Chapter 27
Astrid Salves's POV;
"Anak gabi na bakit hindi ka pa natutulog." Ani ni mama na kinatingin ko.
Kasalukuyan kasi ako na nasa sala at nakaupo sa sofa habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi kasi ako makatuloy kaya eto nagpapaantok.
"May iniisip lang po ako mama." Sagot ko matapos umupo ni mama sa tabi ko at haplusin ang buhok ko.
"Si Callius ba?" Tanong ni mama pero hindi ako sumagot dahil hindi lang naman siya ang iniisip ko.
"Anak kung gusto mong sagutin si Callius ayos lang dalaga kana pero dapat---."
"Ma hindi naman yun ilang buwan pa lang kami magkakilala ni Callius at hindi ko pa siya ganun ... kakilala." Putol ko kay mama.
"Anak hindi manghuhula ang mama mo alam ko may problema ka pero hindi ko lang alam kung ano." Ani ni Mama na kinayuko ko.
"Mama naguguluhan po kasi ako hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko yung nakikita ko, nararamdaman ko o narinig ko. Mama pakiramdam ko pare parehong mali ... may hindi tama." Bulong ko.
"Kahit sarili ko hindi ko na maintindihan may gusto ako malaman pero hindi ko alam kung ano at anong dahilan. Katulad ni Cadmus gusto ko siya makilala pero hindi ko alam kung bakit, hindi siya special ... si Callius naman nanliligaw sakin pero may tumutulak sakin na kilalanin si Cadmus kahit madalas tinatakot niya ako, inaasar at iniinis. Masama ang ugali niya ibang iba kay Callius yun ang nakikita ko pero yung nararamdaman ko iba sa nakikita ko. Feeling ko mabait siya dahil siguro sa nagcocontrast ang pagpapakita niya saakin sa ginagawa niya." Pag oopen up ko kay mama habang nakayuko.
"Si Callius naman mabait siya kahit sino yun ang tingin sakanya near to be perfect. Para siyang isang perfect prince charming sa isang fairytales na ... alam ko namang imposibleng nag eexist. Mabait siya, responsable at minsan niya na din ako niligtas sa kamatayan utang na loob ko sakanya ang buhay ko ... pero bakit may mali bakit ako nagdududa mama hindi ko---."
"Shhh Astrid." Ani ni mama na kinatingin ko bago hinaplos ang mukha ko.
"Minsan ko ng napadaanan yan anak kitang kita ko ang sarili ko sayo dati." Dagdag ni mama bago ngumiti.
"Pero katulad ng sinabi ko nakakaloko ang nararamdaman ng tao pati na din ang mundo. Kung gusto mo talaga masagot ang mga tanong mo bakit hindi mo yan patunayan sa sarili mo. Gawin mong basehan ang nararamdaman mo para masagot ang katanungan mo gamitin mo ang mata at pang unawa mo." Ani ni mama bago haplusin ang pisngi ko.
"Naalala mo ba sinabi sayo ng papa mo nung unang pumasok ka sa school nung grade school ka?" Ani ni mama na kinatango ko.
"Makikita mo ang tunay na nararamdaman ng tao once na tumingin ka sa mga mata nito. Kung may naririnig ka o nagdududa ka tumingin ka sa kanilang mga mata. Dun mo din mababasa kung mabuti ba sila o hindi ... kung totoo ba sila o hindi." Bulong ni mama na kinangiti ko bago siya yakapin ng mahigpit.
"Salamat mama hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kayo nakausap." Ani ko bago humiwalay na kinatawa ni mama.
"Haynaku anak dalaga kana talaga." Ani ni mama bago nakangiting haplusin ang pisngi ko.
"Basta anak lagi mong tatandaan andito lang si mama andito lang kami palagi para suportahan ka." Dagdag ni mama na kinangiti ko.
"Salamat po."
---
"Ano walang klase?" Ani ko ng makita ko sina Callius na papalabas ng building.
"Astrid halatang hindi ka nakikinig kahapon." Natatawang sambit ni Marco na kinakamot ko sa pisngi.
Masyado na akong accoupied kahapon kaya siguro hindi ko narinig.
"May meeting ngayon ang councils at officers ng C-lite para sa festival kaya wala ngayong klase." Ani ni Callius na kinangiwi ko.
"Tanghali na ihahatid na lang kita pauwi sainyo dalawang oras pa naman bago---."
"Salves!" Napatingin ako sa hindi kalayuan ng makita ko si Dwayne at Alvis na tumatakbo palapit saakin.
"Nood ka ng try out namin!" Ani ni Dwayne ng makalapit saakin.
"Try o---."
"Bukas pa ang game niyo Almeda, walang klas---."
"Ano ka ba Mr.President ayos lang noh at isa pa gusto ko din manood ng game nila." Putol ko kay Callius.
Namimis ko na din manood ng mga games. Yeah manood dati din daw kasi player papa ko at siya nga nagturo saakin magbasketball dati .. dati ngayon kasi wala na akong time at may work na si papa.
"Talaga manood ka?! Tara na!" Ani ni Alvis bago ako hilahin anak ng tokwa ang lalaki nilang tao tapos hihilahin ako.
"Teka! Tek---."
Naputol ang sasabihin ko ng pagtungtong namin sa entrance ng gymn bumungad saakin ang hiyawan ng mga kababaihan sa loob.
"W-Wait practice lang ito diba bakit ang daming tao? Akala ko walang klase?" Tanong ko kina Alvis na mukhang naghahanap ng daanan para makapunta kami sa unahan.
"Once a year lang kasi kung maglaro ang Blacksphere para sa C-lite kaya--- ayun tara na!" Ani ni Dwayne bago ako hilahin ng dalawa.
"Teka ang daming tao." Reklamo ko ng makisiksik kami sa maraming estudyante.
Try out lang naman ito pero sobra dami naman yatang estudyante ang nandito. Para akong nasa official game ng NBA dahil sa dami ng nanonood.
"Kyaaah ang gwapo mo Cadmus!"
"Venedict!!"
"Ohmygosh! Kumindat si Alcide kyaah!!"
Nang makababa kami sa pinakaunahan ng gymn napahawak ako sa pinakaposte na namamagitan sa pinaka court ng gymn at sa crowd.
"Teka! Bakit niyo ako ipapasok diyan hindi naman ako player at---."
"Wala kang uupuan diyan ang sikip sikip diyan special ka kaya sa loob ka!" Natatawa sambit ni Dwayne magsasalita sana ako ng itulak ako ni Alvis at hilahin ako paloob.
"Alvis! Ayoko nga kasi dun ako sa labas." Tarantang sambit ko ng mapatingin saakin ang ibang player ng basketball team.
3rd Person's POV;
Napatigil ang lahat ng player na nasa court ng mapatigil si Cadmus sa pag didribble ng bola ng makita si Astrid na nakikipag hilahan kina Dwayne at Alvis.
"Break muna." Anunsyo ni Cadmus bago bitawan ang bola at humakbang palapit sa tatlo na nasa bench na ng court kung nasaan ang mga gamit ng players.
"Alvis ang kukulit niyo hindi nga ako pwede dito, nakakahiy---."
"Ikaw na nga ginagawan ng maganda, lagi ka pa ding may nasasabing masama." Ani ni Cadmus bago lumapit sa cooler na nasa gilid ng bench at kumuha ng bottled water.
"Ikaw naman laging may nasasabing masama kaya nakakairita." Singhal ni Astrid ng mapako ang tingin niya sa lalaking kasalukuyang umiinom ng tubig.
"Nakakairita dahil nagsasabi ako ng masama?" Ulit ni Cadmus bago tingnan ang dalaga habang nakataas ang gilid ng mga labi.
"Ano bang klaseng salita na para sayo maganda ha?" Tanong ni Cadmus na kinaatras ng dalaga dahil sa paglapit nito sakanya.
"H-Ha?" Tanong ng dalaga dahil sa pag atras bumangga ang likod ng tuhod nito sa bench at napapikit ng mapaupo ito.
"Tinatanong kita." Nahugot ni Astrid ang hininga niya ng pag mulat niya ng mata sobrang lapit ng mukha sakanya ni Cadmus hanggang sa hindi namalayan ng dalaga na nakatitig na ito sa mga mata ni Cadmus.
Magkahalong kulay abo at berde ang kulay ng mata ng binata na kinahanga ng dalaga dahil sa hindi niya iniexpect na ganito ang kulay ng mata ng binata sa malapitan. Dahil ang kulay na madalas niyang kinakatakutan sa mga mata nito sa malayuan ay ang deep black eyes na para sa lahat nakakatakot para itong isang malaking hole kung titingnan.
Ilang minuto silang nagkatitigan hanggang sa naitulak bahagya ni Astrid si Cadmus mula sa pagkakahawak sa sandalan ng bench ng tumikhim si Venedict na nasa likuran dahil may mga kumukuha na ng litrato sa dalawa.
"Kamusta naman yung titigan portion niyo may nanalo ba?" Biro ni Alcide.
"Astrid! Teka!" Sigaw ni Dwayne at Alvis ng wala sa sariling napatakbo si Astrid papunta sa hallway ng locker room ng boys na kinataas ng gilid ng labi ng binata lalo na ng makitang namumula ang dalaga.