Chapter 24

933 Words
Chapter 24 Astrid Salves's POV; Matapos kong makalabas ng ospital pumasok ako agad para humingi ng mga notes sa mga teacher at mga test na nalampasan ko ... habang naglalakad pabalik ng classroom nagulat ako ng---. "Salves! Patawarin mo kami!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko sina Thomas na bigla na lang sumulpot at lumuhod sa harapan ko. "Salves nagmamakaawa ako patawarin mo na kami hindi na namin uulitin yun." "Salves sorry hindi na kami uulit." "T-Teka teka tumayo kayo diyan hindi---." "Salves sorry na hindi ka naman namin tinangkang patayin napag utusan lang kami." Mangiyak ngiyak na sambit ni Thomas. "Thomas ayos lang ako wala naman nangyari saakin tumayo na kayo nakakahiya." Ani ko ng makita ko ang mga kaschool mate namin na pinagtitinginan kami. "Salves napag utusan lang talaga kami hindi namin alam na masusunog ang loob ng stockroom pasens---." "Ayos na yun tapos na hindi niyo na kailangan lumuhod." Ani ko bago sila isa isang itayo. "Alam ko naman yun kasi bakal yung labas ng stockroom at kung tinangka niyo talaga akong patayin iiwan niyo ako dun." Dagdag ko. "Hindi na mauulit yun pangako." Ani ni Thomas na kinangiti ko. "Okay na yung sorry niyo ayos na ako nakapasok na din naman ako." Ani ko ng---. "Sinabi ko na Cala hindi diba." Napatingin ako sa likuran nina Thomas ng makita ko si Cadmus na lumabas ng classroom alam kong siya yun kasi siya lang naman ang tanging estudyante na hindi nag uuniform. Sa kabilang bahagi siya dumaan kaya---. "Thomas aalis na ako wag niyo ng alalahanin yun." Nakangiting sambit ko bago lakad takbong sinundan sina Cadmus siyempre ilang metro ang layo ko mula sakanila. Grabe ang dalawang ito mapababae man o lalaki pag nakikita yung dalawa nagkakanya kanyang takbo papasok ng classroom ganun ba katakot sakanila ang mga estudyante ng C-lite. "Wait bakit ko sila sinusundan?" Bulong ko bago napaayos ng tayo mula sa pagkakatago ko sa bahagi ng hagdan matapos bumaba nina Cadmus. "Hindi naman siya mahalaga eh ano kun---." *plaaag!* Napatingin ako sa classroom na malapit sa hagdan ng makarinig ako malakas na pagbagsak. "Mga traydor kayo! Kung hindi dahil sainyo hindi mapapaalis si Teressa sinira niyo ang plano!" 'Terressa?' Nang marinig ko yun dahan dahan akong lumapit sa pinto at ng tingnan ko yun. 'Hindi pala ito classroom, laboratory room ito ng Biologiest.' "Hannah ayaw lang namin mapahamak si Terresa pano pag napatay niya si Salve---." "Kung mapatay man ni Terresa ang babaeng yun hinding hindi masisisi si Terresa! Sinira niyo ang lahat!" Nang makarinig ako ng mga galabog mabilis kong binuksan ang pinto na kinalaki ng mata ko lalo na ng makita ko na puro dugo yung dalawang babae na nasa sahig. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Dahil sayo nakulong ang kapatid ko! Nasira ang grupo." Galit na galit na sigaw ng babae na kinabato ko sa kinatatayuan ko lalo na ng makita kong may hawak itong bakal na tubo na mukhang ihahampas yun sakin. Pero bago pa yun tumama sa ulo ko may taong sumalo nun at humila saakin palabas. "Salves kahit kailan lapitin ka ng gulo kalalabas mo pa lang balak mo pa ulit bumalik?" "D-Dwayne?" Ani ko ng makita ko ang taong humila sakin mula sa likod at ng tingnan ko ang sumalo. "Venedict." Ani ko. "B-Blacksphere." Ani ni nung babae na hahampas sana saakin ng tubo. Namumutla ito at takot na takot habang ang mga kasamahan nito ay napaatras. "Mukhang hindi nadidisiplina ng ayos ni Cala ang mga alaga niya ah." Ani ni Venedict matapos bitawan ang bakal at mahulog sa sahig ng napaatras yung babae. "Alvis tumawag ka ng Medic at Alcide tawagin mo si Cala siguradong hindi pa sila nakakalayo." Ani ni Venedict bago ako lingunin. "Kung balak mong sundan maghapon si Cadmus ayos lang naman pero sana yung walang nakakapansin." Ani ni Venedict na kinalaki ng mata ko. "A-Ano?! Sino may sabing sinusundan ko si Cadmus hind---." "Naku Salves wag ka ng magdeny kanina ka pa din namin sinusundan habang nagtatago ka." Sabat ni Dwayne na tatawa tawa. "Stalker sino may sabing sundan niyo ako." Labas sa ilong na sambit ko na kinataas ng gilid ng labi ni Venedict. Isa pa itong loko-loko na ito pacool lang pero may kalokohan din at hilig mambwisit. "Hindi ka namin sinusundan nagkataon lang na sinusundan mo si Cadmus." Sagot ni Venedict. "Oy! Hindi ko siya sinusundan bakit ko siya susundan!" Pasigaw na sambit ko na kinatawa nila. "Bwisit." Ani ko ... nang biglang dumating yung mga medic at kunin yung dalawang babae sa loob na walang malay. "Sila ba yung dalawang babae nagsabi kay Callius ba nasa stock room ako?" Ani ko na kinatingin ni Dwayne. "Si Callius? Hindi nam---asghfdvhggj" napakunot ang noo ko ng takpan ni Venedict ang bibig ni Dwayne. "Imbis iistalk mo si Cadmus magreview kana lang at magsagot sa mga test paper na yan." Ani ni Venedict na kinagusot ng mukha ko. "Hindi ko nga siya iniistalk!" Ani ko bago naiinis na umalis dun. 'Ang kulit sabing hindi ko iniistalk si Cadmus hindi siya special para pag aksayahan ko mg precious time ko.' Nag gigitgit na sambit ko pababa ng hagdan hanggang sa pumasok sa isip ko yung narinig ko bago ako mawalan ng malay. 'I will protect you no matter what happened ... Salves.' Napailing iling ako imposible namang si Cadmus yun walang hiya ang lalaking yun pero ... 'Hindi ako tinatawag na Salves ni ... Callius.' "Pero sabi ni Callius siya nagligtas saakin bakit naman magsisinungaling saakin si Callius ... pero ano yung sasabihin dapat ni Dwayne." Parang tangang bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD