CHAPTER 1
5 years later.
Masayang naghapunan sina Froilan at Lorrene kasama ng kanilang anak na si Lorenz, nang may biglang kumatok sa kanilang pinto at nagulat silang lahat nang makita nila si Emmanuel na duguan bitbit ang anak nitong si Francine. Takot na takot si Lorrene sa mga oras na ‘yon at mabilis niyang kinuha si Francine.
“Emmanuel, anong nangyayari sa ‘yo? Bakit ang daming dugo? Francis, dalhin natin siya sa hospital,” natarantang saad ni Lorrene.
“Emmanuel, halika na. Sasamahan kita sa hospital,” sabi ni Froilan at inalalayan nito si Emmanuel pero umatras si Emmanuel at ayaw niyang hawakan siya ni Froilan.
“Froilan, Lorrene, please alagaan niyo ang anak ko. Palakihin niyo siyang mabuting tao at hindi katulad namin ni Bianca. Hindi na rin ako magtatagal. Kailangan niya ng mga magulang na gagabay sa kaniyang paglaki at magmamahal sa kaniya nang buong puso. Hindi siya tinanggap ng mga magulang ko at ayaw ko rin ibigay siya sa mga magulang ni Bianca, dahil wala akong tiwala sa kanila,” paliwanag ni Emmanuel kahit nahihirapan na itong magsalita.
“Emmanuel, pangako, palalakihin namin nang maayos si Francine. Sana papayagan mo kaming dalhin ka sa ospital para maagapan ang mga sugat mo sa katawan,” saad ni Lorrene pero tumakbo na si Emmanuel palabas ng kanilang mansion. Habang si Francine ay nakatulala sa isang tabi at tumutulo ang mga luha nito. Nilapitan ito ni Froilan at niyakap niya ito nang sobrang higpit.
“Gusto ko ang daddy ko. Bakit niya po ako iniwan dito?” humagulgol nang iyak si Francine. 3 years old pa lang ito kaya kailangan niya ng may mga taong magmamahal at mag-aaruga sa kaniya. Magandang bata si Francine at halos magkapareho sila ng mukha ni Bianca. Kinarga siya ni Lorrene upang tumigil na ito sa kaiiyak.
“Francine, ako ang daddy Froilan mo. Naalala mo pa ba ako? Siya si mommy Lorrene mo. At siya naman ang kapatid mo, si Lorenz,” saad ni Froilan habang yakap-yakap nito si Francine. Nakatingin si Francine kay Lorenz. Tinititigan niya ito at nang lapitan niya ay biglang tumakbo ito papalayo. Hinabol ni Beth si Lorenz dahil alam niyang nagseselos ito kay Francine.
Naabutan ni Beth si Lorenz na nakadapa sa kama at umiiyak. Halos magkaedad lang naman sila ni Francine. 3 months lang naman ang agwat nilang dalawa.
“Lorenz, bakit ka nagtatago dito sa kuwarto? Ayaw mo bang makipaglaro kay Francine?” tanong ni Beth kay Lorenz pero nagtalukbong ito ng kumot at umiiyak. Pinaintindi ni Beth sa bata na kailangang tanggapin nito si Francine dahil wala itong pamilya.
“Beth, okay lang ba si Lorenz?” tanong ni Lorrene. Hinatid ni Lorrene sa kuwarto ni Lorenz si Francine at nilagyan nila ng isang kama para silang dalawa sa iisang kuwarto.
“Lorenz, anak nandito si Francine. Dito siya matulog kasama mo sa isang kuwarto.” nagulat si Lorrenz sa sinabi ng mommy niya kaya bumalikwas siya ng bangon. Galit na galit ito at tinalasan niya nang tingin si Francine.
“Lorenz, anak mula ngayon protektahan mo si Francine. Ikaw ang superhero niya. Magkasama kayo sa iisang school at dapat ikaw ang magbabantay sa kaniya. Kapatid mo siya, anak. Ipasok mo sa puso at sa isip mo na magkapatid kayong dalawa,” mahinahong sinabi ni Lorrene kay Lorenz. Mabait na bata si Lorenz. Nanibago lang siya dahil nasanay kasi siya na mag-isa lang siyang anak. Tapos may biglang sumulpot na ‘di niya kilala at maaaring maging kaagaw niya sa atensyon ng kaniyang mga magulang.
“Mommy, bakit ‘di siya sa kabilang kuwarto?” tanong ni Lorenz kay Lorrene. Binigyan niya lang ng matamis na ngiti si Lorenz.
“Francine, magpakabait ka kay Kuya Lorenzo. Magkasama kayo sa school, para may tagapagtanggol ka sa school,” saad ni Lorrene habang hinahaplos niya ang mukha ni’Francine.
“Lorenz, mahalin mo ang kapatid mo. Ayaw kong marinig na nag-aaway kayo. Maiwan ko na kayong dalawa.” Lumabas na sina Beth at Lorrene sa kuwarto para magkasundo ang dalawa.
Lumapit si Francine kay Lorenz pero itinulak niya ito at sinisigawan. Umiyak si Francine at umupo sa sulok.
“Daddy, kunin niyo ako rito. Ayaw ko rito,” sabi ni Francine habang umiiyak at nakaupo sa isang sulok. Nakatingin naman sa kaniya si Lorenz. Tumayo si Lorenz at lumapit siya kay Francine.
“Francine, huwag ka nng umiyak. Papayag na ako na dito ka matutulog sa kuwarto ko, basta huwag kang magulo at ayaw ko ng maingay,” saad ni Lorenz habang hinawakan niya ang braso ni Francine.
“Lorenz, hindi ka na ba galit sa akin? Hindi mo na ba ako aawayin? P’wede na ba kitang tawagin na kuya?” tanong ni Francine kay Lorenz. Ngumiti na si Lorenz at tumango ito. At tinulungan niyang tumayo si Francine. Kumuha siya ng maraming mga laruan at ibinigay niya kay Francine.
“Francine, huwag ka nang malungkot kahit wala ang daddy mo magiging masaya ka na rin ditto, maglalaro tayo at magkasabay tayo sa school,” nakangiting sinabi ni Lorenz. Samantalang nasa labas ng kuwarto si Froilan at Lorrene at tinitingnan nila ang mga bata kung nagkasundo na ba ito.
Alam naman nila na mabait na bata si Lorenz at mamahalin niya rin at tatratuhin na kapatid si Francine. Iniwan na nila ang dalawa at pumasok sila sa kanilang kuwarto. Umakyat naman si Beth sa kuwarto ni Lorenz at Francine para maglagay ng isang bed para kay Francine. Natutuwa si Beth dahil naglalaro na ang dalawa, at nagkakaintindihan na ito. Bago lumabas si Beth sa kuwarto ng mga bata. Pinaliguan niya muna ang dalawa.
Unang gabi ni Francine sa mansion. Nahihirapan siyang makatulog dahil na-mimiss niya ang kaniyang daddy. Habang nakahiga si Francine ay ipinikit nya ang kaniyang mga mata at tumulo ang kaniyang mga luha. Pinigilan niya ang kaniyang hikbi dahil ang sabi ni Lorenz ay ayaw nito ng maingay. Bumangon si Lorenz at nilapitan niya si Francine, humiga siya sa tabi nito at tinapik niya ang likod ni Francine.
“Francine, huwag ka nang umiyak. Kakantahan kita para makatulog ka. Huwag ka nang malungkot. Lalala. . . lalala. . . lalala. . . wala akong alam na kanta Francine. Pero sana makatulog ka na.” Nagpatuloy sa pagkanta si Lorenz at hindi siya tumigil hanggang sa nakatulog si Francine. May hawak-hawak na teddy bear si Francine at yakap-yakap niya ito habang natutulog. Nang makita ni Lorenz na nakatulog na si Francine ay bumalik na siya sa kaniyang kama. Nakaharap pa rin siya kay Francine dahil nag-alala siya baka magising ito at umiyak na naman.