CHAPTER 7

1068 Words
Arthur, alam mo naman kung gaano ko kamahal si Clarissa ‘di ba? I’m sorry kung hindi ko na control ang sarili ko.” Wika ni Kyla. “Kyla huwag ka sa akin mag-sorry kay Lorrene at Froilan lalong-lalo na sa bata, kung mero kang galit sa ina niya huwag mong idamay ang bata ano’ng alam niya sa pinagagawa ng parents niya?” seryosong saad ni Arthur. Samantalang tahimik lang si Lorrene hindi siya makapaniwala sa mga pinakita ni Kyla best friend niya ‘to pero hindi niya hayaang lapastangan niya ang inosenting bata. “Kyla huwag mo nang uulitin ang mga sinasabi mo kanina kung ayaw mong masisira ang pagkakaibigan natin.” Mahinahon na saad ni Lorrene. “Lorrene seryoso ka ba? ipagpapalit mo ang friendship natin dahil lang sa anak ng kriminal?” lumaki ang mga mata ni Lorrene at hindi niya napigilan ang sarili, hindi niya na kayang magtimpi kaya sinigawan niya si Kyla. “Ang kitid ng utak mo Kyla! hindi mo ba ako naiintindihan? anak namin ni Froilan si Francine! ito na ang huling lampastangan mo ang anak ko! by the way I’m sorry Arthur, Clarissa sa ginawa ni Lorenz sa ‘yo.” Seryosong saad ni Lorrene. “Arthur lets go! sa labas na tayo mag-dinner ang init-init dito!” nagpaalam na si Arthur kay Lorrene imbis mag-dinner pa sila ay hindi na natuloy dahil sa mga nangyayari, si Arthur na ang humingi ng pasensya sa ginawa ni Kyla. Pag-alis ng kanilang bisita nagmamadaling umakyat si Lorrene sa taas tinitignan niya kung okay lang ba si Francine. Nang makita niya si Francine ay madali niya itong kinulong sa kaniyang mga braso, at bumuhos ang kaniyang mga luha na kanina niya pa pinipigilan, hanggang sa humagulgol na rin siya nang iyak habang yakap-yakap niya ang bata itinuring niya nang tunay na anak si Francine binuhos niya na ang pagmamahal niya sa bata kaya masakit sa kaniya ang mga binitawang salita ni Kyla. Hindi niya inaasahan na ganoon si Kyla kay Francine, kung galit man siya sa ina nito ‘di dapat dinadamay ang bata. Masikip ang dibdib ni Lorrene alam ni Froilan na nasasaktan ang asawa niya dahil kilalang-kilala niya ito mula ulo hanggang paa. Niyakap na rin ni Froilan si Lorrene para lumuwag ang pakiramdam nito at saka niya hinalikan sa noo. “Tahan na Lorrene.” Saad ni Froilan habang yakap-yakap niya si Lorrene. Pinunasan ni Francine ang mga luha ng kaniyang ina at hinalikan niya ito sa pisngi. Kaya mas lalong humagulgol nang iyak si Lorrene dahil sobrang malambing na bata si Francine, hindi deserved ng bata ang maanghang na salitang binitawan ni Kyla kanina lang, labis ang galit niya kay Kyla. “Mommy huwag na po kayong umiiyak, inaway po ba kayo aa mommy ni Clarissa? I’m sorry po mommy ako ang dahilan sana ‘di nalang ako umiiyak para hindi kayo lumapit. Sorry po mommy, daddy sorry po.” Mahinahong saad ni Francine. Lumapit si Lorenz at niyakap niya ang kaniyang mommy, natatakot din itong mapagalitan dahil sinuntok niya si Clarissa. “Mommy I'm Sorry po. Naawa lang ako kay Francine ‘di ba sabi niyo ni daddy ako ang superhero ni Francine? kaya pinagtanggol ko po siya kay Clarissa tingnan niyo po mommy meron nga siyang sugat kasi kinagat siya ni Clarissa tapos sinagasaan pa niya. Kaya ko po siya sinuntok kasi po mommy ang bad niya.” Sumbong ni Lorenz sa kaniyang mommy at daddy. Tiningnan ni Lorrene ang sugat sa braso ni Francine saka niyakap niya ulit ang bata. “Lorenz huwag mo nang ulitin ang ginawa mo baby huh? kung puwede lang kung maulit ang nangyari kanina umiwas na lang kayo layuan ninyo si Clarissa. “Seryosong saad ni Lorrene. Bumaba na sila para mag-dinner, hindi pa rin panatag si Lorrene meron pa rin siyang sama nang loob kay Kyla. Pagkatapos nilang mag-dinner ay umakyat na sila sa kanilang kuwarto at doon na nag-uusap si Froilan at Lorrene. “Lorrene sumosobra na ang kaibigan mo naintindihan ko na nagagalit siya kay Bianca na ina ni Francine pero wala siyang karapatan na idadamay niya si Francine sa kaniyang galit, kawawa naman si Francine kung ganiyan kakitid ang utak ni Kyla.” Saad ni Froilan hindi niya nagustuhan ang attitude ni Kyla. “Froilan huwag ka nang mag-alala kausapin ko si Kyla bukas sa opisina hindi ko gusto ang pinapakita niya ayaw kong idamay niya ang anak natin sa galit niya kay Bianca, at isa pa away bata lang naman iyon kanina pero sineseryoso niya.” Saad ni Lorrene habang pabalik-balik siya nang lakad. Best friend ni Lorrene si Kyla at si Arthur naman Bestfriend din ni Lorrene si Arthur ang tumulong kay Lorrene noon na makabangun at business partner nila ito sa company. Dating secretary ni Froilan si Kyla pero naging asawa ito ni Arthur kaya isa na rin ito sa stockholder ng company. Nahihirapan siyang mag adjust pero ayaw niyang makita ng nagagalit ito kay Francine, dahil para kay Lorrene at Froilan kahit hindi ang kanilang dugo ang dumadaloy sa ugat ng bata ay minahal nila ito at itinuturing na totoong anak. “Sana Lorrene kausapin mo si Kyla baka hindi na ako papayag sa deal natin na ipakasal ang mga anak natin. Ayoko sa ugaling ipinapakita niya kay Francine.” Seryosong saad ni Froilan habang nagbabasa ng magazine at nakaupo sa kama, si Lorrene naman ay pabalik-balik nang lakad habang nag-iisip kung paano niya kausapin si Kyla na hindi ito ma-offend. Sina Lorenz at Francine naman ay naglalaro pa ang mga ito ng lego hindi pa sila nakaramdam nang antok. Masaya silang nagtatawanan habang nagtulong-tulungan kung paano gumawa ng robot. Ilang sandali pa ay inaantok na si Francine umakyat na siya sa kaniyang kama para matulog. Magkatabi silang dalawa sa kama masaya na rin si Lorenz dahil meron na siyang kasama sa kama kung noon mag-isa lang siya, pero ngayon ay kasama niya na si Francine. Pumasok sa isip ni Lorenz ang sinabi ni Kyla na ipakasal silang dalawa ni Clarissa kapag nakapagtapos na sila ng kolehiyo, kunot ang noo ni Lorenz at nakatitig siya sa mukha ni Francine. “Para lang ako sa ‘yo Francine, hindi kita iiwan at ayoko rin sa katrina na ‘yon. Sinasaktan kaniya at sinungaling pa, bad siya ako ang superhero mo mula ngayon hindi ako papayag na sasaktan ka ni Clarissa.” Wika ni Lorenz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD