Chapter 26
Astrid Salves's POV;
"Bakit ka pala nakacivillian ngayon? Hindi ka nakauniform." Tanong ko habang naglalakad kami papunta ng library.
Balak kasi namin mag advance reading ngayon dahil may quiz daw pero mukhang may maisasagot ako din naman ako ngayon kahit hindi magreview. Dahil binasa ko lahat ng nasa notebook ni Cadmus na mukhang kahit next lesson namin next month andun na.
Nang makarating kami sa library pagkakuha namin ng books umupo kami sa medyo sulok para hindi agaw pansin yung iba kasing estudyante napapatingin saamin. Yung iba parang wala lang yung iba para na akong kakainin ng buhay hindi ko sila masisisi dahil sino ba ang hindi maiinggit o magagalit kung yung may ari s***h student council president kasama lang ng scholar na katulad ko.
"Astrid." Napatingin ako kay Callius ng tawagin ako nito pabulong lang yun pero sapat na para marinig ko.
"Layuan mo si Cadmus mapapahamak ka kung pagpapatuloy mo ang paglapit no sakanya." Ani ni Callius.
"Kahit naman sino kasama ko sainyo napapahamak ako." Sobrang hinang bulong ko pagkatapos ko yumuko at buklatin ang libro.
"Ha?" Ani ni Callius na kinangiti ko bago umiling.
"Nang aasar lang naman yun si Cadmus parang hindi mo kilala kakambal mo." Bulong ko matapos kong tumingin at bigyan ulit ng pansin ang hawak kong libro.
Pareho na kaming nanahimik nun ni Mr.President na kinangiti ko ng konti ng makitang lahat ng nasa notebook ni Cadmus galing dito ang pinagkaiba lang mas naintindihan ko ang formula at example na ginamit ni Cadmus kaysa dito sa libro.
"Gusto mo ituro ko sayo ang formula ng iququiz natin mamaya?" Tanong ni Callius na kinatingin ko.
"Thanks na lang Mr.President, pinahiram kasi ako kahapon ni Cadmus ng notebook niya ... nireview ko kagabi." Sagot ko.
3rd Person's POV;
Sa pagyuko ulit ni Astrid hindi napansin ng dalaga ang unti unting pagkawala ng ngiti ng binata.
Dahil dito as lalong kinain ng selos si Callius at palihim nitong kiniyukom ang kamao.
"Alam niyo ba mamaya may try out ang Blacksphere hihi ang cool talaga ni Cadmus pag naka jersey siya mygosh."
Napalingon ang dalaga sa dalawang babae hindi kalayuan sakanila ng marinig ang grupong binanggit ng dalawang estudyante.
"Naglalaro ng basketball sina Cadmus?" Tanong ni Astrid bago tingnan si Callius na nakasimangot.
"Alam mo nagseselos na ako." Ani ni Callius na kinasamid ni Astrid dahil sa sinagot sakanya ng lalaki.
"H-Ha?" Ulit ng dalaga.
"Interesado ka kay Cadmus." Ani ni Callius na kinakamot ng dalaga sa pisngi.
"Nacucurious lang naman ak---."
"Hindi mahilig sa academic si Cadmus sports ang hilig niya at music." May inis sa boses na sambit ni Callius.
"Sorry, nacucurius lang naman ako sa kakambal mo at sayo mukha kasing hindi kayo magkasundo." Mababa ang boses na sambit ni Astrid habang nakayuko.
"Astrid." Ani ni Callius bago hawakan ang kamay ni Astrid na nasa lamesa na kinatingin ng dalaga.
"Malaki ang galit saakin ni Cadmus lalong lalo na kay dad." Dagdag ni Callius.
"Baby pa lang kami ng paghiwalayin kami nina dad. Ako kinuha ni mommy at si Cadmus kay daddy naging marangya ang buhay nun ni Cadmus habang ako nasa puder ni mom inabandona kami nun ni mom ng sarili niyang mga magulang dahil sa nakipag hiwalay siya kay dad at dahil sa walang wala nun si mom nagtrabaho siya at mag isa niya akong pinalaki."
Nakagat ng dalaga ang gilid ng labi niya ng makita ang sobrang lungkot sa mukha ni Callius.
Nung nasa walong taong gulang na ako bigla akong kinuha ni papa sapilitan niya akong dinala sa mansyon na kinagalit ni Cadmus dahil nagkaroon na siya ng kaagaw ng atensyon oras ni dad. Simula kasi nung dumating ako sa mansyon pilit na bumabawi saakin si papa dumating pa nun sa point na nasasaktan ako ni Cadmus dahil pag galit siya hindi niya napipigilan."
Napatigil ang dalaga sa sinabi ni Callius.
"Nagagawa sayo yun ni Cadmus?" Tanong ni Astrid na kinangiti ng pilit ng binata.
"Ilang beses niya na din ako muntikan mapatay dahil sa inggit niya at galit kaya pinatapon siya ni papa sa states. Then last year pinabalik siya dito dahil umaasa si papa na magkakasundo kami na malabo nanamang mangyari dahil mukhang interesado din sayo ang kakambal ko." Ani ni Callius na kinalaki ng mata ni Astrid.
"Hindi totoo yan Mr.President hind---."
"Kilala ko si Cadmus Astrid kung ano ang gusto ko gusto niya din. Astrid hangga't maari lumayo ka na kay Cadmus baka kung ano pang mangyari sayo." Punong puno ng pag aalala na sambit ni Callius sa dalaga.
Buong araw wala yata sa sarili si Astrid dahil hanggang sa matapos ang klase nasa isip niya pa din ang mga sinabi ni Callius sakanya.
"Tama bang ijudge ko ang isang tao dahil sa narinig ko tungkol sakanya?" Bulong ng dalaga habang naglalakad palabas ng building nila.
"Pero sa kakambal niya nanggaling yun at kitang kita ko naman kung gaano kabayolente si Cadmus." Ani pa ng dalaga hanggang sa pumasok sa isip niya ang mga nagawa ni Cadmus para sakanya.
"Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit pakiramdam ko hindi yun totoo? Pero ano naman dahilan ni Callius para siraan ng ganun si Cadmus." Parang tangang sambit ng dalaga.
"Hindi ganung tao ang nakikita ko kay Mr.President hindi siya ganun. Pero maaring tama siya dapat---."
"Haha nice game captain!"
Napatingin ang dalaga sa hindi kalayuan ng may grupuhan ng mga lalaki ang naglalakad papunta kung saan.
Mga nakajersey ito ng itim at puti na mukhang mga nanggaling sa paglalaro.
Hanggang sa mapako ang tingin ng dalaga sa lalaking napapagitnaan ng mga kalalakihan pawisan ito at kasalukuyang hinuhubad ang dalawang casket na nasa magkabilang wrist at ng mag angat ito ng tingin magkasalubong ang kanilang mga mata.
Kahit malayo para nanamang napako ang mga paa ng dalaga sa sahig at nabibingi sa lakas ng ingay na nanggagaling sa dibdib.
"Oy Salves!" Sigaw ni Dwayne na kinalaki ng mata ng dalaga.
Nagulat pa nga ito at tarantang umalis.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Alvis habang nakatingin sa babae na kung sino sino na ang nababangga.
"Nakalimutan nanaman siguro uminom ng gamot." Bored na sagot ni Cadmus bago patuloy na naglakad na kinatawa nina Alcide.