Chapter 29
3rd Person's POV;
Mula sa pagtakwil ng magulang sa dalaga at pag sabi ng boyfriend nitong ipalaglag ang baby kinuwento nito ang dalaga hanggang sa pag dating ni Astrid sa rooftop.
"Sinong Allen ang tinutukoy mo? Allen Freya?" Tanong ni Astrid na kinayuko ng babae.
"Bakit? Paano nagawa ito ni Allen student council siya imean hindi ganung tao ang---."
"Mas mahalaga ang image ng pamilya niya at image niya sa eskwelahan na ito ... n-naiintindihan ko siya kasi ganun din ako." Naiiyak na sambit ng babae.
"Kaya pati yung batang walang kamalay malay balak niyong patayin ... tapos nandamay ka pa magpapakamatay kana lang magsasama ka pa ng iba?" Walang buhay na sambit ni Cadmus.
"Ano ba Gangster sumusobra kana ah." Naiinis na sambit ni Astrid.
"Sumusobra? Palibhasa kasi ikaw hindi mo ginagamit yang utak mo. Alam mo ng may tao dito may magpapakamatay sana tumawag ka ng mga teacher bago ka pumunta dito. Ilang beses ka na bang muntikan mapahamak dahil sa pagiging careless mo ha?!" Sigaw ni Cadmus ba kinagitgit ng babae bago tumayo.
"Sino ba naman kasing demonyo ang nagsabi sayong tulungan ako ha?! Wala naman diba? Kung isusumbat mo lang din naman ang pagtulong mo sakin sana pinabayaan mo na lang ako!" Bulyaw ni Astrid na kinayukom ng kamao ng binata.
"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang kakambal ka ni Mr.President napakasama ng ugali mo." May diing sambit ng dalaga bago hawakan yung babae at lumabas sa pintuan ng rooftop.
---
"Ayos ka lang?" Tanong ng babae habang nakahiga sa kama ng clinic at nakatingin kay Astrid na nakaupo sa upuan.
"Hindi ko alam kung anong nasabi ko ... bakit ko sinabi yun." Ani ni Astrid bago yumuko at naiinis na sabunutan ang sarili.
"Pano na lang ako pag pinashoot too kill ako ng gagong yun o ipagbugbo---."
"Sa tingin ko naman hindi gagawin yun ni Cadmus." Putol ng babae na kinatingin ni Astrid.
"Hindi siya mukhang galit kanina nung umalis ka ... nasaktan siya." Dagdag ng babae.
"Imposible yun bato ang puso ng sira ulong yun." May pagkadisgusto na sambit ni Astrid.
"Gaano mo na ba kakilala si Cadmus at nasasabi mo yan?" Tanong ng dalaga na kinasimangot ng babae.
"Bakit mukhang mas kinakampihan mo pa siya?" Tanong pabalik ni Astrid.
"Mukha naman kasing hindi ka niya sinusumbatan kanina concern lang siya sayo at isa pag kinumpara mo siya kay Callius." Sagot ng dalaga na kinatahimik ng dalaga.
"Mainitin lang ang ulo ni Cadmus at takaw sa gulo pero mukhang mabait naman siya. Alam mo ba ang bali balita kaya lang bumalik dito si Cadmus dahil tinakot ng papa niya si Cadmus na pababagsakin ng mga Acosta ang kompanyang pagmamay ari ng Black sphere at tatanggalin ang scholar ship ni Alvis?" Ani ng babae na kinatingin ni Astrid.
"Kahit ang mga Acosta ang may ari ng eskwelahan na ito si Cadmus at ang grupo niya nag entrance exam para lang walang mabayaran in short isa sila sa scholar balita ko nga before exam. Gumagawa si Cadmus ng reviewer para sa grupo niya dahil madalas hindi mga nakakahabol ito sa lesson dahil may kanya kanyang business na pinatatakbo sina Venedict habang nag aaral. Pag bumagsak kasi ang isa sakanila hindi sila makasama sa top 20 mapapaalis ang grupo ni Cadmus sa C-lite at ibabalik sila sa states katulad ng kasunduan nila sa kani-kanilang pamilya."
"Malamang kaibigan niya yun eh." Ani ni Astrid bago umiwas ng tingin ideny man niya pero sobrang naguguilty siya.
"Hindi pa pala ako nakakapag pakilala." Ani ng babae na kinatingin ni Astrid.
"Ako si Aila Padernal, ikaw?" Tanong ng babae na kinangiti ng konti ng dalaga.
"Ako si Astrid, Astrid Salves." Nakangiting sambit ni Astrid bago abutin ang nakalahad na kamay ng babae.
"Ms.Padernal ito na yung result ng check up sa'inyo."
Bungad ng nurse pagkatapos bumukas ang pinto at pumasok ang nurse.
---
"May game pa tayo bukas hindi pa ba titigil si Cadmus?" Naghihikab na tanong ni Dwayne habang nakatingin kay Cadmus na paulit-ulit nagbabato ng bola sa ring na kahit isang beses hindi man lang nagshoot.
"Mukhang hindi magiging maganda laro natin nito bukas." Komento ni Alcide habang nakapamulsahang nakatingin sa mga binabatong bola ni Cadmus.
--
"Go! C-lite! Go C-lite!"
"Farellion! Farellion!"
Hiyawan at sigawan ang dumagundong sa buong gymanassium ng mag simulang maglaro ang dalawang grupo ng player galing sa magkaibang eskwelahan.
"Ano bang ginagawa ni Captain? parang wala siya sa sarili." Komento ng isa sa mga player ng C-lite na nakaupo sa bench.
"Captain!" Sigaw ng isa sa mga player ng C-lite na nasa court ng hindi sinasadyang maipasa ni Cadmus ang bola sa kalaban.
"Haha salamat ah!" Tatawa tawang sambit ng isa sa mga kalaban bago tumakbo.
"Wala pa tayo sa 2nd half nagkalat na si Cadmus." Ani ni Dwayne habang sapo ang noo.
Tuwing ganitong laro sa huli pumapasok ang grupo nina Venedict para tuluyang tambakan ang kalaban. Pero sa nakikita nila ngayon mapapaaga ang pasok nila dahil sa ibang dahilan hindi sila makascore dahil na din sa leader nila kung hindi makashoot naagawa.
Makalipas ang ilang minuto sumipol na ang referee at lahat nagbalikan na.
Tawa ng tawa ang player na nasa kabilang university ng matambakan ang C-Lite.
"20 to 0, Acosta anong nangyayari sayo?" Kalmadong tanong ng nagsisilbing coach ng team.
"Hayaan niyo na coach mukhang wala sa mood si Cadmus wag kayong mag alala dodoblehin namin ang score." Nakangiting sambit ni Dwayne na kinabuga ng hangin ng matanda.
'Papasok na agad ang Blacksphere at nabangko si Cadmus ano bang namgyayari?'
'Hindi ko nga din alam eh.'
Dahil sa pagpasok ng blacksphere sa game mabilis na nabaliktad ang laro pumantay ang C-lite at Farellion University hanggang sa lumamang ng tatlo ang C-lite ng hindi man lang nakascore ang kalaban.
"Buti pa kayo may kwenta hindi kagaya ng captain niyo haha." Tawa ng isa sa mga farellion na kinatingin nina Dwayne.
"Kung ako sainyo papalitan ko na yung captain ko lampa na tanga pa ipasa ba naman sa kalaban ang bol---."
"Basty!"
"Anong nangyari?!"
Nagkagulo ang miyembro ng Farellion at Player ng C-lite ng suntukin ni Venedict ang ilong ng pinakacaptain ng team ng Farellion.
"Kalalaki mong tao ang dami mong sinasabi." Walang emosyong sambit ni Venedict.
Pinipigilan siya ng ilang members ng team ng C-lite habang ang tatlo sa Blacksphere ay hindi man lang inabalang pigilan ang kasamahan. Masama lang ang mga tingin nito Farellion pero hindi ito mga nagsalita at nanatiling tahimik.
Dahil sa nangyari nacancel ang laro at dinala sa hospital ang captain ng Farellion at mabilis na kumalat ang balita.
--
"Alam niyo ba dahil sa ginawa niyo galit na galit ang Dean ng Farellion!" Nag gigitgit na sambit ni Callius habang nakatingin kay Cadmus na nakapamulsahang nakatingin kay Callius at sa grupo nito.
"Wala ka na nga naitutulong dito Cadmus puro problema pa ang dala mo." May diing sambit ng binata.
"Anong gusto mong gawin ko?" Walang buhay na tanong ni Cadmus.
"Kinausap ko ang team ng Farellion at sinabi nila na magkakaroon ng rematch bukas ... at humihingi sila ng kapalit dahil sa ginawa mo sa captain nila."