasok ako sa gate sa mismong campus namin nakahinga ako ng maluwang.
Wala pang masyadong estudyante at---.
"Astrid."
"Ay Cadmus!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumulbit saakin mula sa likod at nakita ko ... si Mr.President na nakakunot ang noo kasama ang dalawa sa SC Members.
"May ginawa nanaman ba sayo si Cadmus?" Nakakunot ang noong tanong ni Callius na kinalunok ko.
"Ahm w-wala hehe." Sagot ko bago yumuko.
"Goodmorning Mr.President papasok na ako." Paalam ko bago lakad takbong umalis sa main gate.
'Sorry crush gusto man kita titigan maghapon at magdamag hindi pwede dahil siguradong patay ako sa kakambal mong pinaglihi sa sama ng loob pag nahuli ako huhu.'
"Tama sa library muna ako magtatago habang hindi pa simula ang klase." Patango tangong sambit ko bago umikot sa elementary building. Walang gaanong dumadaan dito kasi unang una puro puno at madamo.
Pero para saakin ito yung pinakasafe na lugar para hindi ako mapansin.
*blaaag*
"Ano hindi ka lalaban?! Ang yabang yabang mo pagkasama mo tropa mo tapos ngay---."
"Ang dami mong sinasabi big tummy."
Out of curiousity mabilis akong magtago sa isa sa malaking puno dito sa likod ng elementary building at tiningnan kung sino sino yung nag uusap.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung mga pangit na gangster kahapon at---.
"Cadmus." Bulong ko ng makita ko siyang pinaggigitnaan ng mga malalaking lalaki.
Kahit medyo madilim kitang kita ko ang mga sugat niya sa mukha.
"Tangina mo nagagawa mo pang ngumising demonyo ka!" Sigaw nung lalaki bago malakas na sikmuraan si Cadmus na agad napaluhod. Napatakip ako ng bibig ng makita kong pinagsisipa nila sa Cadmus hanggang sa---.
"Ohmygod." react ko ng may makita akong matalas na bagay na nilabas yung malaking lalaki.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko basta narealize ko na lang kumuha ako ng malaking bato at----.
"Argggh!" Hiyaw ng matabang lalaki na may hawak na patalim ng sumapol yun sa likod ng ulo niya.
"One point for Astrid!" Sigaw ko at napatalon pa ng sumapol yun.
"Ay sorry na overacting lang hehe." Alanganing sagot ko ng mapatingin silang lahat saakin.
'Great Astrid kasasabi mo lang kaninang umaga na hindi kana masasangkot sa kahit na anong gulo.'
"Hehe goodmorning sainyo." Bati ko with smile.
Pero mukhang hindi makakaunawa ang mga tabachoy na ito dahil ang sama pa din ng tingin nila saakin.
"Putangina mong babae ka namumuro kana talaga saamin!" Sigaw ng panget na lalaki na nauntog ko kahapon and thats the cue----.
"Ahh!" Sigaw ko ng habulin nila ako.
'Anak ka ng tokwa Astrid ang ganda mo talaga kahit yung mga version ng tatay ni Peppa pig hinahabol ka.'
3rd Person's POV;
"Cadmus!" Sigaw Alvis ng makarating sila sa likod ng gymnasium matapos sila kontakin ni Cadmus.
"Kontakin mo ang grupo huntingin niyo si Minrod at iligtas yung babae." Utos ni Cadmus habang nakasandal sa lilim ng puno at hinihilot ang panga niya.
"Babae?" Tanong ni Dwayne.
"Yung babae kahapon." Sagot ni Cadmus na kinatinginan ng dalawa.
---
"Waah tulong!joke joke lang naman yun eh!" Takot na takot na sigaw ni Astrid.
Habang hinahabol ng mga gangster na kinatinginan ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Walang gustong mangialam kaya kung hindi tumatabi pumapasok ang mga ito sa kani kanilang classroom hanggang sa---.
*blaaag*
"f**k!"
Mura ng isa sa mga humahabol sa dalaga ng bumukas ang isa sa mga classroom at bumangga sila.
"Ang aga aga ng morning Exercise niyo ah baka pwedeng makisali." Walang buhay na sambit ni Alcide bago tuluyang lumabas ng classroom kasunod si Venedict at ilang kaklaseng lalaki.
"Hoy!" Napatingin sina Alcide sa likuran ng tawagin sila ng dalaga habang hinahabol ang hininga at hawak ang dalawang tuhod.
"Y-Yung Leader niyong pinaglihi sa sama ng loob nasa likod ng building binugbog ng mga panget na yan!" Sigaw ni Astrid at lalapitan siya ni Venedict para daluhan ng---.
"Waah! Hindi na nga kasi ako mangingialam." Tumatakbong sigaw ng dalaga papalayo.
"Nasabi ko na bang kakaiba siya?" Pokerface na komento ni Venidict.