CHAPTER 6

1207 Words
“Francine ang ganda-ganda mo iha saad ni Kyla sabay halik sa pisngi ng bata. Maglaro muna kayong tatlo huh at meron lang kaming pag-usapan ng daddy at mommy ninyo.” Saad ni Kyla sa tatlong bata. “Lorrene okay lang ba na gawin nating arrange marriage ang future nila ni Katrina at Lorenz? baka magkagulo, alam mo naman na ang mga puso ng mga kabataan ang sinusunod nila, hindi ang kagustuhan ng mga magulang nila.” Seryosong saad ni Kayla nag-alala siya sa puwedeng kahihinatnan ng desisyon nila. Gusto kasi nila Lorrene at Arthur na maging asawa ni Lorenz si Katrina. Syempre dahil na rin sa kayamanan para sa kanila lang umiikot at hindi ito mapunta sa iba. “Kyla relax ang ganda- ganda ng anak mo I’m sure na mamahalin siya ng anak ko, huwag mo nang isipin ‘yan ang mahalaga napagkasunduan natin na sila ang dapat magpakasal in the future, saka alam mong mabait ang anak ko Kyla kaya huwag ka na lang mag-isip ng negative. “Froilan okay lang ba sa ‘yo ang kasunduan natin? na ipakasal natin sila in the future?” tanong ni Arthur kay Froilan. “Arthur matagal na rin tayong business partner at wala naman tayong naging problema at mas lumaki pa nga ang ating company, wala akong problema sa kasunduan natin, basta ang dapat nating gawin pagdating nang araw na kolehiyo na sila dapat engaged na silang dalawa para hindi tayo magkaproblema pagdating ng araw.” Seryosong saad ni Froilan. Nakangiti pa ito habang nagsasalita deal na sila sa kanilang kasunduan at natutuwa silang balang araw ang kanilang mga anak ang magkakatuluyan. Habang naglalaro ng bike ang tatlo ay nagulat si Francine nang bigla siyang kagatin ni Clarissa sa braso. Malakas ang kagat na ‘yon dahil namumula si Francine at umiiyak, Lumapit si Beth nang marinig niyang umiiyak si Francine. “Lorenz bakit umiiyak si Francine?” tanong ni Beth. “Yaya kinagat po siya ni Clarissa.” Sagot ni Lorenz. “Clarissa bakit mo kinagat si Ate Francine mo? bad ‘yan baby huwag mo nang ulitin okay?” Saad ni yaya Beth. “No! I hate her!” saad ni Clarissa habang tinuturo si Francine. Umiiyak pa rin si Francine nakita ni Beth na dumugo ang kinagat ni Clarissa kaya inakyat niya si Francine sa kuwarto nito para gamotin. “Francine masakit ba?” tanong ni Beth. “Opo yaya Beth masakit po.” Saad niya habang umiiyak. “Gamotin natin ang sugat mo huh para hindi ma-infection, huwag kang magalit kay Clarissa bata lang ‘yon mas big girl ka sa kaniya, ikaw ang ate kaya ikaw ang mapagpasensya.” Saad ni Beth. Tumango lang si Francine at ngumiti siya kay Beth, pagkatapos lagyan ng gamot ang sugat ni Francin ay lumabas na si Beth para maghanda ng dinner para sa mga bisita. “Maiwan na kita Francine, dito ka na muna tawagin na lang kita kapag mag-dinner na tayo okay?” Saad mi Beth saka lumabas. “Bumukas ulit ang door ang akala ni Francine ay bumalik si Beth. “Yaya Beth bakit po kayo bumalik?” tanong ni Francine. “Francine,” hinaplos ni Lorenz ang sugat ni niya at hinihipan ito ni Lorenz, ngumiti si Francine at pinisil niya ang ilong ni Lorenz. “Aray! Francine naman eh, bakit mo pinisil ang ilong ko?” tanong ni Lorenz. “Kuya masaya lang ako, kasi hinihipan mo ang sugat ko, kaya hindi na masakit. Halika na kuya maglaro na tayo ulit puntahan na natin si Clarissa, kawawa naman siya mag-isa lang siya sa baba walang kalaro.” “Francine, I hate her! kinagat ka kasi niya. I’m sorry hindi man lang kita ipinagtanggol sa kaniya ako pa naman ang superhero mo, ang bad niya.” Nakasimangot pa si Lorenz habang nagsasalita. “Kuya ang sabi ni yaya Beth matanda ako kay Clarissa kaya ‘di ako magalit, pero ang sakit eh kaya umiiyak ako, pinigilan ko naman ang luha ko kuya kaso ang sakit talaga, saka kuya okay na ngayon hindi na masakit puwede na tayo maglaro ulit.” Nakangiting saad ni Francine at hinawakan niya ang kamay ni Lorenz para bumaba na sila sa sala para makipaglaro kay Clarissa. Pagdating nila sa baba nagkukwentuhan pa rin ang kanilang mga magulang, naglalaro pa rin si Clarissa ng bike. Nang makita niyang parating si Lorenz at Francine ay hindi siya huminto binangga niya si Francine ng bike natumba si Francine at bumagsak ang kaniyang ulo sa sahig. Nagulat si Lorenz sa ginawa ni Clarissa kaya nilapitan niya ito at sinuntok sa mukha sumigaw si Clarissa sa sobrang sakit dahil malakas ang suntok ni Lorenz sa kaniya. Tinulungan ni Lorenz na makatayo si Francine umiiyak si Francine sa sobrang sakit. Niyakap siya ni Lorenz para tumahan, tumayo ang kanilang mga magulang at lumapit sa kanila dahil narinig nila ang mga ito na nag-iiyakan. Tumakbo si Kyla nang makita niyang umiyak si Clarissa at namula ang mukha nito dahil sa suntok ni Lorenz. “Baby bakit ka umiiyak? what happen?” tanong ni Kyla na nag- aalala sa kaniyang anak. Yumakap si Clarissa kay Kyla at tinuro niya si Francine. “Mommy sinuntok po ako ni Francine sa mukha.” Deretsong turan ni Clarissa. Galit na galit si Kyla hindi man lang siya nagdadalawang isip at hinawakan niya si Francine sa braso. “Anong ginawa mo sa anak ko! bakit mo siya sinuntok sa mukha!” Galit na singhal ni Kyla. Inawat siya ni Lorrene pero hindi siya nagpaawat. “Kyla, mga bata lang ‘yan huwag mong seryosohin.” Saad ni Lorrene. “Tita Kyla ako po ang sumuntok kay Clarissa sinagasaan kasi niya si ng bike si Francine. I’m sorry po tita.” Saad ni Lorenz. “Lorenz, bakit mo ‘yon ginawa? lalaki ka anak huwag mo nang ulitin baby pa si Clarissa.” Saad ni Lorrene. “Lorenz, hindi mo ba alam na dapat protektahan mo si Clarissa? hindi mo dapat sinasaktan si Clarissa dahil siya ang magiging asawa mo.” Seryosong saad ni Kyla. “No! ayoko masama po ang ugali ni Clarissa bad po siya!” galit na galit si Lorenz at tumakbo ito sa taas. “Kyla pasensiya ka na kay Lorenz nabigla lang ang bata.” Nahihiyang saad ni Lorrene. “Francine! huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko lumayo ka sa kaniya! nagmana ka talaga sa ina mong malandi!” singhal ni Kyla kay Francine. Lalong umiyak si Francine sa sinabi ni Kyla. “Kyla anong ginawa mo? walang ginawang masama si Francine kay Clarissa naririnig mo ba ang sarili mo?” singhal ni Froilan ky Kyla. Kinarga ni Froilan si Francine at dinala niya ito sa taas. “Kyla bakit mo ginagawa ‘yon! Bakit mo sinabi ‘yon kay Francine? bata lang ‘yon Kyla maaring naapektuhan ang emotion niya sa mga sinasabi mo.” Galit na saad ni Lorrene. “Kyla tama si Lorrene, mali ang ginagawa mo, saka away bata lang ‘yon at walang ginawa si Francine kay Clarissa ‘di ba? si Clarissa pa ang nanakit kay Francine. At Kyla hindi kasalanan ni Francine ang kasalanan ni Bianca.” Saad ni Arthur naawa kasi siya sa bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD