Chapter 22

920 Words
Chapter 22 3rd person's POV; "Ella sasabihin ba natin?" Tanong ni Shane habang nakatingin sa binatang nasa itaas na bahagi ng palapag kasunod ang ilang teachers. "Siguradong magagalit si Teressa Shane pero pag hindi natin nasabi siguradong---." "Tara sundan natin si Mr.President ... si Mr.Pres lang kausapin natin dapat walang makaalam na teachers para walang masamang mangyari kay Terressa kaibigan pa din ni Mr.Pres si Terresa diba?" Ani ng dalaga bago nauunang maglakad. "Shane wala na tayong oras narinig ko pupunta sila sa meeting room." Ani ng nangangalang Ella. "Ella pag wala tayong ginawa pati tayo madadamay hindi din kaya ng konsensya ko ang gagawin ni Teressa." Ani ng babae. --- "Stock room?" Tanong ni Astrid. "Oo eh lahat na kasi ng kaklase natin nasa gymn pwedeng patulong?" Tanong ng binata. "Ayos lang sige ilang bola ba ang kailangan natin?" Tanong ng dalaga bago sundan ang apat na kaklase. "Sabi ni ma'am lahat daw na nasa basket eh." Sagot ng lalaki. "Angelo si Astrid yun diba?" Tanong ni Wallace Kim isa sa sa miyembro ng student councils." "Saan sila papunta?" Ani ng binatang si Angelo Roqas na may hawak na folder. "Sa gymn siguro may P.E mga kaklase natin." Sagot ni Wallace bago patuloy na naglakad. "Gago ka ba nasa kabilang bahagi ng university ang gymn." Habol ni Angelo na kinatigil ni Wallace. "Saan pupunta si Astrid?" Ani ni Wallace. Astrid Salves's POV; "Ha? Nasaan naman yung mga bol---." "Hoy!buksan niyo ito!" Sigaw ko ng makita kong isara ng mga kaklase ko ang pinto. "Buksan niyo ito! Buksan niyo!" Naiiyak na sigaw ko ng makita kong sobrang dilim sa loob wala akong makitang kahit na anong liwanag. "Thomas! Buksan niyo ito!" Paulit ulit kong kinalampag ang pintuan hanggang sa makaamoy ako ng gas ... w-wait gas? "A-Anong ginagawa niyo?! Buksan niyo ito hindi na magandang biro ito Thomas!" Mangiyak ngiyak ako ng makarinig ako ng tawanan sa labas. "Pasensya na napag utusan lang! Hahaha" "Pero kung mangangako kang lalayuan mo na si Mr.President palalabasin kana namin!" "Mga hayop kayo! Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko habang pilit na kinakalampag yun hanggang sa---. "A-Apoy! May apoy dito da loob! Nagmamakaawa ako ilabas niyo na alo dito!" Umiiyak na sambit ko habang nakatingin sa apoy na unti unting tinupok ang lamesa kung saan pumasok yung gas na nanggaling sa labas. 3rd Person's POV; "Putangina Thomas! Umuusok yung loob!" Sigaw ng isa sa apat na kasama ng lalaki na kinalaki ng mata ng binata. "Saan dumaan yung apoy! Bakal ang---." "Thomas! Buksan mo ang pinto bilisan mo!" Sigaw ng isa mga lalaki ng magsisigaw na si Astrid at umiiyak. -- "Cadmus!!" Sigaw ng dalawang babae ng makita ang binata kasunod ang tropahan nitong gumagawa nanaman ng gulo sa highschool department. "Anong kailangan niyo?" Tanong ni Dwayne ng makilala ang dalawang babae. "Tulungan mo kami si Teress---." "Wala akong pakialam sa babaeng yan si Callius hanapin niyo." Bored na putol ni Cadmus bago sipain ang estudyanteng hawal na namimilipit sa sakit. "Kasama ng mga teachers si Callius Cadmus please tulungan mo kami! Baka ano ng mangyari kay Salves!" Sigaw ni Shane na kinatingin ng Buong Blacksphere. "Salves?" Ani ni Cadmus. "Binabalak ni Terresa takutin si Astrid susunugin nila ang stockroom." Ani ni Shane ng---. "Holyshit! Hindi purong metal ang stockroom inaayos pa yun!" Sigaw ni Alcide na kinatakbo ni Cadmus paalis. "Cadmus!" Sigaw nina Dwayne bago habulin ang binatang mabilis na tumakbo at hindi binigyan ng pansin ang mga taong nababangga niya. "Astrid!" Sigaw ni Cadmus ng makarating bago mabilis na tinulak paalis ang mga lalaking nagkukumpulan sa pinto. "Tumabi kayo!" Sigaw ni Cadmus bago binangga ang kahoy na pinto ng paulit ulit. "Astrid f**k!" Mura ni Cadmus ng bumukas yun at bumungad sakanya ang napakalaking apoy. "Cadmus! Wag lumabas ka diyan!" Sigaw nina Dwayne ng walang pagdadalawang isip na pumasok si Cadmus sa loob. "Astrid!" Sigaw ni Cadmus habang umuubo. "M-Mr.P-President." "Astrid!" Sigaw ni Cadmus ng makita si Astrid na nakaratay sa kabilang bahagi ng nasusunog na malaking cabinet. "T-Tulong." Nanghihinang bulong ni Astrid. Napataas ng tingin si Cadmus ng makitang bumibigay ang kisame sa loob. "Damn." Mura ni Cadmus ng hindi alam ang gagawin hanggang sa makadampot ito ng malaking bakal na lalagyan at winasak ang makaling cabinet na unti unting natutupok ng apoy. Nang maialis nito ang kabinet mabilis nitong hinawakan si Astrid at hinubad nito ang jacket na suot bago mabilis na binalot dun si Astrid. "M-Mr.P-President." Bulong ni Astrid na kinatigil ng binata. Hindi ito nagsalita hanggang sa--- "I will protect you no matter what happened ... Salves." Bulong ng binata hanggang sa magmulat ng mata si Astrid at---. "Ca---." "s**t!" Mura ng binata bago mabilis na hinila si Astrid ng bumagsak ang malaking kahoy dahil sa bilis nahagip nito ang balikat ng binata dahilan para mapaluhod ito at muntikan ng ng maibagsak si Astrid. "Cadmus!" Sigaw nina Venedict. "Ohmygod!" Nagkagulo ang mga teachers ng makitang nasusunog ang stock room papasok si Callius ng pigilan ito ng mga teachers. "Bitawan niyo ako! Kailangan---." "C-Cadmus." Napatigil ang lahat ng makita nila si Cadmus na buhat si Astrid na walang malay. "Ohmygod!" "Dumudugo ang braso ni Cadmus!" "Tumawag kayo ng medic!" "Cad---." Naputol ang sasabihin ni Callius ng ilagay ni Cadmus si Astrid sa mga bisig niya. "Wag mo ng ulitin ang ginawa mo dati Callius. Hindi siya si ... Trinity." Parang napako sa kinatatayuan si Callius ng magbanggit ng pangalan si Cadmus bago tumalikod at naglakad palayo habang hawak ang balikat na agad dinaluhan ng mga kaibigan at ilang teacher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD