Chapter 25
Astrid Salves's POV;
"Expelled?" Ulit ko sa sinabi ni Callius.
"Muntikan na siyang makapatay kahit sabihin pa nating hindi niya yun pinalano." Sagot ni Callius.
"Gusto ka ni Terresa kaya niya yun nagawa tiyaka okay lang naman ako kailangan pa ba talaga siya iexpelle---."
"Astrid mayaman si Terresa hindi man siya makapasok sa mga school dito sa pilipinas may school pa sa ibang bansa. Wag mo na siyang alalahanin." Kalmadong putol ni Callius na kinabuga ko ng hangin.
"Sige Mr.President alis na ako." Paalam ko bago maglakad palapit sa pinto bubuksan ko na yun ng may humawak sa braso ko na kinalingon ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Callius na kinangiti ko.
"Ayos lang ako medyo namomoroblema lang ako kung paano ako makakahabol." Ani ko bago tuluyang buksan ang pinto ng maialis ko ang kamay ni Callius sa braso ko.
"Gusto mo ba tulungan kita?" Tanong ni Callius.
"Student council ka marami ka pang mas importanteng dapat gawin." Sagot ko.
"Ayos lang yun ikaw naman tuturuan ko." Natatawang sambit niya na kinailing ko bago ngumiti.
"Ayos lang review lang naman yun, una na ako." Sagot ko bago tumalikod at maglakad paalis.
Babalik na lang siguro ako sa room para magreview ang problema lang masyadong maingay.
Nang makarating ako sa hagdan bababa na ako ng---.
'Cadmus.'
Napatigil kami pareho ng magkasalubong ang tingin namin hanggang sa hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga.
Napaiwas ako ng tingin at iiwasan ko siya para bumaba ng ganun din ang ginawa niya.
"Ano bang ginagawa mo? =_=." Tanong niya na kinatigil ko ng hawakan niya ako sa balikat at siya ang tumabi saakin papunta sa gilid.
"Wag kang pahara-hara." Ani niya bago ako lampasan.
Walang halong pang aasar dun kaya napalingon ako.
=_=. Ano kaya nakain ng kupal na yun? Isasalpak ko pa lahat sa bibig niya.
3rd Person's POV;
"Sports festival?" Bulong ni Astrid matapos mag announce ng prof nila.
"Once a year may ginaganap na sports fest bawat estudyante required sumali sa kahit na anong sports na gusto nila after ng booths activity na itatayo ng bawat section. 2weeks yun kaya halos dalawang linggo wala tayong klase iba pa yung 1week preparation." Explain ni Alcide na habang nakahalumbaba na kinatingin ni Astrid.
"Pwedeng hindi sumali sa sports?" Tanong ni Astrid na kinatingin nina Dwayne.
"Yeah pero sayang naman yung points na makukuha mo." Sagot ni Alcide.
Matapos ang klase nagkanya kanya ng labas ang lahat habang si Astrid ay nagpaiwan para sagutan ang mga test paper na kailangan niya ipasa para sa araw na yun.
"Lunch na andito ka pa." Napaangat ng tingin ang dalaga ng bumukas yung pinto at niluwa nun si Cadmus na tanging tshirt na lang ang suot.
Kung wala yung itim nitong hikaw sa tenga mapagkakamalam niya itong si Callius.
"Gangster kung aasarin mo lang ako kaya ka andito wag ngayon may mga test papers pa akong dapat sagutan." Ani ng dalaga bago bigyan ulit ng pansin ang mga books na nasa harapan niya.
"Balak mong basahin lahat ng yan sa loob ng dalawang oras?" Tanong ni Cadmus na kinatigil ng dalaga.
"Pwede ba wag mo ak---."
Naputol ang sasabihin ng dalaga ng magbaba ng apat na notebook aa lamesa si Cadmus matapos tabigin ang mga libro sa lamesa ng dalaga.
"Lahat ng answer keys sa test andiyan." Ani ni Cadmus na kinagusot ng mukha ng dalaga.
"Alam kong anak ka ng may ari ng eskwelahan na ito pero yung gumawa ka ng kodigo mali---."
"Stupid sa tingin mo mageeffort ako pumunta sa dean office para lang gumawa ng kodigo? Kung may time kang pumutak magreview kana lang." Naiiritang sagot ni Cadmus.
Nagkatinginan na lang ang members ng blacksphere ng mag talo nanaman ang dalawa at umalis ang leader nila.
"Hindi ako mandadaya akala ni---."
"Hindi yan kodigo Salves." Putol ni Dwayne na kinatingin ni Astrid sa likurang bahagi ng silid.
"K-Kanina pa kayo?" Tanong ni Astrid na kinangiti nina Alvis.
"Oo mukhang hindi niyo nga kami pansin kasi busy kayo sa pagtatalo." Ani ni Alvis bago tumayo at lumapit sa pwesto ni Astrid kasunod sina Dwayne.
"Reviewer yan." Ani ni Dwayne bago kuhanin ang isang notebook.
"Reviewer? Pano magkakareviewer ang gunggong na yun eh laging tulog sa klase. Siguro nambully nanaman yun."
"Haha ang sama talaga ng tingin mo kay Cadmus noh." Komento ni Alcide sa nakasimangot na dalaga.
"Before exam gumagawa nito si Cadmus para sa grupo para hindi kami mapaalis sa eskwelahan na ito specially si Alvis." Ani ni Venedict na kinatingin ng dalaga.
"Ibig sabihin hindi talaga ito answer keys?" Ani ni Astrid.
"Andiyan lahat ng sagot sa test so? Answer keys nga yan pero hindi kodigo dahil lahat yan ginawa ni Cadmus. Hindi naman si Cadmus gumagawa ng test diba?" Natatawang tanong ni Dwayne.
"Yung tungkol sa pag alis .... pag bumagsak kayo aa exam mapapaalis kayo?" Tanong ng dalaga.
"Kasunduan yun sa family namin once na bumagsak kami dito balik kami ng states. Si Alvis naman katulad mo scholar din." Ani ni Alcide na kinalaki ng mata ng dalaga.
"Scholar ka?" Ani ni Astrid na kinangiti ni Alvis.
"Magreview kana meron kana lang dalawang oras." Ani ni Venedict na kinamura ng dalaga bago mabilis na binuksan ang reviewer na binigay ni Cadmus.
Habang nagrereview si Astrid tahimik na lumabas ang blacksphere dahil ayaw ng mga ito makaistorbo.
"Nag aalala ako kay Cadmus." Ani ni Dwayne matapos maisara ang pintuan.
"Kahit sana isang taong lang bukod saatin ... may totoong makaappreciate ng ginagawa niya." Bulong ni Alvis.
---
Matapos lumabas ni Cadmus sa classroom kung nasaan ang dalaga palihim namang nag gigitgit ang kakambal nitong si Callius habang nakatingin sa likuran ng binata.
"Lahat na lang inaagaw mo saakin Cadmus." Bulong ni Callius.
Lumipas ang ilang minuto pumikit ito ng madiin at huminga ng malalim bago maglakad dala ang mga bulaklak at mga chocolate na laging binibigay nito sa dalaga.
Astrid Salves's POV;
"Ahm Cadmus." Ani ko bago huminga ng malalim.
"S-Salamat kasi pinahiram mo ako ng reviewer hindi ko naman sinasadya sabihin yung kahapon ikaw kas--- ano ba Astrid nagsosorry ka ba o naninisi?" Parang tangang sambit ko matapos kong sapuin ang noo ko ng marealize ko ang sinasabi ko.
Kasalukuyan ko kasing pinapractice ang sasabihin ko kay Cadmus hindi naman kasi ako kasing walang hiya niya na hindi marunong magthank you at magsorry.
Nang sumilip ulit ako sa loob ng classroom mula dito sa iwang ng pinto nandun pa din siya nakaupo at mukhang may binabasa na kung ano.
Buti na lang wala pa sina Dwayne ay ilan sa mga kaklase namin.
Huminga ulit ako ng malalim bago umayos ng tayo.
"Ito na yung notebook mo sorry sa sinabi ko k-kahapon hindi ko sinasadya thank you sa pagpapahira---."
"As far as iknow akin yan hindi kay Callius."
"Ay palaka!"
Napatalon ako sa gulat at napangiwi ng pagharap ko bumangga ako kung sino mang nagsalita sa likuran ko.
"Anong kay Mr.President eh say--- akala ko ikaw nasa loob." Ani ko ng makita ko si Gangster sa harapan ko habang sa likod nito sina Dwayne na tatawa =_=. Great double epic.
"Sorry akala ko ikaw yung nasa loo---."
Napasinghap ako at napaatras ng nakapamulsahang yumuko saakin si Cadmus at ilapit ang mukha niya saakin.
"Tumingin ka saakin." Utos ni Cadmus hindi ko alam pero kusang umangat ang tingin ko at ng magtama ang mata namin. Para nanamang tinatambol ang dibdib ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Alam kong stupid ka pero sana wag mo masyadong panindigan nakakairita kasi. At sana ito na yung pangalawa at huli na mapagkakamalan mong ako si Callius dahil pag pumangatlo ka pa ihuhulog kita sa rooftop." Pokerface na pagbabanta ni Cadmus na kinalaki ng mata at kinatuyo ng lalamunan ko.
"I-Ikaw! Gusto mo ipapulis kita death threat---bastos!" Tili ko ng agawin yun ni Cadmus at nakangising talikuran ako.
"Gangster! Abno! Bastos! Walanghiy---."
"Astrid." Napalingon ako sa likuran ko ng makita ko si Callius na lumabas ng classroom.
"H-Hehe Mr.President goodmorning." Alanganing bati ko.
Nakakahiya ka Astrid ><.
'Pero anong pangalawa? Ito lang naman yung unang beses na napagkamalan kong si Cadmus si Mr.President. I mean kaya ko napagkamalang si Cadmus si Mr.President dahil nakacivillian si Callius