Chapter 30

1402 Words
Chapter 30 3rd Person's POV; "Ano?" Nanlalaki ang matang tanong ni Astrid matapos mapatayo at tingnan si Aila. "May rematch ulit ang C-lite at Farellion Astrid at once na matalo si Cadmus ... mapapaalis sila ng university." Ulit ni Aila dahilan para iwan ni Astrid ang ginugupit na tela para sa booth nila. "Saan ka pupunta Astrid?" Tanong ni Aila habang pilit na hinahabol si Astrid. "Aila dito ka lang buntis ka wag ka ng humabol sandali lang ako." Ani ni Astrid bago dali daling bumaba ng hagdan. "Astrid!" Napatingin ako kina Dwayne ng tumatakbo silang lumapit saakin at habol hiningang hinarap ako. "Nakita mo ba si Cadmus? Malapit na magsimula ang game." Tanong ni Alvis. "Mukhang balak na talaga ni Cadmus magpatalo mas mabuti pa hayaan na natin siya." Ani ni Alcide. "Anong magpatalo?! Hindi pwede mapapatalsik tayo sa C-lite at pag nangyari yun siguradong ipapatapon nanaman sa States si Cadmus." Ani ni Dwayne. "Eh yun naman gusto niya diba." Sagot ni Alcide. "No! Hahanapin natin si Cadmus ... ang lokong yun napakaduwag!" Sigaw ni Astrid na kinatingin ng blacksphere ng tumakbo ito kung saan. --- Halos ikutin na ni Astrid ang buong Campus pero walang Cadmus kahit sa tambayan nito wala. "Nasaan ka na bang sira ulo ka." Nanggigil na sambit ni Astrid ng marinig ang ingay galing sa gymn at makita ang isa isang pag dating ng mga Ferellion students. Kasalukuyang nakatingin si Astrid sa gate ng C-lite ng---. "May isa pang lugar." Ani ni Astrid bago tumakbo papunta kung saan at pumasok sa pagitan ng elementary at highschool building. "Gangster!" Sigaw ni Astrid na kinamulat ng mata ni Cadmus na kasalukuyang nakasandal at nakahiga sa lilim ng puno. "Malapit na ang game niyo tapos ikaw patulog tulog lang diyan." Naiiritang bulyaw ni Astrid sa binata ng makalapit ito. "Ano bang kailangan mo?" Walang buhay na tanong ni Cadmus bago umayos ng upo at iwasan ng tingin si Astrid. "Anong kailangan ko?! Peste ka malamang hinahanap ka malapit na magsimula ang game niyo." Ani ni Astrid ng---. "Don't tell me concern ka din sa image ng eskwelahan." Sagot ni Cadmus. "Anong image? image! gago ka ba pag natalo ka mapapaalis kay---." "Yun naman gusto mo diba? Walang may gusto na nandito kami favor yun saakin mapapabalik na kami ng states besides hindi naman dapat kami nandito." Putol ni Cadmus bago nakacross arm na sumandal ulit sa puno. "Anong gusto ko? Wag ka ngang isip bata hindi mo ba naiisip sina Venedict? Malay mo gusto din nila dito nagdedesisy---." "Kaya lang sila nandito dahil nandito ako." Putol ulit ni Cadmus. "Napakabastos mo talaga bakit ba ayaw mo ako patapusin?! Sinong may sabing walang may gusto na andito kayo?" Tanong ni Astrid na kinatingin ni Cadmus. "Napaka useless ng pagpunta mo dito Salves hindi ko alam kung bakit ka pa nageffort na hanapin ako." Ani ni Cadmus. "Kaya ako nandito para kalakadkarin ka papunta ng gymn. Ayokong umalis kayo oo nakakaasar ka, nakakabwisit lahat na pero ayoko ng dadating sa point na umalis ka ... kayo nina Dwayne. Kung naiinis ka dahil sa sinabi ko nung isang araw sorry hindi ko yun sinasadya. May point ka naman hindi ako nag iisip kung sa tingin mo hindi ko naappreciate ang ginagawa mo pasensya na tuwing bumubuka kasi yang bibig mo nakakaasar walang lumalabas na maganda. Gusto kitang maging kaibigan Cadmus at kilalanin pa gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ka masamang tao mabuti ka din na tao katulad ng sinabi ni papa." Ani ni Astrid. Ilamg minutong katahimikan ang nagyari sa dalawa hanggang sa umismid si Cadmus na kinapokerface ng dalaga. "Ayaw mo tanggapin ang sorry ko ganun? Pero dahil kilala kita at walang hiya ka talaga anong gusto mong kapalit para pumunta ka sa punyetang game na yun at manalo?" Pokerface na tanong ni Astrid na kinatingin ni Cadmus. "Kapalit?" Tanong ni Cadmus hanggang sa tumaas ang gilid ng labi nito at tumayo. "Kahit ano?" Dagdag ni Cadmus bago nakapamulsahang hinarap ang dalaga. --- "Tangna asan na ba si Cadmus." Sunod sunod na mura ang pinakawalan ni Alvis ng halos magmakaawa na ang coach ng team para bigyan sila ng ilang minuto. Once kasi na matalo ang C-lite sira na ang image ng buong campus siguradong pagtatawanan sila ng ibang university dahil sa nangyari. Simula kasi ng tumungtong ang dalawang Acosta sa university ni minsan hindi nalamangan ang C-lite sa kahit na anong aspeto, sa game, production at iba pa. Kung sa ibang normal university natural lang ang matalo sa C-lite hindi malaki yung kahihiyan sa students once na matalo sila kahit isang beses. "Pasensya na Mr.Doran pero 25 minutes na kami nag aantay dito sa captain ng team niyo." Ani ng referee bago tingnan ang ilan sa Farellion's player na naghihikab na at parang nang aasar pa sa mga player na nasa kabilang team na balisa. "Putangna talaga." Mura ni Dwayne ng---. "Kyaaah! Si Cadmus!" Napatingin ang lahat sa lalaking pababa ngayon sa court binigyan siya ng daan kasunod si Astrid na nakasimangot. "Captain!" "Cadmus!" Nabuhayan ang mga players at buong crowd ng nakapamulsahang pumasok sa court ang binata at hubarin ang suot nitong jacket. "Mag simula na tayo." Ani ni Cadmus. "Nasaan ang jersey mo?" Tanong ni Venedict ng makitang itali ni Cadmus ang jacket niya sa bewang at nakasandong lumapit sakanila. "Aanhin ko pa ang Jersey? May 20 points pa akong hahabulin wala na akong time." Bored na sambit ni Cadmus. Matapos mag gesture ang coach ng team sa players na sasalang nakahinga ng maluwang sina Alvis. "Anong nangyari pano mo nahila?" Tanong ni Dwayne sa nakasimangot na Astrid na umupo sa tabi nila. "Wag mo ng alamin tama kayo ayaw niya ng maglaro." Ani ni Astrid. Astrid Salves's POV; "Teka bakit naka 20 points agad ang Farellion?" Ani ko ng makita ko yung scoring. "Isa yun sa kasunduan ng Farellion napilayan sila gawa ng nasa ospital ang captain nila at hindi din kami pinayagan maglaro." Ani ni Alvis. "Minamaliit nila masyado si Captain tsk." Ani ni Alcide. "Panget naman kasi talaga naging laro kahapon ni Cadmus." Komento ko. Naramdaman ko ang tingin saakin ng apat pero hindi ko sila pinansin. Akala siguro nila hindi ako nanood kahapon dahil sa nangyari. Matapos sumipol ng referee hindi ko maiwasang kabahan pano mahahabol ni Cadmus ang 20 points na yun kung sila nag back to zero. Kagat kagat ko ang dulo ng daliri ko habang naglalaro at nakikipag agawan si Cadmus sa bola. 3minutes na ang lumipas at nakashoot pa ang kalaban ni hindi man lang nahawakan nina Cadmus ang bola. "Hoy gangster! Pag natalo ka sa game na yan ni isa sa mga sinabi mo hindi ko gagawin! Itaga mo yan sa bato!" Naiinis na sigaw ko na kinatahimik ng lahat at kinatingin sa pwesto ko. Nang maisigaw ko yun napatingin sakin si Cadmus at ngumisi. Huminga muna ito ng malalim bago tumingin ulit sa mga kalaban. "Ano yan may deal kayo ni Cadmus?" Tanong ni Dwayne na kinatingin ko. Nakagat ko ang labi ko bago sumagot. "Ayoko kasing umalis kayo para ko na kayong mga kapatid ... tiyaka si Cadmus marami akong tanong at gusto kong masagot yun pano niya masasagot yun kung aalis na siya." Ani ko na kinangiti nila. "Natutuwa naman kami sa sinabi pero hindi magandang idea na makipag deal ka kay Cadmus." Bulong ni Alcide na tatawa tawa lang. "Alam ko yun noh ... tama siya siguro nga napakacareless ko pero ... masyado ng malaki ang utang na loob ko sakanya. I mean naguguluhan pa din ako ngayon binubully niya ako, tinatakot pero lagi siyang andiyan para iligtas ako katulad ng nangyari nung isang araw. Kung hindi siya dumating siguradong patay na ako ngayon ... isama mo pa yung naging anniversary ng C-lite siya lang yung kaisa isang taong ni minsan hindi pumasok sa isip ko na ililigtas ako at magiging kakampi ko nung time na. Tapakan ng ibang tao ang pagkatao ko na kahit si Callius hindi nagawa. Dun pa lang proven na mabait siya pero tuwing naiisip ko yung pang bubully, pang aasar at pagiging mainitin ng ulo niya natatakot ako." Ani ko. Nang sumipol yung referee nagulat ako ng mabilis na naagaw ni Cadmus ang bola na kinahiyaw ng buong C-lite students. "Nashoot niya!" Sigaw ko ng makita kong naka 3points agad si Cadmus matapps ishoot yun mula sa kinatata---. "Teka pano nangyari yun? Sobrang layo niya sa ring."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD