Chapter 23

1106 Words
Chapter 23 3rd Person's POV; "Iho maraming salamat sa pagligtas sa anak ko." Mangiyak ngiyak na sambit ng ginang ng makita si Callius na pumasok sa ospital kung saan dinala si Astrid. "Mr.President utang na loob ko sayo ang buhay ko kung hindi dahil say---." "Astrid kahit na sino gagawin yun para sayo hindi mo na kailangan magpasalamat." Ani ni Callius habang nakangiti matapos siyang tapikin ni Mr.Salves. "Anak kung ano mang sinabi ko sayo nung gabing yun kalimutan mo na. Pasensya na din kung hinusgahan ko agad itong kaibigan mo." Ani ni Mr.Salves na kinangiti ng konti ni Astrid. "Astrid bulaklak pala para sayo nagdala na din ako ng mga prutas." Ani ni Callius matapos magbaba ng basket sa ibabaw ng kama. "Mabuti pa maiwan muna namin kayo kakausapin ko lang ang doctor." Ani ng ginang bago tumayo na kinatango ni Astrid habang si Callius naman ay bahagyang yumuko ng maglakad paalis ang mga magulang ni Astrid. "Okay na ba ang balikat mo?" Tanong ni Astrid ng hindi tinitingnan si Callius. "Sugat? A-Ayos na okay lang naman ako ... dapat diba sarili mo ngayon ang iniisip mo Astrid." Ani ni Callius na kinatingin ni Astrid. "Maraming salamat sa pag aalala Mr.President." ani ni Astrid na kinangiti ng binata. "Papahinga na muna ako gusto ko munang matulog." Dagdag ng dalaga. "Ganun ba sige tutulungan na kit---." "Kaya ko Mr.President." pilit ang ngiting sambit ng dalaga bago humiga. Nang makitang mukhang pagod na pagod ang dalaga tumayo na si Callius at dahan dahan lumabas ng silid pero nanatili ito sa likod ng pinto para bantayan ang dalaga na natutulog. 'Sana maging okay na siya.' --- Mabilis na lumipas ang araw at walang araw na hindi dumalaw si Callius sa dalaga kasama ang barkadahan nito. Hanggang sa isang araw---. "Alcide." Napaupo si Astrid ng pumasok ang blacksphere na may dalang prutas. "Ayos kana ba?" Tanong ni Dwayne ng makalapit sila sa dalaga. "Pasensya na ah ngayon lang kami nakadalaw marami lang inaasikaso." Natatawang sambit ni Alvis na kinangiti ng dalaga. "Hindi ko nga iniexpect na pupunta kayo dito." Nakangiting sambit ng dalaga bago tumingin sa pinto. "Ahm kung si Cadmus ang inaantay mo busy siya." Ani ni Venedict na kinalaki ng mata ng dalaga. "Sino may sabing inaantay ko siya?! Ano baka kasi dumating na sina mama ipapakilala ko kayo." Depensa ni Astrid na kinataas ng gilid ng labi ng mga binata dahil sa pag ilap nito sa topic. "Manang mana kayo sa leader niyong gangster pangbwisit ngisi niyo." Simangot ni Astrid na kinatawa ng mga binata. "Defensive kasi masyado pasensya na ah di kami nagdala ng bulaklak." Ani ni Alvis na kinangiwi ng dalaga. "Pagba dumadalaw dapat laging may bulaklak tingnam niyo nga room ko mukha ng flowershop nabubulok din naman." Ani ni Astrid na kinatawa nina Dwayne. "Yan ang eksaktong sinabi ni Cadmus nung time na sinuggest ko na bibili kami ng bulaklak para sayo." Ani ni Alvis na kinatingin ng dalaga na mukhang naging interesante ito sa paningin ng dalaga. "Mabubulok din naman yung bulaklak at itatapon mo bakit ka pa daw namin bibigyan." Dagdag ni Alvis na kinailing ni Venedict ng makitang naagaw ni Alvis ang pansin ng dalaga. Napuno ng tawanan ang buong room ng makipagkwentuhan si Astrid sa Blacksphere na sa unang pagkakataon na pananatili niya sa ospital hindi siya nakaramdam ng pagkabagot dahil sa punong puno ng kalokohan ang grupong dumalaw sakanya. Matapos mabuksan ng ginang ang pinto hindi mapigilan mapangiti ng ginang ng makitang tawa ng tawa ang anak habang nakapalibot sakanya ang nga hindi kilalang lalaki na sa unang tingin iisipin mong mga masasamang tao dahil sa mga maangas na dating at aura. "Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan." Ani ni Mr.Salves matapos tumikhim na kinatingin ng mga lalaki. "Mr at Mrs. Salves." Ani ng apat na binata matapos tumayo ng ayos at salubungin ang dalawang matanda. Hanggang sa isa isang magmano ang mga ito sa dalawa na kinatigil ng mag asawang Salves at ni Astrid. "Kaklase po kami ni Salves." Ani ni Alcide na kinatikhim ng ginang dahil sa pagkabigla lalo na mukhang mayayaman din ang mga ito at hindi basta basta dahil ilan sa mga ito madalas niya makita sa mga dyaryo at magazine kasama ang mga pamilyang kinabibilangan. "Ang babait niyo namang mga bata." Nakangiting sambit ng ginang. "Magbabarkada talaga kayo ganyan din ginawa ni Cadmus nung makita nila sina papa at mama." Komento ni Astrid na kinalaki ng mata ng ginang. "Kaibigan niyo si Cadmus? Nasaan siya?" Tanong ng ginang. "Kasama niyo ba?" Tanong ng ama ni Astrid. "Gustuhin po man ni Cadmus dumalaw marami daw po siya ginagawa." Ani ni Alcide habang pinipigilang mapangiti ng makitang nadissapoint ang pamilya ng dalaga sa hindi pagdalaw ng kaibigan. Astrid Salves's POV; "Siguradong naging maayos ang pagpapalaki sainyo ng mga magulang niyo." Nakangiting sambit ni mama. Ako lang ba o nagbago expression nina Dwayne ng masabing magulang. "Si Cadmus po nagturo nun sa'amin na naging habit na din namin." Sagot ni Alvis makalipas ang ilang segundo. Hindi ko iniexpect na may ganung side ang gangster na yun since napakabayolente niya. "Noon pa man alam ko ng napakabait ng kaibigan niyo." Nakangiting sambit ni papa na sa unang pagkakataon nagkomento siya sa ugali ng isang tao. Katulad ng sa kambal na Acosta naging open din sina papa kina Dwayne lalo na nakikita kong tuwang tuwa sina papa. "Ang dami mo palang alam sa mga luto." Komento ni mama habang kumakain kami ng mga dinala nina mama na kumasya naman saaming lahat dahil may mga dala din naman sina Alvis ang pinagkaiba lang yung dala nila kami kumain at yung mga niluto nina mama sina Alvis ang kumain. "Hindi naman po ito kasi yung madalas na niluluto ng asawa ni manong guard sa school tuwing pumupunta kami sakanila." Ani ni Dwayne na kinatingin ko. "Guard? Yung sa main gate ba?" Tanong ko. "Yun nga bakit?" Tanong ni Dwayne. "Si Cadmus yung mayaman na binata na tinutukoy ni manong na tumutulong sakanila?" Tanong ko na kinatingin ni Venedict. "Pag narinig yan ni Cadmus magagalit yun." Ani ni Venedict. "Sina Callius lang mayaman hindi si--- aray!" Daing ni Alcide ng sikuhin siya ni Venedict. "Acosta si Cadmus anong sinasabi niyo?" Tanong ko na kinangiwi nina Dwayne. "Mas komplikado pa sa iniisip mo ang pamilya ni Cadmus kaya mas mabuting wag mo ng alamin." Ani ni Venedict. "Per---." "Anak ang mga bagay na yan hindi dapat sa ibang tao mo malalaman." Putol ni papa na kinasimangot ko. Nacurious lang naman ako pero pano nasabi ni Alcide na hindi mayamam si Cadmus. Acosta gamit niya at kambal sila ni Callius. 'Sino ba talaga si Cadmus?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD