CHAPTER 5

1059 Words
“Pagdating nila sa bahay deretso sila sa kuwarto umupo si Lorenz sa kaniyang kama at ganoon na rin si Francine. Pero hindi nakatiis si Francine lumapit siya kay Lorenz. “Kuya huwag ka na magalit sa akin kasi sad po ako eh, ikaw lang kasi ang kuya ko tapos magagalit ka sa akin. Hindi na kita hahalikan sa classroom kuya dito na lang kita e kiss sa kuwarto natin.” Saad ni Francine dahilan sa paglaki ng mga mata ni Lorenz, tinawag sila ni Beth para maligo at na at kumain ng snack. “Francine mauna na akong maligo pagkatapos ko ikaw na ang susunod.” Seryosong wika ni Lorenz. Hindi sumagot si Francine at nakatingin lang siya kay Lorenz. “Kuya bakit ayaw mo akong kasabay maligo? magkapatid tayo ‘di ba at superhero kita kahit saan ako nandoon ka puwede ba ‘yon kuya Lorenz?” tanong ni Francine. “Francine magkapatid tayo pero ayokong kasabay kitang maligo.” Saad ni Lorenz at nagmamadali na siyang pumasok sa bathroom. Humiga si Francine sa kama ni Lorenz habang naghihintay siyang matapos si Lorenz, pero nakalimot ito at nakatulog paglabas ni Lorenz ay natutulog na si Francine. Nagmamadali na siyang nagbihis habang natutulog pa si Francine. Pagkatapos niyang magbihis ay nilapitan niya si Francine para gisingin pero natutulog pa rin ito. “Francine gising na maligo ka na, bumaba na ako sumunod ka na lang.” Natigil si Lorenz nang humihikbi si Francine at tinawag nito ang kaniyang daddy. “Daddy. . . daddy. . . hintayin niyo po ako daddy, sasama po ako sa inyo! daddy. . . dadd. . . paulit-ulit na sambit ni Francine sa kanyang daddy habang humihikbi ito. Hinaplos ni Lorenz ang mukha ni Francine. “Francine nanaginip ka gumising ka na! niyogyog ni Lorenz ang balikat ni Frnacine para magising ito. Nakita niyang mero mga luha sa mga mata ng kapatid niya, bumalikwas nang bangon si Francine at nang makita niya si Lorenz ay agad siyang yumakap habang humagulgol nang iyak. “Francine tama na huwag ka nang umiyak, nandito lang si kuya, hindi kita pababayaan kung malungkot ka at kung namiss mo ang iyong daddy puwede mo akong yakapin at kantahan kita para hindi ka na malulungkot. Pinunasan ni Lorenz ang mga luha ni Francine at siya na rin mismo ang humalik sa noo ng kaniyang kapatid. “Mabait ka na ba sa akin kuya Lorenz hindi ka na ba magagalit? papayag ka na ba na ikaw ang superhero ko?” nakangiting tanong ni Francine. “Oo Francine, alagaan na kita ituturing na kapatid basta huwag mo na akong halikan sa harapan ng mga classmate natin.” Seryosong saad ni Lorenz. “Hindi na kuya, promise po.” Wika ni Francine saka tumayo para pumasok ng batroom at maligo. Nauna na sa baba si Lorenz para manunuod ng TV. sa sala. Hindi muna siya kumain hinintay niyang bumba si Francine para magkasabay silang kumain ng snack. Nakita siya ni Beth kaya tinawag siya nito at nang makakain na pero tumanggi siya dahil hindi pa siya nagugutom. Pero alam ni Beth na hinihintay nito si Francine, ngumiti si Beth natutuwa siya puppy love ni Lorenz. Pagbaba ni Francine agad na din siyang tumayo para pumunta sa dining. Magkasabay silang dalawa ni Francine na kumain, at masaya silang nagkukuwentuhan, hinayaan na lang sila ni Beth para masanay silang dalawa at comfortable sa isa’t isa. Tumawa na si Lorenz at masaya na siyang nakipag usap kay Francine. Hindi nakauwi nang maaga si Lorrene at Froilan dahil meron silang pinuntahan na importante kay sa dinner silang dalawa pa rin ni Francine ang kumakain. “Lorenz, Francine huwag kayong magpuyat sa TV. Matulog na kayo nang maaga dahil meron kayong pasok bukas. huwag niyo nag hintayin ang mommy Lorrene ninyo at daddy Froilan dahil meron lang silang importanteng inaasikaso. Tumango si Lorenz at ngumiti siya kay yaya Beth. Pati na rin si Francine, pagkatapos nilang kumain ay nagmamadali na silang umakyat sa taas. Para matulog. “Kuya Lorenz gusto kong makatabi kang matulog. idikit natin ang kama natin kuya sige na please.” Saad ni Francine. “Francine bakit mo gustong tumabi sa akin?” seryosong tanong ni Lorenz. “Kuya natatakot po ako, lagi na lang akong nanaginip kaya kailangan kita para kahit natutulog ako ay binabantayan mo pa rin ako.” Saad ni Francine. Kaya walang nagawa si Lorenz tinulak nila ang kama ni Francine para dumikit sa kama niya. Naglalaro silang dalawa ng lego gumawa si Francis ng mga robot tapos tinuturuan niya si Francine. Nang makaramdam na sila nang antok ay magkasabay na silang natutulog. Kinabukasan habang nagtataka si Francine dahil meron bata sa sala at nang makita ni Francine kung sino ang bisita ay tumakbo si Lorenz pababa ng hagdan. “Tito Arthur,” agad siyang tumalon kay Arthur at hinalik-halikan siya ng tito niya sa pisngi, matagal na rin kasing hindi bumisita si Arthur kay Lorenz si Arthur kasi ang kinilalang ama ni Lorenz noon kaya miss na miss niya na ito nang sobra. “Kumusta ka na Lorenz? ang laki muna at ang pogi mo na anak. Nasaan ang kapatid mong si Francine? Nakita ni Arthur na nasa hagdan si Francine nakaupo at nanood lang sa kanila nahihiya kasing lumapit si Francine sa dalawa. tinawag ni Lorenz si Francine para ipakilala niya ito sa kaniyang tito Arthur. “Tito siya po si Francine.” Seryosong saad ni Lorenz. Niyakap ito ni Arthur at hinalikan sa pisngi, “Lorenz mahalin mo ang kapatid mo.” Saad ni Arthur, habang nakangiti. “Tito siya po ang baby niyo? ano po ang pangalan niya?” tanong ni Lorenz habang hinawakan ang anak ni Arthur. “Siya si Clarissa Lorenz siya ang anak namin nang tita Kyla mo, At kapag nasa tamang edad na kayo at nakapagtapos ng pag-aaral puwede na kayong magpakasal.” Narinig nina Kyla at Lorrene ang sinabi ni Arthur kaya sinaway ni Kyla si Arthur. “Arthur babe, masyadong bata pa si Lorenz saka na natin ipaliwanag sa kaniya ang totoo kapag nasa tamang edad na silang dalawa ni Clarissa na-shock si Lorenz sa sinabi ni Arthur bumaling siya nang tingin kay Francine na nakatingin kay Clarissa, tatlong taon si Clarissa at dalawang taon lang ang kanilang agwat. Sa isip ni Lorenz na si Francine lang ang kaniyang pakasalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD