Chapter 28

1101 Words
Chapter 28 3rd Person's POV; "Ano bang pinag gagawa mo Astrid nakakahiya ka." Parang tangang sambit ng dalaga habang pinupukpok pukpok ang ulo niya. "Eh ano kung maganda mata niya magkamukha naman sila ni Callius." Pabulong bulong na sambit ng dalaga bago umupo na parang bata sa gitna ng field. Nasa kalagitnaan siya ng pakikipag debate sa sarili niya ng hindi sinasadyang mapatingin siya sa pinakamataas na palapag ng Engineering deparment na hindi kalayuan sa pwesto niya. "Babae ba yung nasa itaas?" Bulong ni Astrid bago tumayo ng makakita siya ng bulto ng tao sa pinakataas ng rooftop. "Ohmygosh! Babae nga anong gagawin niya dun?!" Sigaw ni Astrid na agad tumakbo sa building kung saan niya nakita yung tao. Dahil sa pagmamadali hindi niya namalayang naiwan na pala nito ang gamit sa field. --- "Saan na pumunta si Salves?" Tanong ni Alcide pagkatapos ng try out nila. "Baka umuwi na ito naman kasing si Cadmus lakas ng trip." Paninisi ni Dwayne. Nagkakaingay ang ilang miyembro ng blacksphere ng pare pareho silang mapatigil ng makarating sila sa field at mapahinto si Cadmus ng may makitang mga gamit na nagkalat sa damuhan. "Kay Salves ito diba?" Ani ni Cadmus na kinalaki ng mata ni Alvis bago isa isang dinampot ang mga yun at tiningnan. "Nasaan si Salves?" Tanong ni Alcide habang tumitingin tingin sa paligid. "Ano nanaman kayang kaengotan ang ginagawa ng babaeng yun." Pokerface na bulong ni Cadmus ng mapako ang tingin niya sa isang building. Astrid Salves's POV; "Ms!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop. Napatingin saakin ang babae at nagulat ng makita ako. "I-Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ng babae namumugto ang mata nito habang nakatayo sa pinaka maliit at medyo mataas na bahagi ng gilid ng rooftoop. "Ikaw dapat ang tinatanong ko nan diba? Anong ginagawa mo diyan? Magpapakamatay ka ba?" Nag aalalang tanong ko hahakbang ako ng---. "Wag kang lalapit! Diyan ka lang!" Sigaw ng babae na kinatigil ko ng humagulhol ito. "Pabayaan mo na ako please! *sob* pagod na pagod na ako gusto ko ng matapos ito." Umiiyak na sambit ng babae na kinalambot ng expression ko. Kitang kita ko yun sakanya namumutla siya at mukhang hindi talaga ayos ang lagay niya. "Hindi ko alam kung anong problema mo pero hindi ito ang solusyon para magpakamatay---." "Hindi mo ako naiintindihan kasi hindi naman ako ikaw! Wala kang magulang na mukhang pera! Wala kang boyfriend na mas mahalaga pa ang iisipin ng iba kaysa sa batang dinadala ko. *sob* ayokong mawala ang baby ko ayokong pumatay kaya mas mabuting mag sama na lang kami kaysa ... kaysa patayin k---." "Marami kang pagpipiliin pwede mo naman buhayin yung bata please wag mong gawin ito ano pang pinagkaiba mo sa mga magulang mo kung papatayin mo din ang batang yan sasama ka pa." Putol ko. "Para ano? Kutyain ng iba? Pagtawanan? Iabandona ng mga magulang ko? Ayoko hindi ko hahayaan yun ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko pag nalaman nilang nabuntis ak---." "Bakit ba iniisip mo ang sasabihin ng iba kaysa sa batang nasa sinapupuman mo!" Sigaw ko na kinatigil niya. Naiinis na ako buhay ng isang bata ang nasa sinapupunan niya. Biyaya yun bakit kailangan niyang itapon dahil lang sa iniisip ng iba. "Isipin mo na lang ang magiging anak mo Ms. Isipin mong isa ka ng ina at hindi na isang batang nakadepende pa sa iba may baby kana maawa ka sa baby." Mababa ang boses na sambit ko na kinalambot ng expression niya. "M-Magiging mommy na ako." Bulong ng babae bago hawakan ang tiyan niya. "Handa kitang tulungan pwede mo ako maging kaibigan tutulungan kita please wag mong gawin ito." Bulong ko. Yumuko siya bago tumingin saakin. "B-Bababa n-na ako." Bulong niya na kinangiti ko kaya mabilis akong lumapit para tulungan siya bumaba ng---. "Aaaah!!" "Ohmygod!" Tili ko bago tumakbo at mabilis na sinalo ang braso niya bago siya tuluyang mahulog. Nakakapit ako sa nakaangklang bakal malapit sa gilid ng rooftop. Pero sobrang bigat naiiyak na yung babae habang pilit ko siyang inaangat. "Wag kang bibitaw please! Tulong!!!" Sigaw ko na kahit ako naiiyak na sa takot kung hindi ako bibitaw pareho kami mahuhulog sa baba kung nagkataon pero hindi ko kaya ... hindi kaya ng konsensya ko. Kahit nahihirapan at medyo nadudulas na ang kamay ko sa bakal pilit ko siyang hinihila paangat. "Tulong!! Tulungan niyo kami!!" Sigaw ko habang umiiyak na dahil takot na takot na din ako. "Tulong!" Sigaw nung babae. "Kumapit ka ng mahigpit! Wag kang bibitaw." Ani ko habang inaangat siya ng---. "Aaaah!!!" Pareho naming sigaw ng tuluyang madulas ang kamay ko pero bago pa ako tuluyang bumulusok pababa may matitigas na brasong pumulupot sa bewang ko at may mga kamay na humawak sa babang hawak ko. "Kahit kailan talaga puro problema ang dala mo." Hindi ko alam pero ng marinig ko ang boses na yun mula sa likuran ko at pilit na hinila ako paangat ... kumalma ako at napahagulhol ng makita ko sina Alvis na naiangat yung babae. "Ohmygosh." Umiiyak na sambit ko ng yakapin ako ng babae hanggang sa pareho kaming napaupo sa semento ng rooftop. 3rd Person's POV; Halos lahat ng blacksphere nakahinga ng maluwang at napasandal sa net na hindi kalayuan sa pwesto ng mga dalaga. Abot abot din ang kaba ng lahat ng makitang muntikan ng mahulog si Astrid sa rooftop kung ... nahuli pa sila ng ilang segundo baka nahulog na ang dalawa. Iyak lang ng iyak ang dalawa habang si Cadmus ay bahagyang hinihilot ang sintido dahil sa nararamdamang inis matapos muntikan nanamang mapahamak ang babae. Kitang kita yun ng apat at inaasahan na nilang magsasabi nanaman ng kung ano ang leader pero---. "Uminom muna kayo." Ani ni Cadmus bago mag abot ng isang plastic bottle na walang bawas. Kinuha yun ni Astrid na sinisinok sinok bago buksan at iabot yun sa babae na umiiyak pa din at nanginginig. "Uminom kana." Ani ni Astrid hindi umimik ang babae at kinuha yun. Nang medyo kumalma yung babae kinuha ni Cadmus ang sariling inumin at binigay kay Astrid. May bawas na yun pero hindi nagsalita si Astrid at ininuman ang inabot na inumin ni Cadmus. Makalipas ang ilang minuto naging normal na ang pag hinga ng dalawang babae at medyo kumalma na din ang mga ito. "Now explain anong ginagawa niyo dito sa rooftop." Walang emosyong sambit ni Cadmus. Napayuko yung babae pero si Astrid nag angat ng tingin at tiningnan si Cadmus. Nabasa nito ang inis sa mukha ng binata kaya umiwas din ito ng tingin. "B-Balak ko sanang magpakamatay at ... at niligtas niya ako." Panimula ng ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD